Sunud-sunod na katok sa pinto ang nagpagising kay Rick. Pupungas-pungas pa siyang tumayo. Kabubukas lang niya ng pinto palabas ng kuwarto ay sumisigaw na siya ng sandali lang, dahil hindi maawat ang kung sino mang nagmamadali sa labas. “Sino ba itong an gaga-aga…” Pabiglang binuksan ni Rick ang pinto. Isang lalaking payat na nakasalamin ang bumungad sa kaniya. Nakangiti ito at may hawak na attaché case at mga papel. Humikab pa si Rick bago patamad na tinanong ang lalaki. Mukha kasing bebentahan lang siya nito ng mga kung ano-anong anek-anek. “Bakit?” Nanatiling nakahawak ang kamay niya sa seradura at bahagya pa siyang nakasandal sa pinto. Inaantok pa siya dahil bukod sa mukhang maaga pa, matagal siyang nakatulog dahil sa ginawa kagabi. Sa madaling salita, dinalaw siya ng kaniyang kun