NAPAIWAS ako ng tingin sa kanya. Naalala kong may sasabihin pala siya sa akin. Iyon kasi ang sinabi ni nurse Rachel. May importante raw siyang sasabihin. “Sir Kaito, ano po ang sasabihin niyo sa akin ngayong araw? Sabi ni nurse Rachel ay importante raw po iyon,” pagtatanong ko sa kanya at iniba ko na rin ang usapan namin. Hindi pa rin kumakalma ang aking t***k ng puso. Kinakabahan ako na baka marinig na ni Sir Kaito itong pagwawala ng dibdib ko dahil sa ginawa niya kanina. “Puso ko, kumalma ka! Baka marinig kang malakas na tumitibok. Nakakahiya.” kausap ko sa aking sarili. Hindi pa rin ako makatingin kay Sir Kaito at napatingin na lamang ako sa television na umaandar pa rin pero mahina ang volume nito, hininaan ni Sir Mark kanina. Nakita kong hawak niya ang remote control ng television