HIS RUTHLESS WAYS EPISODE 29 COLEMAN’S HELP SIERRA CELESTE’S POINT OF VIEW. PINAKALMA NA muna ako ni Ate Chantal at binigyan niya rin ako ng tubig upang inumin ko. Nagpakuha rin si Ate Chantal ng first aid kit at ginamot niya ang mga pasa ko ngayon sa mukha. Kita ko ngayon sa ekspresyon sa mukha ni Ate Chantal ang pag-aalala at pagtataka habang ginagamot niya ako. “Si Christine ba talaga ang may gawa nito, Celeste?” hindi pa rin na makapaniwala na tanong ni Ate Christine habang nakatingin siya sa mukha ko ngayon. Malungkot akong ngumiti at tumango. “O-Opo… A-Ate Chantal, lasing kasi si Ate Christine kagabi at… at nang makauwi ako sa bahay ay binugbog niya po ako. Ate, please po… tulungan niyo po akong malayo kay Ate Christine ko. Hindi ko na kaya ang ginagawa niya sa akin,” pagmam