KINABUKASAN, our last day here sa Japan. Maaga kaming nagising dahil flight na namin pabalik sa Philippines. Katulad nang flight namin papunta rito sa Japan ay alas-onse naman dito ang flight pabalik sa Manila, advance ng isang oras ang time rito sa Japan kaysa sa Philippines. Mabuti na lamang talaga ay nakabili na ako ng mga pasalubong kahapon, dumaan kami sa Don Quijote kung saan ay mura ang pasalubong. Nagpadaan kami kina Benedict and Kaito after namin pumunta sa Akihabara. “Baby girl, wala ka bang nakalimutan na gamit mo?” pagtatanong sa akin ni dad at umiling ako sa kanya. Ang nine na maleta namin papunta rito ay maging sampu dahil sa dami naming nabiling pasalubong. “Tara na, nasa labas na ang mom mo and si Callon,” tawag sa akin ni dad kaya tumango ako sa kanya. Tinignan ko mun