LUMIPAS ang ilang taon at nanatili pa rin ako sa poder ng mga sindikato. Walang araw ring naiisip ko ang lalaking bumili ng mga paninda ko. Hindi siya maalis sa isipan ko lalo na ang mukha niyang malungkot na nakatingin sa akin nang araw na iyon.
Hindi maalis sa isipan ko iyon. Kaya sa nakalipas na ilang taon ay siya ang iniisip ko pero never ko na siyang nakita muli.
Gusto ko pa naman sana kausapin siya kung bakit ganoʼn ang naging itsura niya nang malaman niya ang pangalan ko. Pero, hindi nangyari ang aking iniisip.
“Ate Frances, hindi pa po ba tayo kakain? Nagugutom na po ako?”
Nawala ang aking iniisip nang kalabitin ako ni Angel. Tumangkad na si Angel at hanggang sa ilalim na kili-kili ko na siya, sa edad niyang sampung taon gulang ay sobrang laki ng tinangkad niya.
“Ha? Anong oras na ba, Angel?” tanong ko sa kanya.
“Alas-onse ʼy trenta na po, ate Frances! Hindi rin po tayo pinakain nang maayos kanina at tanging dalawang piraso na pandesal lamang ang binigay sa atin,” saad ni Angel sa akin.
Mag-a-alas dose na pala! Limang oras na kaming naglalako pero hindi pa nangangalahati ang hawak kong sampaguita and basahan. Sina Franco and Lili kaya?
“Ganoʼn ba, Angel? Tara punta na tayo sa karinderya nila aling Florida baka papunta na rin doon sina Franco and Lili,” nakangiting sabi ko sa kanya at lumakad na kami papunta roon habang sumisigaw ako nang sampaguita at basahan, baka kasi ay may bumili sa amin habang papunta kami kay aling Florida.
Nakarating na rin kami sa karinderya at laking pasasalamat ko na may iilang bumili ng basahan sa amin, kaya bale anim na piraso na lamang ito.
“Nandʼyan na pala kayo, Frances and Angel! Nasaan sina Franco and Lili? Sa ibang lugar ba sila nagtinda?” tanong ni aling Florida sa amin.
Tumangon tumingin ako sa kanila. “Um, opo, aling Florida. Sina Franco and Lili po ay nagtitinda po malapit sa mga terminal ng jeep or bus po para maubos po agad ang mga paninda po namin. Kaya need po naming maghiwalay na apat,” sabi ko sa kanya.
Napatingin sa akin si aling Florida. “May tira pa ba sa paninda niyo, Frances?” tanong niya sa akin at tumango ako sa kanya.
“Opo, aling Florida. Marami pa po ang sampaguita namin pero ang basahan po ay anim na piraso na lamang po,” sagot ko sa kanya at pinakita iyon.
“Ako na bibili sa mga iyan. Tirhan niyo na rin ako ng sampaguita, ha? Iyong palaging nagdadala ng sampaguita sa amin ay umuwi na ng probinsya kaya wala ng nagra-rasyon ng sampaguita sa amin, maging iyong sa tindahan sa kabila. Kaya tirhan niyo na kami, Frances!” saad ni aling Florida sa akin at kinuha na niya ang mga paninda ko. “Bale magkano ang lahat ng ito?” sunod na tanong niya sa akin.
“Um, 75 pesos po ang lahat ng iyan, aling Florida!” mabilis na sagot ko sa kanya.
“Oh, heto ang 100 pesos, Frances!” Binigay niya sa akin ang buong 100 pesos sa palad ko. “Nandʼyan na sina Franco and Lili. Kumain na kayong apat. Oo nga pala, ang ipon niyong apat ay sobrang laki na. Gusto niyo bang ilagay ko rin sa banko para magkaroon ng interest, ha? Kailan niyo ba kukunin iyon at saan niyo panggagamitan?” tanong ni aling Florida sa akin.
“Kung maganda naman po ang maging kalagayan ng pera po namin, aling Florida, ayos lang po sa amin na ilagay sa banko. Um, sa future po naming apat, aling Florida. Balak po naming umalis sa poder nila,” mahinang sabi ko at halos pabulong na iyon.
Kinakabahan ako baka may makarinig sa amin. Alam ko ay may mga tauhan sa paligid si boss Weng na nakabantay sa amin.
“Gusto niyo bang magsum—”
Umiling ako kay aling Florida. “Ayaw po namin kayong madamay, aling Florida. Nagpapasalamat na po kami sa inyo na pinapakain niyo po kami. Kaya ayaw namin kayong masaktan,” sabi ko sa kanya at ngumiti.
“Ate Frances! Ate Angel, nandito na po pala kayo!”
Narinig namin ang malakas na boses ni Lili kaya iniba na namin ang usapan.
“Ubos na po paninda niyo, ate Frances? Kami ni kuya Franco ay marami pa po ang basahan pero niyong sampaguita ay nakatabi naman na po para sa tindahan!” nakangiting sabi ni Lili sa akin.
“Naku, kumain na tayo at kanina pa namin kayo hinihintay ni Angel. Pinakyaw ni aling Florida ang paninda namin!” nakangiting sabi ko sa kanya at pinaupo na si Lili sa tabi ko.
“Aling Florida pʼwede po ba malipat sa kabilang channel? Kakanta po kasi mamaya ang Starlight sa Bulaga!” nakangiting sabi ko sa kanya at tumango siya sa akin.
Kinikilig na akong nakatingin sa maliit na television ni Aling Florida na mayroʼn dito sa karinderya niya. Kumakain na kami rito nina Lili, Angel and Franco. Mabuti na lamang ay na-eksaktuhan ko ang pag-release ng new song ng Starlight ngayong araw.
Sobrang gwapo talaga ni Kirby kaya lalo akong na-i-in-love sa kanya. Siya talaga ang bias ko Starlight.
“Naku, si ate Frances kinikilig na naman kay Kirby. Hindi ka naman po niya kilala!”
Nawala ang kilig at ngiti sa mukha ko nang marinig ang boses ni Angel. Tinignan ko siya at piningot ang tenga niya. “Panira ka talaga, Angel, ano? Balang araw makikilala rin ako ni Kirby!” saad ko sa kanya at muling tumingin sa television ni Aling Florida.
“Naku, kayong mga bata talaga! Tungkol na naman sa love ang pinag-uusapan niyo! Huwag niyo muna pag-usapan ang tungkol sa love-love na iyan!”
Napangiwi ako nang marinig ko ang boses ni Aling Florida.
“Ikaw, Frances, dalaga ka na kaya kailangan mong mag-ingat na hindi makuha ang virginity mo,” paalala sa akin ni aling Florida.
Tumango ako sa kanyang sinabi. Sa loob ng ilang taon na nakalipas ay naging ganap na dalaga na ako. Hindi lamang iyon dahil may crush na rin ako na nagngangalang Kirby, member siya ng sikat na Ppop group na Starlight, rapper siya sa group na iyon.
“Alam ko naman po iyon, aling Florida. Kaya nga po nag-iingat na rin po ako sa mga kinikilos ko kaya huwag na po kayong mag-alala sa akin,” nakangiting sabi ko sa kanya.
“Dapat lang, Frances. Oo nga pala may napkin ka pa ba?” pagtatanong niya sa akin at tumango ako sa kanya.
“Opo, aling Florida! Hindi pa po ubos iyong bigay niyo sa akin,” sabi ko sa kanya at napatingin ako sa may television.
Kumakanta pa rin hanggang ngayon ang Starlight kaya hindi ko mapigilang mapangiti at kiligin sa nakikita ko ngayon.
“Frances, ang kilos mo, ha? Kinakabahan ako sa iyo.” malakas na sabi na naman niya sa akin.
Nagulat ako sa sinabi ni aling Florida at kita ko ang pangamba sa mga mata niya. “Huwag kayong mag-alala, aling Florida, always ko pong dala ang pepper spray na binigay niyo sa akin. Gagawin ko po ang lahat para mapaingatan ang aking virginity po. Kay Kirby ko lang po ito ibibi— aray!” malakas na sabi ko sa kanya nang paluin niya ako sa aking braso.
“Nagjo-joke lang naman ako, aling Florida!” natatawang sabi ko sa kanya.
Pero, hindi ko maipapangakong hindi ako mapapahamak lalo naʼt malapit na akong tumakas para ma-protektahan ang aking kapakanan.
Napangiti ako nang ilipag ni aling Florida ang channel at doon niya nilagay sa sa Starlight.
“Aling Florida, ang gwapo po talaga ng bias ko po, ʼno? Magaling na rapper po iyan and sumusulat din po ng kanta!” nakangiting sabi ko habang kumakain ako at nakatingin doon.
“Gwapo nga po, ate Frances, pero hindi naman po niya kayo makikilala! Sabi nga po sa napanood nating movie, langit po siya at lupa tayo!” nakangising sabi ni Angel sa akin.
Tinignan ko siya nang masama. “Alam mo panira ka ng moment, Angel! Kita mong nagmo-moment ang ate Frances mo rito!” saad ko sa kanya at tumingin sa television.
“Alam mo ba, Frances, ang isang nagta-trabaho rito sa akin ay parehas kayong fan niyan! Ging, sino nga ba ang gusto ni Kathleen sa mga iyan?” malakas na sigaw ni aling Florida.
“Si Lennox po, ate Florida! Katulad mo ay fan na fan din si Kathleen dʼyan!” saad nila sa akin kaya napangiti ako.
“Lahat naman po siguro ay may idol and crush sa kanila, aling Florida and ate Ging! Gwapo, talented, amoy mayaman at higit sa lahat napaka-gentleman po nila! Kaya sa susunod, if my chance na makapunta at makita sila, sisigaw ako nang malakas para mapansin po nila! Ganoʼn po ang gagawin ko!” saad ko sa kanilang lahat.
“Tama po iyon, ate Frances! Ipapanalangin ko po iyon sa iyo!” saad ni Franco kaya ngumiti ako sa kanya.
“Thanks, Franco! T-teka, ayan na! Kakantahin na nila ang debut song nilang 'Magical Girl'!” Kinikilig kong sabi at napaayos ako nang pagkakaupo.
“You are a sweet girl... You're so magical for me. Girl, you are so beautiful...”
Pinipigilan kong ngumiti para hindi nila ako tuksuhin.
“You are also very sweet, I can't take my eyes off you, girl. It's like there's magic surrounding you now. I guess you are what they say is the Magical Girl.” Napakalamig ng boses ni Crown kaya ang daming siya ang bias sa Starlight, malapit na rin akong magpahatak sa kanya.
“Oohh, girl, what a secret to your smiles and we are obsessed... You are so mysterious in my eyes.”
“Ate, sino po iyong kumanta?” pagtatanong ni Lili sa akin.
Ngumiti ako sa kanya. “Si Casper iyon, Lili. Main vocalist nila!” nakangiting sabi ko sa kanya kaya napatango siya sa akin.
“I think you hit me, girl! I think you arrowed my sleeping heart because of your charming smiles. You are such a magical girl that I can't get out of my mind. You are... A magical girl!”
Isa rin itong si Lennox, ang dami rin niyang fans dahil nag-model muna bago pumasok sa Starlight.
“You looked into my eyes, and my world almost stopped. Isn't it funny? You're messing up my world because of being a magical girl. Oh yeah! Aren't you tired of running through my mind, please, take a break because I can't take your cuteness anymore. My fate is in your hands, please, make me your magical boy too.” pagra-rap ni Kirby.
“Kirby!” Hindi ko napigilan isigaw ang pangalan niya.
“Ayan na naman po si ate Frances! Kinikilig na naman po siya sa taong hindi naman siya kilala at hindi magiging sa kanya!”
Napatanga ako sa sinabi niya kaya maging sila aling Florida ay tumawa.
Ang isang ito talaga ay basag trip.
“Watch and learn! Oh, English iyon, ha?” sabi ko sa kanya at minata si Angel.
“Wow, si ate Frances, marunong na mag-english!” saad pa niya kaya napanguso na ako.
Hindi ko na lamang siya pinansin at nag-focus ako sa panonood ng Starlight.
Alam kong mahirap silang abutin pero malay natin, right?