Pagkatapos ng graduation ko, tinutulungan ako ni ate na maghanap ng trabaho. Gusto ko kasi ako ang pipili ng gusto ko. Kapag sinasabi kasi ng tao natutulong siya, sa tingin ko, ipipilit niya yung gusto niya para sa "kabutihan" mo – kahit na labag iyon sa karapatan mong pumili ng gusto mo. Wala talaga akong mapili sa mga sinasuggest ni ate. Mahirap hanapan ng trabaho ang course ko. Literature major? My course only offers be a passage to publishing, teaching and media.
"This is useless!" nasabi ko iyon due to desperation na magkatrabaho. Naiinis na rin kasi ako kay ate na "tumutulong" daw.
"What you don't like my suggestions?" singhal na tanong ni ate.
"No! Wala akong mahanap na trabaho dito sa Pinas." Tumayo na ako sa study table ko at naginat-inat. Tumingin ako kay ate at nakuha niya agad ang punto ko.
"Hindi pwede. Mahirap magtrabaho abroad." pagtutol niya agad. Sinagot ko agad siya.
"Ganyan din naman sinabi mo kina Mom at Dad. Ikaw pa rin naman nasunod."
Tumingin lang siya sakin at dinedma ako. Naglakad ako palabas ng kwarto ko at pumunta sa kwarto ni daddy. Agad kong nakita ang malaking globo na nakapwesto malapit sa kama. Hinawakan ko ang globo at tiningnan ang mga lugar na maari kong puntahan. Pinaikot ko ang globo at pumikit ako.
Binulong ko sa sarili ko na "Kung saan ako maitatapat ang hintuturo ko, doon ako magtatrabaho abroad." Alam kong mala-Love Rosie ang tema ng sitwasyon ko ngayon. Huminga ako ng malalim at tinuro ko ang globo na siyang nagpahinto sa pag-ikot nito. Binuksan ko ang mata ko at naturo ko ang maliit na bansa sa Europa.
Luxembourg.
Patakbo akong bumalik sa kwarto ko at wala do'n si ate. Good for me. Sinearch ko sa internet ang lahat ng information sa Luxembourg. Mukhang maganda ang Luxembourg. May mga meadows, hotels at masasarap na pagkain din. Habang nagsesearch ako, bumalik si ate at sinabing nandiyan na sila Mom.
Bumaba na ako at sinalubong nila ako ng beso at yakap ni Mom at Dad. Pareho silang galing trabaho. My mom is a lawyer and my dad is a vice president of a tech company. Umupo sila parreho sa sofa at kapag ganito ang set-up naming. Ibig sabihin, may dapat na mahalagang pag-usapan. Tinapunan ko ng masamang tingin si ate at ngumiti siya. Inirapan ko siya.
"So, you're gonna find job at abroad?" seryosong tanong sakin ni Dad. Tumango ako. Ngumiti si Mom at nagtanong na rin.
"Where do you want to work?"
"Luxembourg." sagot ko.
"Pathetic. You want to work in Luxembourg, Derrick? It's just miles away from France! Those two nations are practically neighbors!" paghuhuramentado ni ate. Sinaway naman siya ni Mom. Tumahimik na siya at nagsalita si Dad.
"If that's what makes you happy then we'll support you—"
Hindi ko na sila pinatapos pa at niyakap ko na sila. Hindi ko napansin na umakyat si ate at nagpasalamat ako sa mga magulang ko. Sinundan ko ang ate ko at nandun pa rin sa kwarto ko. Hindi ko alam kung bakit ganyan yung ate ko. Lagi na lang kasi niyang iniisip na mas magaling siya kaysa sakin. Ayaw niya kasing na dadaigan ko siya sa lahat ng mga bagay. Gusto niya, lagi akong may kakumpetisyon at siya iyon. But anyway, kinausap niya ako pagkapasok ko.
"You're so pathetic. Bakit Luxembourg? I don't want you to go to Europe because it's difficult! You cannot live on your own!" inirapan ko lang siya at humiga na sa kama ko. Nagpatuloy lang siya sa pagsasalita niya.
"Siguro, humahanap ka ng lalaking iboboyfriend mo?! Bakit kasi ayaw mo pang umamin samin---" hindi ko na siya pinatapos pa. Basta kapag ang topic ay yung sekswalidad ko, umiinit ulo ko.
"SHUT UP AND GO OUT! I'M STRAIGHT!"
Tinikom niya ang bibig niya at lumabas na ng kwarto ko. One thing I really hate is questioning my sexuality. Hindi naman porket wala na akong girlfriend since birth ay bading na ako kaagad. Hindi naman sa homophobic ako pero may respeto ako sa LGBT people. May mga tao akong kakilala na LGBT at mababait sila. Despite of my stand on this, my parents are both conservative. And speaking of conservative, they want me to marry at my right age. And I think this age of mine, 21? I'm more able to marry a girl I want. But before we go to that, hanap muna ako ng hanapbuhay bago lumandi. Sa panahon ngayon, hindi nakakabusog ang pagmamahal. Bumangon ako at napaisip:
You're wrong, sister. I'm not pathetic to let you stop me to work in Luxembourg. Just wait.