CHAPTER 17: Kalma, Puso, kalma!

2160 Words

NAPATITIG ako sa dingding ng room ko nang mapagod ako sa buong linggo ko. Ilang araw na pabalik-balik ang Triplets sa house namin, ine-eksakto nila ang kanilang dating kapag wala na sina dad, mom and Callon. Iyong tipong kami na lamang ang natira sa bahay at doon sila susulpot. Hindi lamang iyon dahil kada araw ay pa-isa-isa silang pumupunta at sinasabi nila sa akin na huwag sabihin sa bawat isa sa kanila na dumating or dumalaw sila sa amin, kaya ang sakit ng ulo ko hindi dahil sa pagtuturo ni Mr. Miguel kung ʼdi dahil sa kanila. Parang ayoko tuloy bumangon dahil may tutor pa ako ngayong araw, Friday pa lamang ngayon. Paniguradong may darating na isa sa Triplets ngayong araw. Huminga akong malalim at bumaba na rin sa kama ko. Unti-unti na talaga ako nakakapag-adjust sa panibagong buhay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD