Chapter Two
"Napagkaisahan ka na ba? Anong pakiramdam?"
Kristine
PAGDATING ko sa bahay ay bumungad sa akin ang medyo magulo pang ayos ng mga gamit. Nag-ayos ako ng kaunti last week pero kulang pa ito kaya itutuloy ko itong muli. Wala naman na masyadong alikabok kaya hindi na ako babahingin. Ibinaba ko ang karagdagan sa mga gamit ko at naupo ng saglit sa lumang sofa.
Nasabi sa akin ni mama na ipcheck ko raw ang wirings ng kuryente, ipacheck ko ang mga appliances, ang sink ng tubig at ang ilan sa mga gamit para masigurong ligtas ako. Pati na rin ang mga pintuan.
Nagbilin naman ako sa driver kanina. Mukha naman siyang mabait kaya nagtiwala na lang ako na may darating dito mamaya o bukas para mag-ayos. Uunahin ko yung tubig dahil iyon ang pinakakailangan ko ngayon.
Napansin kong kailangan din palang mabago ang pintura ng bahay dahil mukha talaga itong lumang luma. May nakita akong hardware sa may kanto kanina kaya doon ako pupunta mamaya.
Marami pang dapat ayusin dito katulad ng wirings ng kuryente, wallings ng mga kwarto at marami pang iba.
Tumayo ako at kumuha ng listahan. Inilista ko ang lahat ng mga maaaring ayusin. Excited ako sa mga maaaring kalabasan ng transformation ng bahay na ito kaya iginugugol ko talaga ang oras ko dito. After one month ay magrereport na ako sa San Lornezo Police Station kaya dapat ay maayos na lahat ng nandito sa bahay. Dahil hindi ko na ito mapagtutuunan ng oras kapag may duty na ako.
Pintura. Gusto ko yung dull yellow para maliwanag ng kaunti sa loob. Kailangan ko ring bumili ng mga bagong bumbilya. Nakasama rin sa listahan ang tabo, timba, walis, mop at iba pang bagong panlinis. Dahil yung mga nagamit ko noong nakaraan ay halos sira na.
Sa kwarto ay kailangan ko ng lampshade para maliwanag pag gabi. Maayos pa naman ang mga lock ng pinto. Ipapadouble lock ko na lang para sigurado.
Nang mailista ko na ang mga kakailanganin ko ay naglabas ako ng pera. Maaga pa kaya pwede pa akong pumunta sa kanto para mamili. Ang mga mabibili ko lang muna ay iyong mga alam kong materyales na kailangan ko na sa lalong madaling panahon.
Kinuha ko ang susi saka ako lumabas ng bahay. Inilock ko ang pinto at saka ako naglakad palabas.
Ilang metro lang ang layo ng mini hardware sa bagong bahay ko kaya nilalakad lang ito. Medyo papalubog na ang araw kaya nagmadali akong maglakad.
May mga iilang bumibili sa Francisco's Hardware na ito sa mga oras na ito ng hapon. Nakabantay ang isang matanda sa harapan. Nasa mid 60s na siguro ito pero makikitang may hitsura ito noong kabataan niya.
Pumasok ako sa loob at tumingin ng mga maaaring bilhin. Kumuha ako ng basket at dumampot na ako sa bungad ng mga bumbilya. Kailangan ko ng bagong bumbilya sa sala, kwarto at kusina.
Pagkakuha ko ng bumbilya ay umikot ako sa kabilang pasilyo at sa dulo nito ay nandoon ang lalaking nakatabi ko sa bus at nakaagawan ko sa tricycle kanina. Nag-aayos siya ng mga bagong dating na stocks.
Dito pala siya nagtatrabaho ha?
Dumeretso lang ako dahil nasa dulo rin ang mga stock nilang timba at tabo.
Kaso ang tabo ay masyadong mataas kaya pilit kong inaabot. Sa kaaabot ko ay muntik pa akong matumba. Mula sa aking peripheral view ay nakita ko siyang lumapit. Nakasuot siya ng maluwag na puting t-shirt at shorts na itim. Mula sa aking tabi ay inabot niya ang itim na tabo saka ibinigay sa akin.
"Hindi naman masamang humingi ng tulong hindi ba?" saka siya tumalikod at nagpatuloy sa ginagawa.
Huh. Maaabot ko naman ito kahit hindi mo ako tulungan ano.
"Mukhang marami kang kailangang ayusin sa bahay na nilipatan mo ma'am ah," maya maya ay sabi niya.
Feeling close naman ito.
"Medyo. Pero siguro kung may magaling na all around mechanic ay maaayos lahat ng iyon in a week or two," sagot ko.
"Sa dami ng dapat ayusin doon ay kulang ang isang linggo kung iisang tao lang ang kukunin mo," siya.
Teka, pinangungunahan niya ba ako?
Ano namang alam niya sa mechanic and carpentry works? Para ngang hindi siya marunong mag-ayos man lang ng simpleng makina. Napakagwapo at napakakinis niya lang para sa bagay na iyon.
Siguro ang alam niya lang gawin ay magbuhat ng barbel at magpaganda ng katawan. Sure ako diyan.
"Siguro makikita na lang natin kapag nakausap ko na mismo yung mechanic s***h carpenter s***h electrician na pupunta bukas," nagkasubukan pa kami ng tingin.
"May kailangan ka pa ba ma'am?" maya maya ay tanong niya.
"Naghahanap ako ng pintura. Kung meron, nagmimix din ba kayo ng preferred color ko?" tanong ko.
Nagsimula siyang maglakad palabas sa pasilyong iyon saka ako sumunod.
Dumeretso siya sa counter at kinuha ang isang catalog. Saka niya ito iniabot sa akin.
"Alin ba dito ang gusto mo? Shade of blue? Red?" isa isa niyang binuklat ang catalog.
"Yung dull yellow ang gusto ko," sabi ko.
Saka niya hinanap ang shades of Yellow.
"Alin diyan?" tanong niya.
Tiningnan ko ang catalog at namili.
"Ito," itinuro ko ang gusto kong kulay.
"Sa tantiya ko, kung sa loob at labas ng bahay ang gusto mong pinturahan ay makakaubos ka ng higit pa sa pitong balde," siya.
Huh. Sa tantiya niya? Anong alam niya sa pagpipintura?
Napaka All-Knowing naman niya.
Pero sa tantiya ko rin talaga ay marami-rami akong kakailanganin.
"Sige, iyan na lang muna ngayon,"
"Magsasara na kami mamayang alas sais, baka bukas ko na maideliver sa inyo iyang pintura," sabi pa niya.
"Sige. Bayaran ko na lang muna at ipapakita ko na lang yung receipt bukas. Thanks," saka ako naglakad papunta sa counter kung saan nandoon yung matandang may-ari.
"Bali ito lang ba lahat ma'am?" nakangiti lng ang matanda.
"Idagdag niyo po ito. For delivery bukas," saka nag-abot yung lalaki ng isang maliit na papel na nasulatan ng order ko.
Mula sa likod ko ay nag-ayos at nagpulot ng mga nakakalat na karton at mga tali yung lalaki dahil maya maya lang ay magcoclose na sila.
Gusto kong magtanong sa matanda kung may kakilala siyang All-Around Mechanic na maaaring makontak para kontratahin ko sa pagmemake over ng bahay ko. Hindi naman masamang humingi pa ng second opinion bukod dun sa gwapong driver kanina.
"Ah Boss, may alam ba kayong all-around mechanic na pwedeng kontratahin para sa pag-aayos ng bahay ko? Yun po sanang magaling at minimal lang ang bayad," sumandal pa ako sa stante sa harapan niya.
"All Around ba kamo? Naku may alam ako ma'am. Kilalang kilala iyon sa Calle Adonis dahil halos lahat ng sambahayan dito ay inayusan niya ng sirang tubo, wirings, may alam din siya sa carpentry at pagpipintura," magiliw na sagot ng matanda.
Wow naman. Ang perfect ng timing ko.
"Pwede ko bang kunin ang contact number niya boss? Para matawagan ko," inilabas ko pa ang cellphone ko.
"Macky, anak, kukunin daw ni ma'am yung contact number mo para sa pag-aayos ng mga kagamitan sa bahay niya," nagulat ako sa sinabi ng matanda.
Napalingon ako at hindi ako nagkakamali. Ang tinutukoy niya ay yung kausap ko kanina na akala mo ay All-Knowing, yung kasabay ko sa bus at nakipagunahan sa akin sa tricycle. Siya yung gwapong binilangan ko ng abs.
Shems.
At itong matandang kaharap ko, tatay niya pala. Haayyyyy ano ba iyan.
"Ayy, huwag na lang po pala. Hihintayin ko na lang po muna yung papapuntahin nung tricycle driver sa bahay bukas. Baka kasi magkaproblema," binawi ko ang pagkuha ng number niya.
Ibinigay ko na ang bayad saka ko kinuha ang ilan sa mga binili ko at inabot ko ang resibo.
"Idedeliver na lang namin ng maaga sa bahay mo yung pintura ma'am," nakangiti pa rin yung matanda sa akin.
"Salamat po," paalam ko.
Naglakad na ako palabas at tumawid na sa kalsada pabalik sa bahay.
Pagpasok ko ay inisip ko pa ang mga bagay na kailangan ko mamaya bago magdilim.
Hindi pa ako nakakapag grocery at nakakabili ng mga pangkusina dahil inaantay ko pa munang maayos ang kusina. Tinest ko rin ang refrigerator last week at gumagana pa naman ito. Old model ito na Sony.
Nang masiguro kong okay na ay saka ako lumabas muli para maghapunan. Marami namang kainan sa loob ng kanto kaya pwede na ako sa mga turo turo.
Wala pa rin akong mga gamit pangkusina kaya magtitiis muna akong kumain sa labas.
Naglock na ako ng pinto at naglakad papasok sa kanto.
Nasa ilang metro pa lang ako ay natatanaw ko ang grupo ng mga kalalakihang nakatambay sa malaking tindahan. Nagtatawanan ang mga ito.
In fairness lahat sila ay may hitsura ha. At mula sa daan ay nakita ko yung nasa loob ng tindahan. Yung lalaki kanina.
Papalapit sa tindahan yung driver kanina pero nalingunan niya ako.
"Uy ma'am. Nasabihan ko na pala yung kakilala ko. Pupunta na lang daw sa bahay mo ng maaga bukas," nakangiti pa itong nagsalita.
Cute din ito ah. Nakashorts lang at nakasampay sa kanang balikat ang puting damit nito.
"Hoy Baste, may asawa ka na," sigaw nung lalaking may tattoo sa tapat ng tindahan.
May asawa na pala. Tsk. Sayang ha? May nauna na pala.
"Tarantado ka Tanod, ipapabarangay kita," sigaw niya.
"Pasensya na ho kayo sa mga kaibigan ko. Mababait naman yang mga yan. Sige ma'am," sabi niya.
"Salamat," sabi ko saka nagpatuloy sa paglalakad.
Dumeretso ako sa isang karinderya. May mangilan ngilan pang customers pero sakto lang para naman hindi ako mag-isang kakain.
Umorder ako ng bopis at gulay at dalawang kanin. Tsaka ako naupo sa may bungaran lang.
Matapos kong kumain ay dumaan ako sa tindahan para bumili ng chichirya. Mahilig kasi akong magkutkot tuwing gabi habang nagbabrowse sa facebooknat youtube.
Dalawa na lang ang nakaupo sa labas at yung lalaki pa rin ang nagbabantay sa loob.
Abah. Ang daming raket ha? Hardware, mekaniko at sari-sari store. Yayamanin.
"Hi ma'am. Bago ka po dito?" tanong nung lalaking may tattoo sa dibdib. Kita ito sa suot niyang puting sando.
"Opo. Dito kasi ako sa San Lorenzo nadistino,"
sagot ko.
"Naku po. Tapos na ang maliligayang araw ng mga kawatan. May pulis na," natatawa niyang sabi.
May mga kawatan ba dito sa lugar na ito?
"Huwag mo naman masyadong takutin si ma'am," natatawa ring sabad nung lalaki sa loob.
Hindi ko na lang pinansin ang mga sinasabi nila.
"Pabili naman ako ng Cracklings, Fish Cracker, Nova at Roller Coaster. Tig-iisa. Tapos isang C2 Apple yung next sa solo," saka ako nag abot ng pera.
"Hapunan mo ito?" tanong niya saka kumuha ng mga chichirya.
"Tapos na akong maghapunan. Snacks ko lang mamaya," sagot ko.
Isinupot niya ang mga binili ko saka ibinigay sa akin.
"Nahalo ko na kanina yung pinturang order mo ma'am. Maaga ko na lang dadalhin sa bahay mo. Baka maaga rin kasi yung All Around Mekaniko-Pintor mo," nakangiti niyang sabi.
Abah. Dapat lang na maaga siya.
"Salamat naman. Siguro bago na lang mag alas otso mo dalhin," sabi ko pa.
"Sige ma'am. Malapit lang naman," sabi pa niya.
HHHMMM. Masyadong FC itong isang ito. Porket alam niyang palaban ako.
Tinalikuran ko na siya at naglakad pauwi sa bahay. Nagsara na ako ng pinto at pumasok na sa kwarto.
Habang nagbabrowse ako sa f*******: ay nagchachat din sa akin ang mga kaibigan ko. Tamang kain lang ako ng chichirya.
Pasado alas diyes nang makaramdam ako ng antok. Kaya't itinulog ko na rin ng tuluyan.
KINAUMAGAHAN ay nagising ako nang magring ang alarm ko ng alas sais.
Bumangon ako at nag-ayos ng higaan ko. Lumabas ako sa kusina at nagtimpla ng 3 in 1 coffee na dala ko pa mula sa bahay.
Nagpainit ako ng tubig sa dala kong heater at nagsalin nito sa mug ko.
Nakataas pa ang paa ko habang nagkakape.
Nasa gitna ako ng pagmumuni-muni nang may tumawag sa labas ng bahay.
"Tao po," sigaw ng lalaki.
Sino ba ito? Ang aga aga. Kolektor ng basura? Bill ng kuryente? Aba kabago bago ko ah. Bill ng tubig? Kalilipat ko lang last week ah.
Nagbukas ako ng pinto at tiningnan mula sa loob ang tao sa gate.
Nasa labas ang lalaking naghatid ng gallon gallon ng pintura.
Nasa likod niya ang Owner na naglululan ng mga pintura.
Tumakbo ako palabas at pinagbuksan siya ng gate.
"Magandang umaga po ma'am, " ang luwag ng ngiti niya.
Nakasuot siya ng light Blue na fitted shirt at shorts na itim.
"Ang aga naman yata," sabi ko pa.
"Ganun po kasi ang serbisyo ko," saka niya ako tiningnan mula ulo hanggang paa.
Saka ko narealize na wala akong bra.
Agad kong itinakip ang mga kamay ko sa dibdib ko dahil manipis pala ang suot kong malaking t-shirt.
"Sige, dalhin mo na lang sa loob," niluwagan ko ang bukas ng gate.
Agad akong tumakbo papasok sa kwarto ko para magsuot ng bra.
Agad ko ring inayos ang suot ko. Nang masiguro kong okay na ay lumabas ako.
Nakapagpasok na siya ng dalawang gallons.
Inabangan ko siyang maipasok lahat ng orders ko bago ako magpasalamat.
Nang matapos ito ay:
"Salamat sa paghahatid ng mga ito. Kape muna bago ka tumuloy," alok ko sa kanya.
"Sige okay lang. Mamaya na lang," tanggi niya.
Mamaya na lang? Huh?
"Sa palagay ko ay mas mabuting unahin munang ayusin yung baradong gripo bago yung wirings ng kuryente mo," namaywang pa siya habang iniikot ang paningin sa buong bahay.
Lagi siyang may komento sa plano ko.
"Sige. Iyon ang sasabihin ko mamaya sa All Around mekaniko. Baka maya maya ay nandito na iyon," wika ko.
Hindi pa ba siya aalis?
"Kailangan mo pa bang tingnan yung resibo?" tanong ko kasi nag-iikot ikot pa siya sa bahay na nag-uusisa.
"Hindi na kailangan," hindi siya nakatingin.
Eh bakit hindi pa siya umaalis?
"Ahm. May kailangan ka pa?" tanong ko.
"Wala na," seryoso siyang humarap sa akin.
"So," ako.
"Sooo," inulit niya yung sinabi ko.
"Okay na," hindi ko masabing pwede na siyang umalis.
"Okay na nga," tumaas pa ang kilay niya.
"Sige," sabi ko saka ako tumalikod at binalikan ang kape ko.
Nagbabakasakaling umalis na siya.
Naupo ako at nakita ko naman siyang lumabas ng pintuan.
Nakahinga ako ng maluwag.
Wala pang isang minuto ay may kumatok muli sa pintuan.
Naku, baka yung mekaniko na ito.
Dali-dali akong nagbukas ng pintuan.
Pagbukas ko ay nakita kong muli yung lalaki kanina. Maluwag ang pagkakangiti niya at may buhat siyang bag na alam kong mga materyales ito sa pag-aayos.
Nagsalita siya at ikinagulat ko ito.
"Ako nga pala si Macky, yung inaasahan mong mekaniko," saka siya nag offer ng kamay para makipag shake hands.
HHUUUWWAAAATTT?????
Siya iyon?
Napagkaisahan ba ako?
Please follow this story and my account. thank you.