HIS RUTHLESS WAYS EPISODE 33 SISTER’S SORROW SIERRA CELESTE’S POINT OF VIEW. TAHIMIK LANG ako hanggang sa makarating kami sa Coleman Security Agency. Sobrang bigat ng aking nararamdaman ngayon at parang sasabog na ako, pero pinipigilan ko lang ang aking sarili na maiyak dahil nakakahiya naman kay Aiden. Kitang-kita ko rin kay Aiden ngayon na hindi siya okay… na galit siya—iyon ang nararamdaman ko ngayon. Understandable naman dahil sinaktan ang kanyang kapatid kaya galit na galit siya. Buti nga at hindi niya ako nasigawan eh at hindi niya binunton ang galit sa akin. “Aiden!” Nang makapasok kami sa loob ng agency ay agad kaming sinalubong ni Alessandra Marie Coleman Brioschi, ang pinsan ni Aiden na namamahala rito sa Coleman Security Agency. “Hey, Alessandra. How’s the prisoner?”