CHAPTER 2: Buhay sa Lansangan.

2088 Words
TANGHALI na nang makaramdam kami ng gutom na tatlo. Pagod na rin ako sa kalalakad naming tatlo rito sa gilid ng kalsada, wala na rin bumibili dahil mainit na ang panahon. “Ate Frances, nagugutom na po ako...” saad ni Lili at humawak sa kanyang tiyan. “Ako rin po, ate Frances! Gutom na rin po ako,” dagdag na sabi ni Angel. Tumingin ako sa kanila at tumango. “Pupunta na tayo kay Aling Florida, ha? Hintayin lamang natin si Franco para sabay na tayong pumunta roon.” sagot ko sa kanila at nag-stay na muna kami rito sa lilim. Napatingin ako sa magkabilang gilid at baka naglalakad na si Franco palapit sa amin. Nakakaramdam na rin kasi ako ng gutom lalo naʼt hindi naging sapat ang almusal namin kanina. Kaya maging ako ay nakakaramdam naʼng pagkahina. “Ayan na si kuya Franco, ate Frances!” malakas na sabi ni Angel sa akin at kinalabit pa niya ako. Nakita ko ang pagturo niya sa lalaking papunta ngayon sa pʼwesto namin. Nakita ko ang dala niyang sampaguita and basahan, kaunti na lamang. “Kanina pa po kayo, ate Frances? Pasensya na po hindi ko napansin ang oras sa paglalako!” hingi niya nang paumanhin sa amin nang makalapit siya sa aming pʼwesto. “Oo, nagugutom na itong dalawa! Tara na kay Aling Florida! Magbibigay ako sa kanya ngayon ng bente pesos para sa pagkain natin. Marami na kami napagbentahan kaya naubos na agad iyong sampaguita namin! Maraming bumili kanina rito!” sabi ko sa kanya habang naglalakad na kami ngayon papunta sa karinderya ni Aling Florida. “Ikaw? Konti na lamang iyan, ha? Marami rin bang tao sa pinuntahan mo?” tanong ko sa kanya. Tumango siya sa akin. “Marami-rami rin po! Maging iyong mga suki kong jeepney driver at traysikel driver ay bumili ulit ng basahan ko. Lima na nga lang ito pero itong sampaguita ay medyo may karamihan pa,” sagot niya sa akin. Tumango ako sa kanya. “Palit na lamang tayo, Franco. Amin na iyang sampaguita at ilalako namin. Idagdag mo na itong basahan namin na maibenta roon sa pʼwesto mo, ha? Sampung pesos sa apat na piraso ang basahan, ha, Franco?” sabi ko sa kanya. Tumango siya sa akin. “Oo naman po, ate Frances! Alam ko naman po na need pa natin tubuan ito para may pera tayong pangkain natin!” sagot niya sa akin. Nakarating na rin kami sa karinderya ni Aling Florida. Pagkakita pa lamang niya sa amin ay agad niya kami pinaupo sa gilid ng karinderya niya. “Dinuguan gusto niyo ba, Frances?” bungad na sabi niya sa akin at tumango ako sa kanya. “Bigyan ko na rin kayo ng maraming sabaw, ha? Akala ko ay mamaya pa kayong ala-una pupunta. Tatabihan ko na sana kayo ng pagkain!” sabi niya sa amin. Binigyan niya kami ng tig-iisang plato, nakakahiya nga, e. Ang dami ring kanin na binigay niya sa amin. “Aling Florida, magbibigay po kaming bente,” sabi ko sa kanya. “Anong bente? Itabi niyo na iyang bente pesos sa pinapatago niyo sa akin. Huwag kayong magbabayad dahil gusto kong tulungan kayo, Frances! Hala, sige kumain kayong apat dʼyan at huwag mong intindihin babayaran niyo!” galit na sabi ni Aling Florida sa amin. Ganyan siya palagi pero sobrang bait talaga ni Aling Florida. Sa kanya kami nagpapatago ng pera, maging doon sa tindahan na close namin. Doon naman ay binibigyan kami ng gamot sa sakit at minsan ay binibigyan din kami ng vitamins. Tindahan iyon na may tinitindang gamot. Sinabi nga namin ang tungkol doon kay Aling Florida, hindi naman daw expired ang gamot and vitamins na binibigay sa amin. May sinabi pa siya na generics iyon pero totoong gamot. Kaya nakahinga kami nang maluwag. Simula na uminom kami ng vitamins ay never kaming nagkasakit na apat. Kaya ang ibang vitamins ay binibigay namin sa mga bata na kasamahan namin nang palihim. Natapos na rin kaming kumain at uminom kami nang maraming tubig. Ni-refill din ni Aling Florida ang dala naming tubigan. At, bago kami umalis ay binigay namin ang 80 pesos na kinita namin ngayong araw, kasama na iyong kay Franco. Ang iba namang pera na hindi nauubos sa hawak namin ay ibibigay namin sa tindahan, isa rin iyon sa pinagtataguan namin ng pera. Alam din ni Aling Florida ang tungkol doon. “Maraming salamat po sa pagkain, aling Florida! Sobra po kaming nabusog!” sabay naming sabing apat sa kanya. Ngumiti lamang siya sa amin. “Mag-iingat kayo sa kalsada, Frances, ha? Hawakan mo nang mabuti sina Lili and Angel, ha?” sabi ni Aling Florida sa akin. “Ikaw naman, Franco, mag-ingat din sa daan, ha?” dagdag na sabi niya Kay Franco. Ngumiti kami sa kanya at kumaway. “Bukas po ulit, Aling Florida!” malakas na sabi ni Lili. Bumalik na muli kami sa pagtitinda at si Franco ay humiwalay na sa amin, pinadala namin sa kanya ang natitira naming basahan at ang sampaguita naman niya ay kinuha namin para ibenta ito. Kailangan naming maubos ito bago gumabi. Napaupo kami nina Lili and Angel sa may tabi nang maubos na namin ang sampaguita ni Franco. Nandito na kami sa harap ng tindahan nila Aling Belen. “Frances, tinapay muna kayo at akin na ang tubigan niyo. Sasalinan ko ng bagong tubig,” sabi ni ate Melinda — anak ni Aling Belen. “Salamat po, ate Melinda!” Kinuha namin iyon at kinain na. Tinirhan naming tatlo si Franco. Napalingon-lingon ako sa paligid at binigay kay ate Melinda ang 50 pesos. “Ate, patabi po,” mahinang sabi ko sa kanya at binigay ang pera namin. Kinuha niya ang tubigan namin kasabay ng perang inabot ko sa kanya. “Bale nasa 300 na itong pera na nandito,” saad niya pero hindi siya sa amin nakatingin. Tumango na lamang ako sa kanya at kumain na muli ng tinapay. Dumating na rin si Franco kaya pinakain na rin namin siya. Habang nandito kami ay binibilang na namin ang kinita namin ngayong araw. Ubos na rin agad ang basahan na pinadala namin sa kanya. Pasado alas-singko naʼng hapon at may dalawang oras pa kami bago nila kami sunduin dito. Napatingala ko sa kalangitan nang makitang dumidilim na. Panibagong araw na naman ang natapos namin dito sa daan na walang na-a-aksidente kina Lili, Angel and Franco. Gabi na nang makauwi kami galing sa pagtitinda ng mga basahan and sampaguita. Naubos namin ang mga iyon na may tubo pa kami. Ang tubo na kinikita namin sa paglalako ay iniiwan namin sa karinderya na palagi kaming pinapakain, naaawa rin kasi sila sa amin. Nakipila na kami rito para maibigay na namin ang aming kinita ngayong araw. Sa ilang taon kong ginagawa ito ay nasasanay na ako. . . Nasasanay na akong nakakarinig ng mga iyak at palo kapag kaunti lamang ang nabebenta mo sa buong maghapon. Napakapit sa akin si Lili nang may napalo na naman si Madam. Hindi na lamang kami tumingin doon dahil ang ginagamit niyang pamalo ngayon ay waling tingting. Ang ibang bata naman ay nakaluhod na sa monggo. Gusto man namin silang tulungan ay maging kami madadamay. “Heto po ang benta namin ngayon, boss Weng! Ubos po ang paninda namin,” sabi ko sa kanya at nilapag ang pera. Tinignan niya ako nang nakangiti. “Heto ang gusto ko sa inyo, Frances at sa tatlong batang ʼto! Hindi niyo ko binibigo!” nakangising sabi niya sa akin at tinignan kaming apat. Tumango na lamang ako sa kanya at nakita kong pagguhit niya ng linya pataas sa mga pangalan namin. Lumakad na kami paalis sa harapan ni boss Weng. Nakabalik na ulit kami sa kʼwartong pinaglalagyan namin at doon ko nakita si Joy. Lumapit ako sa kanya para itanong ang tungkol sa batang lalaki kanina. “Maayos na ba ang lagay nuʼng bata?” tanong ko sa kanya. Tinignan niya ako at tumango. “Maayos na, Frances. Maraming salamat sa gamot na binigay mo,” mahinang sabi niya sa akin. At tumango ako sa kanya. “Walang anuman, Joy! Oh, siya, balik na ako sa pʼwesto ko,” sabi ko sa kanya. Bumalik ako kina Franco, Lili and Angel. Kinuha na ni Franco ang karton namin. Nilapag na namin iyon sa semento. Nakalimutan ko pa lang humingi ng karton sa tindahan nila Aling Belen. Bukas na lamang. Alas-nuwebe ng gabi nang pinakain na kami. Pero, ang batang pinalo ni Madam at mga nakaluhod kanina sa monggo ay hindi pinakain. Nakatayo lamang sila habang pinapanood kami. Nakakaawa. Buong maghapon kaming sa lansangan pero hindi sila papakainin. Pikit mata na lamang akong kumain ng ulam naming sardinas at kanin. Hindi ko pinansin ang mga bata na nakatayo at tinitignan kami ngayon. Lalo lang ako maaawa sa kanila. Panibagong umaga, panibagong sapalaran na naman dito sa kalsada. Naglalakad na muli kami ngayon sa maingay at maalikabok na kalsada rito sa ka-Manila-an. Nandito ako ngayon sa maraming kotse at hindi lamang iyon dahil delikado rin itong ginagawa ko. “Bili na po kayong sampaguita at basahan po!” malakas na sabi ko at kasabay nuʼn ay pag-ubo ko nang malakas. Napatingin ako sa lalaking naka-motor na todo buga ng usok, tumama iyon sa mukha ko dahilan nang pag-ubo ko. Napailing na lamang ako at muling lumakad kasama si Lili. Si Angel naman ay sumama kay Franco. Doon naman sila tatambay sa paradahan ng mga bus kasi sa paradahan ng jeep ay wala ng bibili, doon pumunta si Franco at bukas ulit siya pupunta roon. Alternate ang ginagawa niya. “Kuya, bili na po kayong basahan!” Malakas na sabi ko sa jeepney driver na hinintuan ko. Imbis na bumili ay pinaalis niya ako. Huminga akong malalim at muling lumakad. “Basahan at sampaguita kayo dʼyan!” malakas na sabi ko at napaubo muli. Nanunuyot na ang aking lalamunan pero kailangan ko mapaubo ang sampaguita ko dahil mamaya lamang ay malalanta na iyon at hindi na maganda kung bibilhin pa muli. “Ineng, magkano ang sampaguita mo?” Napahinto ako nang may tumawag sa akin, nakita ko ang isang matandang babae at ang kanyang kamay ay pinapalapit ako sa kanya. Tumakbo ako palapit muli roon sa may jeep. “Sampaguita po? Tatlong piraso para sa sampung piso po!” malakas na sabi ko sa kanya. “Oh, siya, pagbigyan mo ko ng bente pesos, ineng!” saad niya sa akin at kumuha ako ng sampaguita at nilagay iyon sa plastic. Pagkaabot ko sa kanya ng plastic ay siyang pagbigay niya rin sa akin ng bente pesos. “Maraming salamat po!” saad ko sa kanya at ngumiti. Konti na lamang ang sampaguita at mauubos na rin. Lumakad na muli ako at naglako ng sampaguita hanggang sumapit ang tanghalian. Naubos ko na rin ang sampaguita ko pero itong basahan ay may benteng piraso pa ako, 50 pesos din ito kapag naubos. Lumakad na ako pabalik kay Lili. Iniwan ko kasi siya sa nagtitinda ng mani sa may gilid. Kaya doon ako babalik. “Lili! Malakas na sigaw ko sa kanyang pangalan. Tara na kay Aling Florida!” sabi ko sa kanya at tumakbo siya palapit sa akin. “Kanina pa kita hinihintay, ate Frances! Nagugutom na po ako!” sabi niya sa akin at napahawak sa kanyang tiyan. Ngumiti ako sa kanya at ginulo ko ang kanyang buhok. “Kaya tara na kay Aling Florida para makakain na tayo!” ngiting sabi ko sa kanya. Tumingin ako kay kuya na nagtitinda ng mani. “Thank you po, Kuya, sa pagtingin kay Lili!” sabi ko sa kanya at tumango siya sa akin. Naglalakad na kami nang may biglang nagsigawan. “Snatcher!” Narinig namin ni Lili kaya napahinto kami sa paglalakad. Gumilid kami sa may kalsada at nakita ko ang pagdaan ng isang batang lalaki sa harap namin ni Lili. Isa iyon sa mga kasamahan namin. Bakit siya nag-snatch? Sunod na dumaan sa amin ay isang pulis na hinahabol ngayon ang bata at maging iyong babaeng sumisigaw ng snatcher. “Ate Frances, ʼdi ba po, k-kasama—” Hinawakan ko ang bibig ni Frances para hindi niya masabi iyon. Lalo naʼt ang daming tao sa paligid namin. Tinitigan ko siya at inilingan. “Huwag mong sasabihin iyan,” madiin na sabi ko sa kanya at hinila na siya paalis doon. Ayokong maging kami ay madamay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD