Chapter One
"Naaalala mo pa ba noong una mong nakilala ang magpapatibok ng puso mo? Paano kung hindi mo talaga inaasahan na siya na pala iyon? Yung bang dinadaanan mo lang. Sinusungitan mo lang. Inaaway mo lang. Tapos sa huli pala, ay kayo lang din para sa isa't isa. Anong kwento ng unang pagkikita ninyo?"
Sabay sabay nating tunghayan ang unang pagkikita nina Kristine at Macky.
Enjoy reading.
Kristine
Ang maganda lang sa pagcocommute papunta sa bago kong bahay ay mas marami akong taong nakakasalamuha na papunta sa lugar kung saan ako titira at magtatrabaho.
Noong araw na makita ko siya ay pangalawa ako sa pila ng mga taong kumukuha ng ticket sa Ticket Booth papuntang Calle Adonis, San Lorenzo.
Pangatlo siya.
Nang makabili na ako ng ticket ay saka ako naupong muli sa waiting area. Alas Dos pa ang byahe ko kaya naupo muna ako. Hinanap ko yung lalaking kasunod ko kanina sa pila. Nakikita ko siya kanina mula sa salamin sa ticket booth at sobrang gwapo niya lang. Makapal ang kilay, mala anghel ang mukha, matangos na ilong, maayos naman ang tubo ng bigote niya. Hindi lang ako ang nakatingin sa kanya dahil may mga napapadaan ding dalaga na napapatingin talaga.
Nakita ko siya sa tabi ng poste. Tinitingnan niya ang ticket niya.
Saan kaya siya pupunta?
“Ma’am Pulis, mani po,” alok ng matanda sa akin.
Opo. Halatang pulis ako dahil naka white t-shirt lang ako na female cut. Naka maong lang din ako na fitted. Maikli rin ang buhok ko kaya sobrang halata.
“Isa lang po nay,” inabot ko sa kanya ang 50 pesos.
“Huwag niyo na po suklian,” sabi ko pa sa kanya.
“Salamat naman ma’am,”
“Wala pong anuman,”
Nang simulant kong kainin ang binili kong adobong mani ay ibinalik ko yung tingin ko doon sa lalaki pero wala na siya sa kinatatayuan niya.
Naklita ko namang may umalis na bus papuntang San Gabriel kaya napagtanto kong baka doon nga siya sumakay.
Eksaktong paubos na ang kinakain ko nang mag-announce ang management na maaari nang sumakay ang mga pasahero papuntang San Lorenzo.
Kinarga ko na ang maleta ko saka koi to ibinaba mula sa upuan. Hinila koi to patungo sa bus na sasakyan ko.
“Patingin po ng ticket ma’am,” sabi nung guard.
Ipinakita ko sa kanya ang ticket saka niya inokayan.
“Kuya, pasuyo naman ako sa maleta ko,” sabi ko sa kundoktor saka naman niya ito binuhat at dinala sa lagayan ng mga bagahe.
“Salamat po,” ako.
Dala-dala ang shoulder bag ko ay umakyat na ako sa bus.
Seat number 08 lang ako kaya medyo nasa bungad lang.
Hinanap ko ito at nang makita na ang pwesto ko ay saka ako komportableng umupo. Umusog ako sa parteng bintana para makita ko ang view habang umaandar ang bus.
Halos nakasakay na ang lahat. Wala pa rin akong katabi.
Maya maya ay lumingon ako sa mga nasa gitna pa. Siksikan pa dahil kasalukuyang nag-aayos ng mga gamit ang mga pasahero sa taas.
Mula sa unahan ay nakita kong muli yung lalaki.
Lintik. Dito rin pala siya sasakay? Pasimple akong tumitingin sa kanya habang umuusad ang mga tao.
May dala siyang backpack na medyo maraming laman at wala namang halong emosyon ang mukha niya.
Nang malapit na siya sa akin ay saka niya tiningnan ang ticket niya.
Nagulat ako nang bigla niyang ilagay ang back pack niya sa taas, sa tapat ko.
Bahagyang tumaas ang laylayan ng suot niyang Gray T-shirt at may mga cute na hibla ng buhok akong nakita mula sa puson niya.
Shocks. May mga abs ito. Nagbilang ang isip ko.
One. Two. Three. Four. Hindi ko na masyadong mabilang dahil hanggang doon lang ang part na bumabakat sa suot niyang medyo loose na shirt. Pero sure akong anim iyon. Promise.
Saka ako umiwas ng tingin.
“Ah miss, anong seat number mo?” tanong niya. Ang ganda ng boses niya. Lalaking lalaki.
“Eight. Bakit?” tanong ko.
“Sa may window kasi yung nine. Tapos sa aisle yung eight,” sabi niya.
Agad ko namang chineck yung mga nakalagay sa upuan saka ko nakumpirmang totoo yung sinasabi niya.
So kung bibilangin, isa lang ang uupo sa likod ng driver?
Bigla akong tumayo saka siya pinadaan.
Ito naman, parehas lang naman na upuan eh. Kusang sumisimangot ang bibig ko kapag naiinis ako.
“Salamat ma’am,” sabi niya.
“Okay,” walang gana kong sabi.
Saka ako saldipak na naupo sa tabi niya.
Hindi ako lumilingon sa kanya.
Mula lang sa peripheral view ko ay nakikita ko siya. Nakasandal siya sa upuan. Abot hanggang sa dulo ng sandalan ang ulo niya dahil may katangkaran din siya. Ako, hanggang sa may leeg lang siguro niya.
Bahagya akong lumingon at nakita kong medyo nakatingala siya. Nakapikit ang mga mata niya at nakita kong mahaba ang mga pilik mata niya na bumagay sa makakapal niyang kilay. Napakatangos ng ilong niya at ang perfect lang ng lips niya.
Mula sa kanyang baba ay naglalakbay ang mga tumutubong balbas niya na dumadaan papuntang leeg niya.
At yung adam’s apple. Nakakainlove.
Bigla siyang dumilat kaya gumawa ako ng paraan para umiwas. Tiningnan ko ang mga tao sa labas ng bintana na kumakaway saka kumaway din ako kahit hindi ko sila kilala.
Tumingin lang siya sa akin saka sa matandang kumakaway sa labas.
“Nanay mo?” tanong niya.
“Tita ko,” ako. Syempre hindi ako pwedeng magpahuli.
“Saan ka sa San Lorenzo?” tanong niya saka sumandal muli at pumikit.
Wow ha? Magtatanong saka pipikit.
“Bago lang ako doon kasi doon ako nadestino. Sa Calle Adonis,” sagot ko.
“Ganun ba? Pangit sa lugar na iyon,” komento niya.
Noong unang beses akong pumunta doon para maghanap ng bahay ay nagandahan naman ako sa lugar. Tahimik. Simpleng bahay lang ang kinuha ko. Kaunti lang ang budget kaya yun lang ang kinuha ko. Dati kasi iyong bahay ng tita ko na nagmigrate na sa Canada kaya pinatira na lang sa akin. Sa minimal na halaga ay naitransfer sa akin ang bahay at lupa.
“Maayos naman doon. Siguro medyo maingay lang sa umaga pero okay lang naman,” sabi ko pa.
Wala na siyang ibang sinabi. Nakatulog na yata.
Kaya nagpikit na rin ako ng mata.
Nakaidlip na rin ako.
Nasa kalagitnaan ako ng tulog nang may nagtulak sa ulo ko.
Nagulat ako nang nakasandal na pala ako sa balikat niya.
Umayos naman ako ng upo.
“Yung ticket mo raw miss,” sabi niya saka ako napalingon sa kundoktor na nasa tabi ko na pala.
Dinukot ko ang ticket sa bag ko at iniabot ito sa kundoktor.
Nagbigay siya ng kapalit nung ticket saka ko naman ulit ito inilagay sa bag ko.
Lintik. Matagal na ba akong nakatulog? Matagal na ba akong nakasandal sa kanya?
Nakakhiya naman.
Umupo ako ng maayos at pinilit kong huwag makatulog.
Inilabas ko ang cellphone ko saka ako nagfacebook.
Nagreply muna ako sa mga chats at comments sa posts ko. Nang wala na akong makausap ay saka naman ako naglaro sa Wordscape.
Mali ako dahil mas nahilo ako sa pagtitig ng mga word combinations kaya parang bibigay ang mata ko sa antok.
Wala na talaga. Hindi ko na mapigilan ang sarili kong matulog kaya bahala na talaga.
Nakatulog na ako.
-------------------
Macky
KANINA pa mula noong bago ako sumakay sa bus na ito ay nakikita ko na itong babaeng ito na panay ang tingin sa akin.
Siya itong mukhang pulis pero siya itong nahuhuli ko na tingin ng tingin.
Kanina sa waiting area, kaya umalis ako sa pwesto ko dahil nahuli ko rin siyang tumitingin sa akin. Sa pag-akyat ko sa bus, nahuli ko rin siya. Tapos bago umandar yung bus, nararamdaman kong nakatingin siya. Alam ko ring hindi niya kamag-anak yung kinawayan niya kasi wala siyang kasama kanina.
Nagyon naman ay hindi ako maka-idlip ng maayos dahil nakadagan yung ulo niya sa balikat ko. Kababaeng tao, ang tigas ng ulo.
Galing ako sa San Martin. May nagrequest sa akin na mag-ayos ng makina ng malaking gilingan ng palay. Wala pa akong tulog dahil tinapos ko nan g madaling araw ang pag-aayos at tinesting ito kaninang umaga bago ako umalis. Kaya damang dama ko ang antok. Kaso wala eh. Hindi ako komportable.
Gumagalaw galawa ko sa upuan para magising siya pero talagang parang mantika ito matulog. Pumikit na lang din ako saka ako nahanap ng antok.
Nang magstop over kami ay bumaba ako para umihi. Bumili lang ako ng tubig at crackers. Hindi ako masyadong kumakain sa daan kaya sapat na ito.
Itong katabi ko ay parang sa bus na titira dahil sa dami ng pagkain na binili. Chicharon. Chichirya. Biscuit. Candies. Tatlong iba’t ibang klaseng inumin.
Inalok niya ako.
“Candies,” sabi niya.
“Mahal ko ang mga ngipin ko,” sagot ko.
Agad naman niyang binawi ito saka ibinalik ito sa supot.
Ang ingay lang niyang kumain ng chichirya. Nakakairita sa tainga.
Panay ang palatak ko pero hindi siya nakakaramdam. Pati pagdukot niya ng laman ng chichirya ay lumilikha ng ingay. Banas na banas ako.
Bahagya akong tumalikod ng upo saka hinarap ang bintana.
Patuloy pa rin siya sa pagkain.
Tsk. Hindi ba natutunawan ang babaeng ito?
Makalipas ang ilang oras ay nakarating din kami sa Bus station ng San Lorenzo. Medyo masakit ang pang-upo ko kaya medyo uminat pa ako sa upuan ko bago tumayo.
Pero hindi pa gising ang katabi ko.
Tsk. Perwisyo.
“Miss. Nasa San Lorenzo na tayo,” tinapik ko siya.
Bigla niyang hinawakan ang kamay ko sabay pinilipit ito.
“Aaarrraayyy,” daing ko.
“Ayyy sorry,” binawi niya ito.
“Miss. Tumayo ka na at bababa ako. Kung gusto mong matulog dito paraanin mo muna ang gustong umuwi at magpahinga,” sabi ko habang hinihilot ang kamay ko.
Tumayo naman siya bigla saka ako tiningnan ng masama.
Humakbang ako at saka inabot ang backpack ko sa taas.
Pagkakuhay ay naglakad na ako palabas.
Isang sakayan pa ng tricycle papuntang parkingan ng Calle Adonis kaya sasakay pa akong muli.
Pagbaba ko ay sinalubong ako ng driver ng isang tricycle.
“Sir, saan po kayo,” tanong niya.
“Sa Parkingan ng Calle Adonis brad,” ako.
“Sige. Dun sa may pula,” sabi niya at itinuro ang sasakyan niya.
Nagtungo na ako sa pwesto nito.
Pagkasakay ko sa loobh saka naman dumating ang bagong pasahero.
Yung babaeng katabi ko sa bus.
Umalis ako sa upuan ko saka siya pinaupo sa loob.
Kung minamalas ka nga naman.
“Salamat,” sabi niya.
Wala akong kibong lumipat sa likod. Inilagay ko ang bag ko sa taas dahil ang maleta niya ang nasa bandang likuran.
Maya maya ay pinaandar nan g driver ang tricycle.
Ilang saglit lang ay nasa sakayan na kami.
Nakita ko namang nasa unang pila si Pareng Baste kaya sinenyasan ko siyang ako na lang ang isakay niya. Pero mas naunang pumunta sa pila yung babaeng kasabay ko.
Wala rin kasing nakapila sa mga oras na iyon.
“Ahm miss, may nauna na kasing pasahero,” sabi ni baste.
“Anong may nauna? Eh ako kaya ang nanditong unang nakapila,” reklamo niya.
“Magbarkada kasi kami kaya nauna siyang sumenyas,” si Baste.
“Sa senyas na lang ba nadadaan ang pagsakay ngayon? Paano naman yung mga taong pumipila?” tanong niya. Medyo nag-iinit na ang ulo niya.
“Ganito kasi iyan,” gusto ko sanang mag explain na kinontak ko si Baste pero sumabat siya.
“Pulis ako at alam ko ang batas. Huwag kayong manloko. Kaya sundin ninyo kung ano yung dapat,” namewang pa siya.
“Sige ma’am. Total wala pa naman akong kasunod. Dalawa na lang kayong isasakay ko,” sabi ni Baste.
“Tol sa likod ka na,” utos ni pareng Baste kaya sumunod na lang ako.
Binuhat niya naman ang maleta ng babaeng pulis at inilagay ito sa likuran bago siya umandar.
Habang umaandar kami ay natanong ko si Baste.
“Kumusta si Ruby?”
“Ayon. Nagkasakit nga nung isang araw,” sabi niya.
Naalala ko pa kung gaano iyon mag-iiyak sa tapat ng vulcanizing shop ko noong araw na bumalik siya Calle Adonis. Tapos biglang nagkasakit matapos yung araw na iyon.
“Baka naman kasi ibinalibag mo na naman,” natatawa kong sabi.
“Gago ka pre,” natatawa niyang sabi.
“Excuse me,” yung babae sa loob.
“Ano po iyon ma’am?” tanong ni Baste.
“Kuya, may kilala ba kayong magaling na all around mechanic?” tanong niya mula sa loob.
Mula sa kabilang kamay ay kinalabit ako ni Baste. Sinasabi nitong makinig ka.
“Bakit po ma’am?” tanong niya.
“Ipapaayos ko sana yung bahay ko,” sabi nung babae.
“Kailan niyo po kailangan?” si Baste.
“Okay lang kahit mamayang hapon o bukas. May kakilala ka ba?” tanong nung babae.
“Sige po. Papupuntahin ko na lang po sa bahay ninyo. Makikita ko naman po kung saan kayo nakatira pagbaba ninyo,” si Baste.
Hindi niya sinasabing ako ang tinutukoy niya.
“Sana yung magaling para naman hindi ko na ipagawa sa iba ulit,” sabi pa niya.
Huh. Minamaliit niya ba ako?
“Sobrang galing nun ma’am. Gwapo pa. At all around kung magtrabaho,” pinuri pa ako ng barkada ko. Syempre kaibigan ko eh.
Mga isang daang metro lang ang layo ng bahay niya bago matunton ang kanto papasok sa amin.
Bumaba na siya sa isang medyo lumang bahay. Kila Aling Myrna ito dati pero nagpunta na sa Canada ang pamilya niya kaya matagal ding nabakante ang lugar.
Dito pala siya nakatira.
Diyan ako mag-aayos ng sirang tubo.
Pagkababa niya ay nag-usap pa kami ni Pareng Baste.
“Pre. Mukhang mapapalaban ka bukas ah. Amazona yun pre,” natatawa siya.
“Ewan ko lang. Baka ngitian ko lang iyan, mangisay na sa tuwa,” natatawa rin ako.
“Chickboy moves brad,” tinapik niya pa ako.
Saka ako nakarating sa bahay namin.
Sa sobrang pagod at antok ay itinulog ko na lang ito.
Salamat po. Ito ang unang chapter ni MAcky. Sana ay tulad ng pagmamahal ninyo kay Baste at Leo, ay mahalin niyo rin ang karakter niya.
Enjoy.