TATLONG taon na ang nakakalipas, dalawangpuʼt taon na ako ngayon. Sa susunod na buwan ay magbi-birthday na ako, mag-da-dalawangpuʼt isang gulang na ako at malapit na akong paalisin dito sa tinitirahan namin para ibenta sa mga bar na nangangailangan ng GRO or mga babaeng bayaran. Iyon ang ayokong mangyari sa akin at sa iba pang mga babae na ka-edad ko.
“Frances...”
Napalingon ako kay Joy nang marinig ko ang boses niya. Nakapila na kami ngayon para sa orasyon ng pagkain namin ngayong gabi. Kababalik ko lamang din galing sa labas.
“Iyong plano natin next month...” mahinang sabi niya sa akin.
Palihim akong tumango sa kanya. “Alam ko, Joy. Handa na rin ako sa gagawin nating iyon,” mahinang sabi ko sa kanya at napatingin pa sa paligid namin. Nakita ko ang iilang tingin sa amin ng mga kapwa naming tatakas next month.
Nasa unahan na ako ng pila at kinuha ko ang plato ko na may kanin at sardinas na may sayote. Naghiwalay na kami ni Joy dahil magkaiba kami ng lamesa. Umupo ako sa tabi nina Franco, Lili and Angel, hindi nila alam ang gagawin kong pagtakas sa susunod na buwan. Ayoko rin kasing mag-alala sila sa akin.
Kinabukasan, nakarinig kami ng mga hiyawan at iyakan. Nakita namin ang tatlong babae at limang lalaki na hinihila palabas at pinapasakay na sila ngayon sa puting mini van na always ginagamit para kunin ang mga babae at lalaki na pʼwede ng ibenta, in short, nasa legal age na.
Napalunok ako habang nakatingin sa kanila. Ganoʼn ang mangyayari sa amin sa susunod buwan. Ako naman ang pasasakayin doon kaya kailangan kong tumakas bago mangyari iyon.
“Ate Frances, ayos lang po ba sila? Saan po ba silang dadalhin?” inosenteng tanong ni Lili sa akin.
Si Lili ang kasama ko ngayon at hindi si Angel.
Ngumiti ako sa kanya. “Hindi ko rin alam, Lili! Huwag na natin intindihin iyon, ha? Magbenta na lamang tayo,” saad ko sa kanya at tumango naman siya sa akin.
“Sampaguita! Basahan! Bili na po kayo!” malakas na sabi ko habang isa-isa inaalok ang mga tao sa paligid namin.
May iilang tao na bumili pero may iilan na tinaasan kami ng kilay dahil ang dudumi raw namin. Kapag ganoʼn naririnig namin ah ngumingiti na lamang ako kahit nasaktan ako sa sinabi nila.
Naliligo naman kami kaya sana ʼwag silang manghugas. Nasasaktan din kami.
Lumipas ng ilang linggo ay heto na ang plano namin. Isang buwan namin itong pinag-aralan nang mabuti. Isang buwan namin itong pinag-isipan ng mga kasamahan naming mag-da-dalawangpuʼt isa na rin katulad ko ngayong araw kaya sa darating na sabado ay kailangan na namin tumakas dahil every Sunday ng morning kinukuha ang mga babae at lalaking nasa bente uno anyos na.
Ilang buwan namin pinag-aralan ang mga galaw ng mga bantay tuwing gabi. Kung anong oras ng palitan nila at kung anong oras sila nakakatulog habang nagbabantay. Lahat ng iyon ay pinag-aralan namin para maging success ang pagtakas namin sa gabi ng sabado.
“Joy, Gina, Pana, Harold Dino, Bianca and... Frances, maligayang dalawangpuʼt isang taon gulang sa iyong pito!” sabi ni Madam sa amin at pumalakpak pa siya nang malakas habang malaki ang ngiti sa aming pito.
Napalunok ako at kinabahan dahil sa mangyayari sa amin sa sabado. May tendency na mamatay kami sa pagtakas namin kaya hindi ko talaga pinaalam kina Franco and aling Florida ang tungkol dito. Ayokong mag-alala sila.
Lumapit sa akin si Madam at binulungan niya ako. “Ihanda niyo na ang gamit niyo sa sabado at aalis na kayo rito,” bulong niya sa akin.
Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang malaking ngiti niya sa akin. Napalunok ako nang dahil doon. Kakaiba ang tingin na binibigay ni Madam sa akin.
Tumango ako sa kanya at kumain na lamang. May cupcake na kasama ang almusal namin dahil birthday naming pito.
“Ate Frances, aalis na rin po ba ikaw katulad ng mga pinapaalis nina madam and boss Weng? Iiwan niyo na po ba kami nina kuya Franco and ate Angel?” tanong ni Lili sa akin.
Napalunok ako sa tanong niya at ginulo ang kanyang buhok. “Hindi, ha? Hindi ko kayo iiwan, Lili, tandaan mo iyan, ha? May pupuntahan lamang ako then babalikan ko kayo! Babalikan ko kayong tatlo nina Franco at Angel! Pangako!” seryosong sabi ko sa kanya.
Nakita ko ang malaking ngiti niya sa akin, kita pa nga ang ngipin niya. “Promise po, ate Frances?” saad niya sa akin habang nagniningning ang kanyang mga mata.
“Promise, Lili!” saad ko sa kanya at pinakita ko sa kanya ang aking right pinky finger, pinaglapat namin ang aming pinky finger sa isaʼt-isa.
Tanghalian naʼng pumunta kami sa karinderya ni aling Florida. Pinakain niya kami at hindi lamang iyon dahil binigyan niya ako ng maliit na cake.
“Happy birthday, Frances! Dalaga ka na talaga! Bente uno ka na!” bati sa akin ni aling Florida habang nakatapat sa akin ang mini cake.
Napangiti ako sa kanya at hinipan ang kandila. “Maraming salamat po sa cake, aling Florida!” nakangiting sabi ko sa kanya. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagtulo ng luha sa aking magkabilang pisngi. “Salamat po sa loob ng ilang taon na pagtulong niyo po sa amin, aling Florida!” naiiyak na sabi ko sa kanya.
“Ano ka ba naman, Frances! Nagpapaiyak ka naman! Birthday mo ngayon kaya dapat ay maging masaya tayo!” sabi ni aling Florida sa akin.
“Oo nga naman po, ate Frances!”
“Kainin na po natin ang cake niyo po, ate Frances!”
Narinig kong sabi nina Angel and Lili sa akin kaya ang ginawa na namin ay kinain na namin ang cake na binigay ni aling Florida. Napangiti na lamang ako habang nakatingin sa kanilang tatlo.
Huling birthday ko na kasama sila.
Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin sa pagtakas ko sa hideouts nila boss Weng.
Nakaupo na ako ngayon dito sa mahabang upuan na gawa sa kahoy. Pinapakain na nila kami ng hapunan namin at kauuwi lamang namin galing sa labas. Ngayon ang araw ng sabado at ngayon ang araw ng pagtakas naming pito.
Kanina pa ako kinakabahan habang nagtitinda ako sa may lansangan. Kinuha ko rin ilang pera na itinabi namin sa may tindahan, kung saan ay nagpapatago rin kami ng pera. Nagtataka nga siya kung bakit ko kinuha pero dinahilan ko na lamang ay kailangan ko at may panggagamitan kaming apat.
Hindi ko malasahan ang pagkain na kinakain ko ngayon. Nilulunok ko na lamang kasi ito dahil sa kabang nararamdaman ko. Hindi na namin ito pʼwede isabukas dahil bukas ay kukunin na kami para ibenta.
Nang matapos kaming kumain ay pinapasok na ulit kami sa loob. Napatingin na lamang ako sa mga kasama ko, lahat sila ay handa na sa gagawin naming pagtakas.
Humiga na ako sa karton namin nina Franco, Lili and Angel. Pinatulog ko muna silang tatlo at ako ay nagtulog-tulugan na lamang hanggang marinig ko ang mahinang sipol hudyat na tatakas na kami.
Maingat akong bumangon paalis sa karton na hinihigaan naming apat. Nakita ko ang pitong kasama ko na gising na rin at handa ng tumakas katulad ko. Kinuha ko na ang tsinelas ko at hinawakan muna ito para hindi kami makalikha ng tunog.
“Tara na,” mahinang sabi ni Gina sa akin at sinenyasan niya ako palabas.
Bago ako lumakad ay lumingon muna ako kina Franco, Lili and Angel. “Babalikan ko kayo. Pangako! Sa pagbalik ko ay magiging ligtas na rin kayo,” bulong ko sa kanila at hinaplos ang kanilang buhok.
Lumakad na ako palayo sa tatlo at binuksan namin ang pinto nang dahan-dahan. “Nagpapalit na sila kaya heto na ang pagkakataon nating tumakas. Lalo naʼt wala ngayon sina boss Weng and madam,” mahinang sabi ni Harold sa amin.
Nakalabas na kami sa aming tinutulugan at ngayon ay naglalakad na kami papunta pinakalabasan ng hideouts na ito. Napahinto kami nang may marinig na nag-uusap na dalawang lalaki.
“Anong oras ba uuwi sila boss?”
“Mamaya pang umaga iyon! Nag-casino yata sila boss Weng!”
“May pera na naman dahil sa pitong ibebenta bukas!”
Napalunok ako nang marinig namin iyon kaya nagtago kami hanggang narinig namin ang yapak nila na palayo sa aming tinataguan.
Tinanggal nina Harold and Dino ang mga nakalagay sa may pinto para makalabas kami. “Tulong... Mabigat...” pabulong na sabi ni Dino sa amin, kaya tinulungan ko siya.
Binuhat at tinanggal namin ang dos por dos na kahoy na nakalagay roon. Tinabi namin sa gilid para hindi makagawa nang ingay. Baka mahuli pa kami. Unang lumabas ay si Harold, hindi kasi namin pʼwedeng lakihan ang pinto at baka marinig na kami dahil umiingay ito kapag binubuksan. Sunod na akong lumabas kay Dino at hinintay na lamang sila isa-isa na lumabas sa pinto habang ako ay tumitingin sa paligid. Huling lalabas na sana si Cindy nang may marinig kaming malakas na boses.
“Mga puntangina! May tumatakas!” malakas na boses ang aming narinig na siyang pagkataranta naming lahat.
Hinila na ni Harold si Cindy at tumakbo kami nang mabilis palayo roon sa hideouts.
“Mga gago! Habulin niyo sila!”
Napapikit ako nang marinig ko ang boses na iyon mula mga tauhan nila boss Weng.
Kaya ang ginawa ko ay tumakbo ako nang mabilis habang naririnig ang malalakas na mura na galing sa tauhan ni boss Weng at ni Madam.
“Frances! Sa iba kaming tatakbo! Maghiwa-hiwalay tayong lahat!” malakas na sabi ni Harold sa amin at tumango kami sa kanya.
Nagkanya-kanya kami ng daan at ang iba ay magkakasama pero ako ang walang kasama ngayon. Hindi ko na lamang inintindi iyon at tumakbo ako pabilis. Hinahawi ko ang matataas na talahib na dinadaanan ko, sa likod ako tumakbo at hindi roon sa harapan ng hideouts dahil may posibilidad na makita agad ako.
Nasasaktan na ako sa mga talahib pero hindi ko iyon pinapansin, ang nasa isip ko lamang ay makaalis ngayon dito.
Naririnig ko pa rin ang mga mura na galing sa mga nagbabantay sa amin, hindi lamang iyon dahil nakarinig ako nang malakas na sigaw at mukhang sa kasamahan ko iyon. Kaya lalo kong binilisan ang pagtakbo ko.
Napangiti na ako nang may maaninag akong liwanag. Makakalabas na ako. Sa huling hawi ko sa talahib ay isang kalsada ang aking nakita. Napangiti ako at tumakbo palabas sa kalsada, palingon-lingon pa ako sa paligid at baka nasundan na ako ng mga tauhan nila boss Weng. Laking pasasalamat ko na walang lalaking nakasunod sa likod ko.
Tatakbo na sana ulit ako nang may nakita akong kotse na paparating, nagtago ako dahil iniisip ko na baka tauhan ito nila boss Weng pero bigla rin akong lumabas nang makitang isang SUV ito. Lumabas ako at humarang sa gitna na siyang pagpreno niya.
Lumapit ako sa pinto ng kotse niya at kinalampag iyon. “Tulungan mo ko! Tulungan niyo ko!” malakas na sabi ko sa kanya habang palingon-lingon pa rin ako sa paligid ko.
Nakita ko ang pagbaba ng bintana at ganoʼn na lamang ang gulat ko nang makita ko ang tao sa loob.
Kamukha niya ang crush kong si Kirby pero iniling ko muna iyon sa isipan ko.
“T-tulungan mo po ako! M-may humahabol sa akin! Tulungan mo ko!” Paulit-ulit na pagmamakaawa ko sa kanya.
Nakita ko ang dahan-dahan niyang pagtango niya sa akin at pinapasok niya ako sa loob ng kotse.
“Miss, ano bang nangyayari sa iyo?” Narinig ko ang pagtanong niya sa akin. “Gusto mo bang dalhin kita sa pul—?” dagdag na tanong niya sa akin.
Tinignan ko siya at umiling. “H-huwag sa kanila. . . Makukuha ulit nila ako! Nagmamakaawa ako sa iyo, huwag na huwag sa kanila.!” saad ko sa kanya.
“K-kung iyon ang gusto mo. Dadalhin na lamang kita sa hospital.”
Huling rinig ko mula sa kanya bago ako mawalan nang malay tao.