HIS RUTHLESS WAYS EPISODE 40 COMMENT SIERRA CELESTE’S POINT OF VIEW. EXCITED NA ako dahil ngayon ang alis namin nila Lloyd papuntang Boracay. Pero hindi ko magawang maging masaya ng lubusan dahil hindi na ako pinapansin ni Aiden at kung papansinin niya naman ako ay malamig naman ang kanyang pakikitungo sa akin. Hindi ko alam kung ano ang ikinagalit sa akin ni Aiden. Nagalit ba siya dahil sinasabi ko sa kanya na kalimutan na niya si Veronica? Tama naman eh. He needs to move on na dahil pamilyado na ‘yung tao at asawa na ito ng kanyang kakambal na si Caden. Hindi ko nga alam kung alam niya na aalis ako ngayon at mawawala ako ng one week eh. Pero parang alam niya na rin naman eh dahil boss pa rin namin siya. May alam siya sa lahat ng nangyayari sa G Coleman. Wala lang talaga siyang pakia