HIS RUTHLESS WAYS EPISODE 43 JEALOUSY SIERRA CELESTE’S POINT OF VIEW. “A-Aiden, lumabas ka na dito! Bawal ka dito!” natataranta kong sabi. Baka may biglang pumasok dito sa loob ng restroom at may makakita sa amin ni Aiden! Hindi pwede… baka ma issue kaming dalawa. “You can’t control me,” malamig niyang sabi at mas lalo pa siyang dumikit sa akin. Tinutulak ko palayo si Aiden at pinanlakihan ko siya ng aking mga mata. “I’m not controlling you, okay?! Hindi pwede ‘tong ginagawa natin!” sabi ko sa kanya. “Tapos ‘yung paghahalikan niyo ni Felix sa stage at paglalandian dito sa club ay pwede lang?!” Napasinghap ako nang sabihin iyon ni Aiden. “A-Aiden—” “Diba sabi ko akin ka lang? Walang pwede na umagaw sayo sa akin, Celeste,” madiin na sabi ni Aiden at hinaplos niya ang aking hita