CHAPTER 5: Patpat ni Madam

1809 Words
“Hoy, Joy, dumito ka nga!” Nakarinig ako nang malakas na boses mula kay Madam. Napalunok ako nang may makita akong hawak niyang patpat. Anong gagawin ni madam kay Joy? “Ano ang naririnig ko ngayon, Joy, ha? Hindi mo pinagta-trabaho ang mga bata sa lasangan, ha?” Napayuko ako nang dumagundong ang boses ni Madam sa buong lugar na ito. Siniksik ko sa pagitan namin sina Angel and Lili, ayokong makita nila ulit kung gaano kalupit si Madam. “M-madam. . . Hindi naman po sa g-gayon. . . P-pero, may lagnat po si Grace kaya hindi ko po pinagtrabaho ngayong araw. I-iniwan ko po siya sa pʼwesto namin. . .” Dinig dito ang pagkanginig ng boses ni Joy. “P-pero, n-naubos na po ang pareho naming paninda ngayong araw, Madam. . .” pagpapatuloy niyang sabi. “Ang gaga mo!” malakas na sabi ni Madam na siyang pagkapikit ko. “So, matutuwa ako dahil naubos ang paninda niyong dalawa kahit hindi nagta-trabaho ang gagang iyon, Joy! Matagal ka na rin pero ang boba mo pa rin!” sigaw ni Madam kay Joy. Hindi na lamang ako tumingin doon at tinignan sina Lili and Angel. “Takpan niyo ang tenga niyo. . . Huwag niyong pakinggan,” saad ko sa kanilang dalawa at tumango sila sa akin. Nakita kong tinakpan nila ang kanilang magkabilang tenga habang nakayuko ngayon. “H-hindi po sa gayon, Madam! N-ngayong araw lang po ito! M-mataas po kasi ang lagnat niya at lalo na po matirik ang araw sa labas kanina, Madam! Pasensya na po! Hindi na po mauulit!” malakas na sabi ni Joy kay Madam at lumuhod na siya harapan nito. “Talagang hindi na mauulit, Joy! Gusto mo pa bang maulit? Saka, wala akong pakealam sa inyo Kung magkasakit kayo! Kung mag-kolbusyon kayo dʼyan or mamatay ng nakatirik ang mga mata! Wala akong pake, naiintindihan niyo ba iyon!” Dumagundong ang boses ni Madam sa buong sulok ng kilalagyan namin. Napaiwas ako ng tingin doon at napapikit nang marinig ang malakas na hampas na bagay kay Joy. “A-ate Frances. . .” nanginginig na sabi ni Lili sa akin at naramdaman ko ang maliit niyang kamay na humawak sa suot kong shirt, sa may laylayan. “H-huwag kayong titingin, okay? Takpan niyo mga tenga niyo,” mahinang sabi ko sa kanila. Nakita ko ang mukha ni Angel na napapikit at nakatakip ang pareho niyang kamay sa tenga niya. “M-madam. . . T-tama na po! H-hindi ko na po uulitin, madam! Maawa na po kayo, madam!” Pumapayahaw na sabi ni Joy at dinig na namin doon ang hinagpis niya sa bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig. Naaawa na rin ako sa kanya. “Maawa, Joy! Aba, puta kang bata ka!” malakas na mura ni Madam at kasabay nuʼn ang malakas niyang paghampas kay Joy sa likod hita nito. “Matagal ka na tito pero hindi mo pa rin alam ang panuntunan ko!” malakas niyang sabi at hindi pa rin siya tumitigil sa paghampas kay Joy. Kami na ang naaawa sa kanyang kalagayan pero walang naglalakas loob sa amin pumigil at baka kami pa ang pagbalingan ni Madam. “Bakit kasi naiba ang edad sa patakaran na iyon! Imbis na 18 years old lamang naging 21 na! Eh ʼdi sana tinapon na namin kayo roon!” malakas na sabi ni Madam, hindi lamang kay Joy kung ʼdi sa amin na malapit na mag-18 years old. Laking pasasalamat namin at na-adjust ang edad kaya hindi agad kami naibigay sa mga club na kumukuha ng babaeng bayaran at pinagtatalik sa mga mayayaman nilang parokyano. “Kaya kayong lahat, magpasalamat kayong mga nasa legal age na rito na nandito pa rin kayo sa poder namin dahil kung ʼdi paniguradong pinagsisilbihan niyo na ang mga matatanda na madaling mamatay! Naiintidihan niyo ba iyon?” malakas na sabi niya sa amin kaya tumango kami sa kanya. “Ikaw, Joy, hindi ka kakain ngayong gabi at bukas nang umaga ay madadagdagan ang ilalako mo! Naiintidihan mo ba?” bulyaw sa kanya ni Madam. “O-opo, M-madam. . . N-naiintindihan ko po!” malakas na sabi ni Joy kahit bakas sa kanyang nahihirapan siya. Tumayo nang matuwid si Madam at tinignan niya kami. “Lumabas na kayo para kumain! Maliban saʼyo, Joy!” saad ni Madam kaya tumayo na kami sa aming kinasasalampakan. Hinawakan ko ang kamay ni Lili, lumakad kami at nadaanan pa namin si Joy na nakaupo ngayon sa sahig at iniinda ang sakit na nakuha niya sa patpat na hawak ni Madam. Naupo na kaming lahat dito sa mahabang lamesa na gawa sa kahoy. Nakita na namin ang kaunting kanin, isang pirasong tinapay at sardinas na ginisa sa maraming upo. “Narinig niyo naman siguro ang sinabi ko kanina? Kung ayaw niyo matulad kay Joy ay huwag kayong gagawa ng kalokohan na ayoko! Itatak niyo iyan sa mga kokoti niyong sobrang liit! Mga peste!” sigaw niya sa amin kaya tumango kami sa kanya. “Kumain na kayo! Para bukas ay marami kayong mabenta!” Napakagat ako sa kanyang sinabi kaya ginalaw na naman ang pagkain namin. Napapikit ako nang malasahan ito, katulad ng dati ay sobrang tabang ng pagkain namin hindi lamang iyon dahil maging ang kanin ay medyo hilaw pa. Wala naman kaming magagawa kung ʼdi kainin pa rin ito lalo naʼt laman tiyan din ang pagkain na ito sa amin. Maaga na naman kaming nagising, sa labing anim kong pananatili rito ay hindi nagbago ang routine namin tuwing umaga. Nag-iigib kami ng tubig sa dulo ng hideouts namin hanggang sa may taas ng building na ito kung nasaʼn ang malaking drum na mayroʼn kami. Mabigat ang dalawang timba para sa mga batang kasama namin pero hindi namin sila pʼwedeng tulungan dahil nakabantay ang mga tauhan nina boss Weng and Madam. “Hoy, huwag kayong gagawa nang mali, ha? Kapag kami ang nalintikan kina Madam at boss Weng, lalagyan namin ng paso ang mga hita niyo!” pananakot nila sa amin nang maibaba Nila kami rito sa lugar kung saan kami nagbebenta. Tumango kami sa kanila. “Oh, siya, lumayas na kayo! Nasa paligid lang kami! Subukan niyong tumakas at papatayin namin kayo!” madiin niyang sabi at nilagay pa niya ang kanyang hinlalaking daliri sa harap ng kanyang leeg at kunwaring nilalaslas iyon. Natakot kami. “Ate Frances, maayos lang kaya si ate Joy?” pagtatanong ni Lili sa akin habang naghahanap kami ng pʼwesto kung saan magbebenta. Ngumiti ako sa kanya. “Paniguradong magiging maayos lang si Joy, Lili, kaya huwag kang mag-alala, okay? Uminom naman na rin siya ng gamot para hindi siya magkaroon ng sakit dahil sa ginawa sa kanya ni Madam kagabi kaya huwag kang mag-alala,” mahinahon ang aking boses nang sabihin ko iyon. Tumango siya sa akin. “Sana nga po, ate Frances!” Nakita ko ang mata ni Lili na nag-aalala. Hinawakan ko na lamang ang kanyang buhok at ginulo iyon. “Tara na? Magbenta na lamang tayo!” aniya ko at malakas na sumigaw. “Sampaguita at basahan po kayo dʼyan!” Naglalakad kami ngayon dito sa gitnan nang mausok at mataong lugar. Isa-isa inaalok ang mga taong lumalabas galing sa simbahan, mabuti na lamang ay may bumibili kahit pa paano sa amin ni Lili. Humiwalay ulit sa amin sina Franco and Angel para mabilis kaming kumitang tatlo. Katulad sa pang-araw-araw na nangyari sa amin ay naubos muli namin ang paninda, hindi lamang iyon dahil busog ulit kaming uuwi dahil maraming pinakain sa amin si aling Florida dahil birthday ng nag-iisang anak niya, Jerome ang name. Kaya sa pangatlong pagkakataon ay nakakain ulit kami ng cake. Kay aling Florida lang kami nakakakain ng cake. “Ate Frances, hindi na naman po nila naubos paninda nila. . .” mahinang sabi ni Lili sa akin at tinuro ang mga batang kasama namin ngayon. Hinihintay namin ang van na maghahatid ulit sa amin sa hideouts. “Lili, huwag mo na pansinin,” suway ko sa kanyang mahina. Hindi namin kasalanan kung bakit hindi sila nakakaubos ng paninda nila. Nakita ko sila kanina na nakaupo lamang sa gilid ng bangketa at hindi man lang nag-aalok sa mga dumadaan kaya hindi talaga mauubos ang mga paninda nila, maging ang sampaguita na hawak nila ay tuyot na. Dumating na rin ang sasakyan namin at sumakay na kami muli sa van para iuwi sa hideout namin. Kinakabahan na naman ang ibang bata dahil hindi na naman nila naubos ang ibang basahan, sampaguita and candy na hawak nila. Mabuti na lamang ay malakas kami sa itaas, kung hindi man namin maubos ang aming paninda ay binibili iyon ni Aling Florida or ni Aling Belen para hindi kami mapalo. Muling huminto ang sinasakyan namin kaya bumaba na kami at nandito na kami sa hideouts namin, paniguradong maraming bata na naman ang iiyak mamaya kapag binigay na nila ang kanilang kinita. “Joy, ayos ka lang? Hindi naman masama pakiramdam mo?” pagtatanong ko sa kanya nang matapos kong ibigay ang kinita ko kay Madam. Natuwa nga siya dahil malaki ang kinikita naming apat. Ngumiti siya sa akin pero hindi umabot sa dulo ang ngiting iyon. “Ayos naman na ako, Frances! Hindi ako nagkaroon ng sakit kanina habang nagbebenta sa lasangan. Kaya huwag kang mag-alala pero gusto ko nang. . .” Tumingin siya sa paligid namin. “Gusto ko nang tumakas, Frances. B-bakit kasi nausog ang pag-i-stay natin dito. Gusto ko na talagang umalis.” saad niya sa akin. Hinawakan ko ang kanyang balikat. “Kapag ba nakatakas tayo rito, m-may babalikan ka pa ba?” mahinang pagtatanong ko sa kanya. Tinignan niya ako at tumango. “Mayroʼn pa, Frances! Sa probinsya ng Lolo ko. Hindi nila alam na binenta ako ng nanay ko rito kaya babalik at ako roon kapag nakatakas na tayo,” saad niya sa akin. “Ikaw, Frances, saan ka pupunta kapag tumakas tayo?” pagtatanong niya sa akin. Napatingin ako sa kanya. “Um, h-hindi ko alam, Joy. W-wala akong kakilala dahil dumating ako rito ng dalawang taon gulang lamang ako. Wala akong matandaan ng panahon na iyon. Tanging naiwan lamang din sa akin ay iyong suot kong damit noong nakuha ako, tinago ko iyon at dala-dala lagi dahil pakiramdam ko ay safe ako kapag dala iyon. . . Kapag tumakas tayo rito, pupunta na lang ako sa bahay ampunan, at least, doon ay safe ako, ʼdi ba?” nakangiting sabi ko sa kanya at tumango siya sa akin. Tumango siya sa akin. “Tama ka naman, Frances! Pero, sana kapag nakatakas tayo ay magkita ulit tayong dalawa, ha?” Ngumiting tumango ako sa kanya. Sana nga makatakas kami sa lugar na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD