Kanina pa hindi mapakali si Rick. Pabalik-balik siya nang lakad sa may sala at mayamaya ay uupo. Tapos ay sasandal at susulyapan ang orasan. Malapit nang mag-alas dose at kailangan na niyang maghanda. Huminga muna siya nang malalim bago hinila ang maleta na kinalalagyan ng bangkay ni Jane. Buti na lang at may gulong kaya kahit nabibigatan siya ay hindi ganoon kahirap. Sa may kusina siya dumaan at baka mahagip siya ng CCTV sa harapan. Nagkalat kasi iyon sa buong subdivision. May kotse na siyang ini-ready sa likuran at 'yong sa tingin niyang pinakamabilis ang kaniyang dadalhin. Malaki rin ang compartment nito sa likuran kaya kasyang-kasya rito ang may kalakihang maleta. Hirap na hirap siyang ipasok ito dahil wala siyang katulong na magbubuhat. Buong puwersa ang ginamit niya para lang maipa