Decree 16

2013 Words
Bumalik ako sa trabaho ko na sobrang lungkot. Naka-half mast ang lahat ng watawat ng Luxembourg. Naibalita na rin kagabi na namatay na si Grand Duke Francis II. Maraming mga tula, mga palabas at ilang mga world leaders at monarchs ang nagbigay ng parangal sa yumaong hari ng Luxembourg. Iyan ang mga nangyari nitong nagdaang araw. Pumasok ako ngayon sa trabaho ng sobrang lungkot. Malungkot rin ang mga staff ng teatro dahil sa pangungulila nila sa dati nilang hari. Marami na kasi ang Luxembourgish sa teatro namin at lahat sila malungkot. Nakasalubong ko si Christina at nagkamustahan naman kami. "Oh my god. What happened? How's the prince?" sabay-sabay na tanong niya. "The king is dead. His funeral service had been served to him and still, today's the coronation day and everyone is still grieving. We will be short in our money. Prince Philip is grieving as well even though today is his coronation. It's very fast," sabi ko sa kanya. "Is it true that Prince Philip will be crowned as Grand Duke today?" tanong niya. "Yes, Philip gave me an invitation through mail." Sabi ko sa kanya. "Wow. That's nice. Why are you sad?" tanong niya sakin. "Uhm. I need to leave work early. Can you please tell it to Leia?" sabi ko sa kanya. "Yes. Since you already gave me a scanned image of the invitation then you're good to go." Sabi niya sakin. "Thank you, Christina." Sabi ko sa kanya. "No problem. Gonna do everything for your happiness." Sabi niya sakin. Pumasok na ko sa room namin at pumayag naman si Leia na maaga kong makauwi basta tulungan ko siyang mag-ayos ng mga papeles at i-orient ang mga bagong hired na mga staffers ng teatro namin. Tinulungan ko siyang mag-ayos ng mga papeles dahil wala kaming records officers na siyang mag-aayos ng mga papeles namin. Pagkatapos nito, pumunta na kami sa meeting room kung saan naroon ang mga bagong hired na empleyado. Bakas ko sa mukha nila ang kaba nila at naalala ko ang unang beses na punta ko rito. Naalala ko rin ditto sina Louis at si Christina. Nalungkot ako ng slight dahil sa mga alaalang 'yon. Binaling ko na lang ang atensyon ko sa mga bago naming empleyado. Karamihan sa kanila ay post-production staffers. Tagaayos ng kung ano-ano. Tagahanap ng mga sponsors and such. Tagaayos ng mga upuan at iba pang anek-anek. Pagkatapos nito, pinayagan na kong umalis ni Leia since tapos nang maorient ang mga empleyado. Umalis na ako at nagcommute. Hindi kami nagusap ni Philip nitong nagdaang araw. Hindi ko alam kung bakit pero malamang nagluluksa pa rin. Ni-message ko siya. To: Philip Augustus Subject: Your Coronation Honeybunch, I hope you're ready for your coronation. I also hope you're ready to see me. Yours, Munchkin Hindi ko na hinintay ang reply niya at binaling ko na lang atensyon ko sa mga nagagandahang mga building dito sa Luxembourg. Nakarating na ko sa simbahan kung saan idaraos ang coronation ceremony ni Philip bilang bagong Grand Duke ng Luxembourg. Buti na lang konti pa lang ang media na narito. Pinapasok na ako kaagad ng guard nang pinakita ko sa kanya ang invitation. Umupo ako sa assigned seat ko na four church chairs ang layo ko mula sa harap. Naroon na rin si Princess Victoria at Grand Duchess mother Catherine na obvious na inaayos ang lahat para sa bagong Grand Duke. Unti-unti nang napupupuno ang simbahan ng mga nobles (dahil may pakemeng flaglet sila) at mga mahahalagang personalidad ng Luxembourg (mukhang mga businessman at artista ang iba). Ini-entertain naman sila ng mag-ina. Dumating din ang iba pang European royals at may bonggang pag-announce pa ng pangalan nila. "Their Majesties, the King and Queen of Sweden!" In fairness, kahit matanda na sila, very regal ang dating nila. Gusto ko sanang picturan kaso mga mayayaman ang katabi ko. Sumunod naman ang hari ng Belgium at Netherlands. Okay naman ako sa hari ng Belgium at medyo bagets pa ang hari ng Netherlands na awkward pumasok. Siguro, may sakit o napilitan. "Her Grace, the Duchess of Kent!" Bongga ang entrance ng isa sa mga tagapagmana ng trono ng Britanya. Very maganda at siya na ang babaeng pinagpala sa lahat dahil sa kanyang gorgeousness at yun na nga, kagandahan. At ang the meilleur du meilleur, si Philip na ang pumasok. Tinginan kaming lahat sa kanya. Pumasok siya na may mabigat na dark red mantle na nakasuot sa kanya na parang kapa (cape). May golden laurel leaves siya sa ulo niya. Under ng dark red mantle ay ang military uniform niya na mas marami ang nakalagay na pins na isang senyales na isa na siyang commander-in-chief ng Luxembourgish Army. Habang pumapasok siya, kumakanta kami ng Te Deum. Buti na lang may kopya ako na kasama na sa invitation kaya nakakasabay ako at may kasama pa itong program proper. Pumasok naman mula sa altar ang Archbishop ng Luxembourg City na hawak ang korona, sceptre at orb. Nasa gitna ang trono at isng dipa lang ang layo ni Philip doon. Tinanggal ng Archbishop ng Luxembourg City ang laurel leaves sa ulo niya. Lumapit ang Deputy Prime Minister ng Luxembourg as a representative of Chamber of Deputies para basahin ni Philip ang oath-taking niya since constitutional monarchy naman ang Luxembourg. "I swear to observe the Constitution and the laws of the Grand Duchy of Luxembourg, to maintain the national independence and integrity of the territory, as well as public and individual freedoms." After nito, dinasalan at binasbasan ng Arsobispo si Philip na nawa'y humaba ang kanyang paghahari sa Luxembourg. Unti-unting umusbong ang apat na salitang nagbago sa mundo naming dalawa ni Philip. "Vivat Philip Magnus Dux" Lumuhod si Philip sa Arsobispo at nilagay na ng Arsobispo ang orb sa kaliwang kamay ni Philip at ang sceptre sa kanan niyang kamay. Matapos nito ay kinoronahan na si Philip bilang Grand Duke ng Luxembourg. Tumayo siya at ginabayan siya ng ilang mga servants papunta sa trono at doon siya naupo. Doon na naming sinabi ang apat na salitang nagkikilala kay Philip bilang Grand Duke ng Luxembourg. "Vivat Philip Magnus Dux!" Paulit-ulit na iyan ang sinasabi ng mga tao at siya'y pinalakpakan. Tumugtog ang royal anthem ng House of Majerus at sumunod ang national anthem ng Luxembourg. Tumayo siya at patuloy na tumingin sa mga taong handang sumunod sa kanya. May hinahanap siya hanggang sa makita niya ko at ngumiti siya. Ngumiti din ako sa kanya. Proud ako para sa kanya. Hindi na siya si Philip, Prince Royal of Luxembourg kundi siya na si Philip, Grand Duke of Luxembourg. After ng coronation rites ni Philip, pumunta kami sa Royal Palace para doon ganapin ang salo-salo at selebrasyon ng pagiging bagong Grand Duke ni Philip. Maraming pagkain ang nakahapag at talaga namang enjoy naming ang lahat. Medyo out of place nga ako rito dahil na rin sa puro mga nobles, royals at kilalang personalidad ng Luxembourg ang nandito. After ng salo-salo, tumugtog na ng kanta ang mga musicians sa loob ng palasyo at nagsayawan ang mga bisita. Naudlot naman ang pagtugtog dahil dumating na si Philip at binati siya ng mga tao. "Go on. Continue with the celebration!" sabi ni Philip sa kanila. Natawa ang mga delegado at bumalik ulit ang kasiyahan. Wala na ang korona at iba pang mga gamit na hawak niya kanina sa coronation rites. Tanging military uniform na lang ang suot niya. Ang mga foreign ambassadors and official ng Luxembourg ay binabati si Philip. Kinakamayan, nagba-bow at kung ano-ano pang gimik ng mga opisyal. After nito, unti-unting tumahimik ang crowd nang lumapit si Philip sa microphone at nagsimulang magsalita. "A pleasant evening to all of you..." bati niya. Bumati rin ang mga tao sa kanya. Pinasalamatan ni Philip ang lahat ng mga taong umalalay at nagbigay ng effort para tulungan ang tatay niya sa huling sandal niya. Nagbigay pa siya ng 1-minute silence para gunitain ang alaala ng yumaong tatay niya. After nito, nagsalita ulit siya para pasalamatan ang mga taong nasa paligid niya para alalayan siya at tulungan siyang pamunuan ang Luxembourg. People-centered ang magiging tema ng pagiging Grand Duke niya. After ng speech niya. Umupo muna siya at uminom ng konting serbesa. Nagpatuloy ulit ang kasiyahan. Tumingin siya sa mga tao at nakita niya ko na nakaupo at tinititigan siya. Napangiti siya at tumayo siya. May binulungan siya na isang guard at lumapit sa akin ang guard na 'yon at umalis si Philip. "You're Derrick?" tanong niya. Tumango ako. "You are being summoned by His Majesty." Tumayo na ko at sumunod na ako sa guard ni Philip. Nasa labas na kami ng palasyo at pinapasok niya ako sa may backseat ng limousine at nando'n siya. Nakangiti pa rin. "Your Grace?" alangan kong bati sa kanya. Natawa siya. "You're still fond of respecting me, munchkin." Umakbay siya sakin at hinalikan niya ako sa ulo. "My goodness. Are you not aware that there are media who can—" sabi ko sa kanya pero pinutol niya agad ang sasabihin ko. "Not anymore. This limousine's tinted. I received your message, munchkin. And I'm readier to see you." Sabi niya at hinalikan niya ko. Binalik ko rin ang halik niya sakin. Naghalikan kami at huminto siya "I hope we stay like this, munchkin." "You need to be careful, honeybunch," sabi ko sa kanya. "I know," at binigyan niya ko ng isang halik at hinawakan niya kamay ko. Nilagay ko ang ulo ko sa balikat niya. Naalala ko ang napag-usapan namin ng mga friends ko. "Honeybunch." "What?" tanong niya. "I just remembered what you told me about that night...in your residence after we shared our...first..." hindi ko na maituloy kasi namumula na ko sa kahihiyan. "Love? Yeah. About abdication, munchkin?" tanong niya. "Yes." Sagot ko. Napahinga siya ng malalim at sumagot siya sakin. "It's my father's last will to me before he...died. He told to me that I'm ready to succeed him. He praised me for what I've done for the past months and he asks for my forgiveness for what he did to me in my early years." Sabi niya sakin. Huminga ulit siya ng malalim at nagsalita ulit. "That's why I told you that I'm sorry the day...my father died because I broke my promise to you to fulfil my father's will." Umayos ako ng upo at tumingin sa kanya. Ang gwapo niya pa ring tingnan kahit sa anong anggulo. Naiintindihan ko na kung bakit niya ginawa 'yon. He needed to serve his country before him. Sana ganyan lahat ng politico. "What did my father tell you?" pambasag ng katahimikang tanong ni Philip sakin. Napaisip ako. Sasabihin ko ba sa kanya na gagabayan ko siya at tutulungan ko siyang makahanap ng babaeng mapapangasawa niya? Kahit kami na at magkarelasyon na kami? Bahala na. "Your father told me that I should guide you and help you in your reign." Sabi ko sa kanya. "Really? My father told to you that you should guide me in my reign? I would love to name you as my Lord Chancellor or my private secretary but you're not a Luxembourgish yet." Sabi niya. "It's okay though. Maybe our email helps?" tanong ko sa kanya. Natawa naman siya. "Well, let's continue emailing each other..." sabi niya at hinalikan niya ko ulit. Nakita niya ang singsing na binigay niya sakin at natuwa siya ulit. "Wow. This ring suits you well." "I'm glad that I have this and apologies if I don't..." sabi ko sa kanya kaso pinutol na naman niya. "No, it's okay. All I wanted is your love." At hinalikan na naman nya ako ulit. Habang hinahalikan niya ko, napaisip ako. Paano na ang balak naming magpakasal? Paano na kung ganito ang sitwasyon na importante na ang gagampanan ni Philip? Paano na ang time namin? Natapos na ang halikan naming dalawa nang may kumatok sa limousine. "I think our time's over, munchkin." Ngising asar niya sakin. "Wanted to spend time with you more but..." "It's understandable, honeybunch" Ako naman ang nagputol sa kanya. "It's nice to see you." Umalis na ko sa limousine niya at bumalik na sa Royal Palace at nagpakasaya sa buhay hangga't may oras pa. Inabot na ko ng gabi at gabi na rin ako nakauwi sa inuupahan ko. Masaya ako ngayon kahit papano. Masaya ako para kay Philip dahil na-realize na niya ang worth niya as a Grand Duke pero... may mga nangungusap sa puso't isipan ko na dapat akong malungkot kasi mawawalay na siya sakin. I just shook my head and let my mind drift off to sleep.     
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD