Hindi makapaniwala si Rick nang magising kinabukasan. Maghihilamos sana siya nang makita sa salamin ang sariling repleksiyon. Napakakinis ng kaniyang mukha! Walang bahid ng anumang itim na gawa ng taghiyawat. Papasang model ni Belo ang kaniyang mukha. Hinawakan niya pa para makasiguro at bahagyang pinisil din niya ang kaniyang pisngi, baka kasi nananaginip lang siya. Pero totoo ang lahat! Parang kagabi lang ay halos masuka siya sa itsura niya at ngayon… Dali-dali siyang lumabas ng banyo at kinuha ang bag. Inilabas mula rito ang notebook at ballpen. Tuwang-tuwang niyakap ito. Napakarami niyang gustong isulat sa wishlist niya. Kahit pa kumain siya ng sandamakmak na uod ay gagawin niya, matupad lang lahat ng isusulat niya sa notebook. *** Nagulat si Rick nang buklatin niya ang notebook a