CHAPTER 3: Sampaguita at Basahan

1976 Words
NAKABALIK na muli kami sa hideout namin at narinig ko ang bulungan ng mga bata rito sa kʼwarto pinalalagyan namin. “Frances, may nahuli raw na bata sa pʼwesto niyo! Nang-snatch daw ng cellphone!” bungad na sabi ni Carlo sa amin. Mas matanda siya sa akin ng isang taon, bale labing anim na taon gulang na siya. Huminga akong malalim at tumango ako sa kanya. “Nakita ko ang nangyari kanina. Nakita namin ni Lili. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ginawa niya iyon pero narinig ko na lamang kanina ay sumisigaw na iyong babae na snatcher. Cellphone pala ang inagaw niya,” mahabang sabi ko sa kanila. “Naku, baka madamay kayo! Lalo naʼt nasa poder mo iyong bata!” sabi ni Carlo sa akin. Kinabahan ako nang dahil doon. Huwag naman sana at lagi naman sa amin sinasabi na kung gusto naming bumili ng pagkain ay mamalimos kami basta huwag kukuha ng pera sa pinagbentahan. At, huwag din magnanakaw. “Frances. . .” Kinakabahan na tawag ni Joy sa pangalan ko.. Tinignan ko lamang sila at ngumiti. “Siguro naman ay hindi? Hindi ko naman kasalanan kung bakit siya nang-agaw ng cellphone, ʼdi ba?” mahinang sabi ko sa kanila at tumango sila sa akin. “Sana nga, Frances! Hindi mo naman kagustuhan na gawin niya iyon,” saad ni Joy sa akin at ngumiti ako sa kanya. Nakaupo na ako ngayon sa karton habang hinihintay na tawagin ako ni Madam. Sana hindi nga ako matawag. Hindi ko naman talaga kasalanan ang nangyari kanina. “Nasaan si Frances?” Gumimbal ang aking puso nang marinig ko ang pangalan ko at nakita ko si Madam na may hawak na patpat. Napatayo agad ako at lalapit na sana nang hilahin nina Lili and Angel ang suot kong damit. Umiling ako sa kanila at tinanggal ni Franco ang mga kamay nila sa laylayan na suot kong damit. “Nasa lugar mo ang batang ito na nag-snatch ng cellphone!” malakas niyang sabi sa akin, na siyang paglunok ko ng aking laway. “H-hindi ko po alam na gagawin niya iyon, Madam. Ilang ulit naman po kami sinasabihan na huwag gagawa ng gulo sa kalsada po,” mahinahon na sabi ko sa kaniya. Lahat ng mga bata na kasama namin ngayon ay tahimik. Walang umiimik ni-isa. Ayaw rin mapagalitan. “Eh, ang sabi nito sa akin ay pinag-utos mo!” sigaw ni Madam na siyang pagkagulat ko. “M-madam, h-hindi po! Hindi ko nga po siya kasama habang nagbebenta po ako ng sampaguita at basahan sa kalsada. Ang kasama ko po ay si Lili! Nakita ko lang po siya kaninang tanghali, iyon na po iyong tumatakbo na siya dahil inagaw niya iyong cellphone sa babae! Hindi ko po sila kinakausap kapag nasa labas po kami!” tanggi ko sa akusasyon niya sa akin. “Gago ka pala! Mas nauna itong si Frances dito kaysa sa iyo!” Narinig kong sigaw ni Madam sa batang lalaki. Ni-hindi ko nga alam ang pangalan niya. Tapos idadamay niya ako sa parusa niya! “S-siya po talaga ang nag-utos sa akin, Madam!” hiyaw nu'ng batang lalaki at tinuturo pa rin niya ako. “Hindi po ako! Hindi ko nga alam ang pangalan mo! Bakit kailangan idawit mo ko!” malakas na sabi ko sa batang lalaki at tinuro ko siya. “Ikaw talaga iyon! Ikaw iyon!” paulit-ulit niyang sabi sa akin. “Hindi magagawa ni ate Frances iyon! Magkasama kami buong tanghali at kaninang hapon! Sinungaling ka!” Nagulat ako nang sumabat si Lili sa usapan namin. “Madam, hindi po totoo iyon! Ako po kasama ni ate Frances buong araw po!” malakas na sabi ni Lili sa lahat. “Huwag ka na mandamay pa! Kasalanan mo iyan kaya akuin mo!” dagdag niyang sabi. Nakita ko ang pagpingot ni Madam sa bata at pinalo ang binti nuʼn ng patpat nang paulit-ulit, na siyang paghiyaw niya nang malakas. Napapikit ako nang dahil doon. “Uulitin ko sa inyong lahat! Kapag nasa kalsada kayo, huwag na huwag iyong tatangkain na gumawa nang gulo at mahuli ng pulis! Kasi kung gagawin niyo iyon ay ganito ang gagawin ko sa inyo!” malakas na sabi ni Madam at muling pinalo ang batang lalaki sa katawan nito. Kung saan-saan na lumalatay ang patpat ni Madam sa batang lalaki. Kaya napapapikit na lamang ako nang dahil doon. “Ikaw naman, Frances, hindi ka kakain ngayong gabi dahil sa kapabayaan mong asikasuhin ang mga bata sa poder mo! Naiintidihan mo ba?” malakas na sabi niya sa akin. Tumango ako sa kanya. “Opo, Madam! Naiintidihan ko po,” saad ko sa kanya at napayuko na lamang. Nakita ko na ang pag-alis niya kasama ang batang lalaki na hanggang ngayon ay pinapalo pa rin niya. Pagkaalis ni Madam ay siyang pagdating ng mga tauhan ni boss Weng. Pinapalabas na sila para kumain. Pero, heto ako nag-stay na umupo rito. “Ate Frances,” tawag sa akin ni Lili. Ngumiti ako sa kanya. “Kumain na kayo roon, Lili. Busog pa naman ako. Kaya huwag kang mag-alala. Franco, dalhin mo na sina Lili and Angel sa labas. Kumain na kayo,” nakangiting sabi ko sa kanila. Tinignan pa ako ni Franco at tumango sa akin. Hinila na niya ang dalawang bata para makakain na sila. Mas okay na itong magutom kaysa mapalo ni Madam ng dala niyang patpat. Naalala ko tuloy iyong unang makatanggap ako ng palo sa kanya. Noong unang dating ko rito dahil umiiyak ako at tinapon ang aking pagkain. Doon, pinalo niya ako sa palad ko, sa binti at sa ibang katawan ko sanhi ng pagkakasakit ko. Kaya laking pasasalamat ko na hindi ako napalo ngayon. Pero, ang iniisip ko, bakit dinidiin ako ng batang lalaki kanina. Na ako raw ang nag-utos sa kanya na agawin ang cellphone ng babae. Sino kaya ang nag-utos sa kanya? Maaga akong nagising nang makaramdam ako ng pagkulo ng aking tiyan. Nagugutom na ako. Hindi ako kumain ng hapunan kagabi. Bumangon na ako at naupo na lamang muna rito habang pinapanood ang mga batang kasama ko. Hindi pa kasi pʼwedeng lumabas lalo naʼt wala pang pahintulot sa mga tauhan ni boss Weng. Nakasandal lamang ako sa pader nang makita kong nagising na si Franco. “Ate Frances, ang aga niyo pong nagising...” mahinang sabi niya sa akin at humikab. Ngumiti ako sa kanya. “Napaaga lang,” tipid na sabi ko sa kanya. Hindi ko naman kasi pʼwedeng sabihin na nagugutom na ako kaya nagising ako. Baka mag-alala siya sa akin. Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon. Pumasok ang isang lalaki na tauhan ni boss Weng at pinalo nang malakas ang hawak niyang lata sa isaʼt-isa. Sobrang ingay iyon kaya magigising ka talaga. Bumangon na kaming lahat at dating gawi ay nag-igib na muna kami bago kami makaligo at makakain. Ganoʼn naman palagi ang umaga namin dito. Binaba niya muli kami sa aming pʼwesto, sa pagkakataon na ito ay sa simbahan kami pumuwesto ni Angel. Si Lili ay nasa poder namin ni Franco. Umagang-umaga pero sobrang ingay naʼng paligid. Halos ng lahat ng mga tao ay mga nagmamadali sa pagpunta nila sa mga trabaho and paaralan nila. Paaralan? Simula yata nagkaisip ako ay hindi ako nakatuntong doon, mabuti na lamang ay tinuturuan kami nina Aling Florida at ate Melinda kung paano magbasa, magsulat at magbilang kaya hindi kami nagiging tanga sa paningin ng ibang tao. Pinaupo ko sa gilid si Angel para magtinda ng ibang sampaguita doon. Ako naman ay pumunta sa gitna ng kalsada. Kailangan namin kumita muli para makaligtas muli sa hagupit ni Madam. Iyon na yata ang mission namin sa pang-araw-araw. “Bili na po kayo ng sampaguita, at basahan po!” malakas na sabi ko habang naglalakad rito sa gitna ng kalsada. Nakakatakot pero kailangan kong lakasan ang loob ko para maubos itong paninda ko. Kapag hindi ko naubos ang paninda ko ay makakatanggap kami ng palo sa aming palad at maging sina Angel, Lili and Franco, ang mga batang babae at lalaki na inaalagan ko sa poder nila boss Weng. Huminto ang mga sasakyan kaya lalo akong pumunta sa gitna. May nakita akong isang black na sasakyan kaya kinatok ko iyon. Paulit-ulit ko iyon kinatok para ibaba niya ang bintana ng kotse niya. “Kuya, ate, bili na po kayo ng sampaguita at basahan!” malakas na sabi ko habang kinakatok pa rin ang bintana ng kotse nila. Napa-atras ako nang kaunti nang makitang bumaba ang bintana na iyon. Nakita ko ang isang lalaki na nakakatakot kaya napalunok ako. “Um. . . S-sampaguita at b-basahan po kayo. . .” nanginginig na sabi ko sa kanya. Tinignan lamang niya ako. “Magkano ang lahat ng iyan?” tanong niya sa akin. Nakagat ko ang aking ibabang labi at napatingin sa kaliwang side ko. Binilang ko itong basahan na natitira sa akin at maging ang sampaguita. “T-two hundreds po, Kuya!” malakas na sabi ko sa kanya. Nakita kong nilabas niya ang kanyang wallet at ganoʼn na lamang ang gulat ko nang makita ang 500. “Keep the change!” saad niya akin at ngumiti ako sa kanya. “Thank you po, Kuya!” nakangiting sabi ko sa kanya. Sobrang laki ng ngiti ko ngayon. Wala pang alas-otso ng umaga, pinakyaw niya agad ang paninda ko. “Maraming salamat po!” ulit na sabi ko sa kanya. Tumalikod na ako sa kanya nang marinig ko ang boses ni Angel. “Ate Frances, mag-go-go na po ang kotse!” Sigaw niya kaya napatakbo ako nang dahil doon. “B-bata, a-anong pangalan mo? Frances ba ang name mo?” Napatingin ako sa lalaki na bumili sa akin kanina. Kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata pero hindi ko na nagawang sumagot sa tanong niya. Kaya ngumiting tumango na lamang ako sa kanya at sumigaw nang malakas. “Opo, Frances po ang pangalan ko!” Sana nga ay narinig niya dahil nag-uumpisa nang umingay ang kotse sa paligid namin. Sana magkita ulit kaming dalawa. “Ate Frances, sino iyon?” tanong ni Angel nang makabalik ako. “Iyong lalaking pinagbentahan mo po?” dagdag niyang tanong sa akin. “Hindi ko rin kilala pero pinakyaw niya iyong basahan natin, Angel! Kaya iyong ibang sampaguita na hawak ko ay binigay ko na rin sa kanya!” sabi ko sa kanya. “500 pesos na buo ang binigay niya sa akin. Imbis na 200 pesos lamang kaya kaya maging sampaguita ay binigay ko na rin. Hindi na tayo lugi!” saad ko sa kanya. Nakita ko ang ngiti sa labi ni Angel. “Talaga, ate Frances?” Tumango ako sa kanya. “Pero, kailangan pa rin natin itong ibenta para may dagdag pera pa rin tayo! Kaya tara na maglako na ulit tayo!” nakangiting sabi ko sa kanya at naglakad na ulit kami habang ang 500 pesos na binigay nuʼng ay lalaki tinago ko. Mahirap na baka pag-intrisan ng ibang tao. Nakasakay na ulit kami muli sa van para iuwi sa hideout namin. Kinakabahan na naman ang ibang bata dahil hindi na naman nila naubos ang ibang basahan, sampaguita and candy na hawak nila. Mabuti na lamang ay malakas kami sa itaas, kung hindi man namin maubos ang aming paninda ay binibili iyon ni Aling Florida or ni Aling Belen para hindi kami mapalo. Habang pabalik kami sa hideout ay naalala ko na naman ang lalaki kanina, ang lalaking nagbigay ng 500 pesos sa akin. Hindi ko alam pero kanina nang makita ko siya ay kumabog nang mabilis ang aking dibdib. Hindi lamang iyon dahil ang mga mata niya nang tawagin niya muli ako, nakita ko ang lumbay roon. Sino kaya siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD