Chapter 5

2788 Words
RAVEN BLAISE ROSS __ I woke up feeling some wet kisses on my face and neck. Unti-unti akong nagmulat ng mga mata. I saw the most handsome man alive on the planet Earth. Bumiling ako paharap sa kaniya. "Morning..." He gave me a peck before showering me with kisses again. I extended my arms. "Hug..." Bumaba ito para yakapin ako. He smelled so damn good like a sparkling clean ocean. Binuhat niya ako. Pinalupot ko ang braso ko sa batok niya at ang mga hita ko sa balakang niya. "Oh... I'm still naked." Pinagapang nito ang mga palad sa likuran ko. I smirked and reached for his lips. Sanay na siyang tikman ang laway ko sa umaga. It was getting deeper pero nakarinig kami ng katok sa pinto. "Boss, may tawag ho kayo sa telepono." "Can I slap him?" I asked. "Hihintayin kita sa labas. Let's have our breakfast." Umiling ako. "I don't wanna get off." Tumingin lang ito sandali sa mga mata ko bago nagtungo sa closet para kuhanin ang robe ko. I wore it before I again wrapped my arms around his nape like a monkey. Lumabas kami ng silid. "Get out," utos niya sa mga tauhan niya na nakabantay sa loob ng bahay. Mabilis humakbang palabas ang mga ito. He grabbed the remote and pressed it. Automatic na sumara ang mga kurtina sa glass wall. Tinutok niya ang telepono sa tainga niya habang nakapalupot pa rin ang isang braso niya sa baywang ko. Umangat ang sulok ng labi ko. "The transaction tonight will proceed," narinig kong sambit niya. "This is our first transaction with him. Make sure everything is ready." Pinagmasdan ko ang mukha niya habang pinapakinggan ang sinasabi ng kausap sa kabilang linya. Hindi ko napigilang haplusin ang makinis niyang pisngi. His mustaches were growing and I loved them. They were giving me tickles. Binaling niya ang atensyon sa akin at mas lalong hindi ko napigilang abutin ang mga labing iyon. Ah... I guess those lips were softer than mine. Gumanti rin ito ng halik pero pinutol rin para sagutin ang kausap. "We'll come back home tonight after the transaction. I have an appointment." Binaba niya rin ang tawag at muling binigay sa akin ang buong atensyon niya. "Uuwi na tayo?" I excitedly asked. "Hmm-mm, after our transaction." Nakakandong pa rin ako sa kaniya sa almusal at nakapasok ang mga kamay ko sa matitigas niyang pandesal. Marahan kong hinaplos ang mga iyon. Ramdam ko naman ang isang kamay niya sa hita ko na kanina niya pa pinipisil. Inabot ko ang chocolate pudding. Akmang isusubo ang kutsara pero sinadya kong itapon ang laman sa dibdib ko. "Oop..." I whispered naughtily. Sinundan niya iyon ng tingin. Bahagya niya akong tinulak sa mesa. Tumunog ang mga pinggan na tinamaan sa likod ko and in just a snap... napasinghap ako sa bibig nito na dumapo sa gitnang dibdib ko para kainin ang nahulog na pudding. I then held his hair tight as he swallowed the other dessert on the top of my cupcake. He devoured them both. Hindi ko alam kung bakit ibang-ibig ang bibig na iyon at ang mga kamay niya. Other men could give me pleasure, but not the same as the pleasure he could give me. I was like a newly bloomed flower after I was properly watered. I was also stoked dahil inaya niya akong lumabas. Malayo ang ibang resto, but I guess it was worth it. Maraming souvenir shops at iba't-iba rin ang pagkain. Tinutok ko ang camera ng cellphone ko sa kaniya. Nalukot din ang mukha ko nang ma-realize kong naka-tuxedo pa rin siya. "We're in an island. Kaya pala kanina pa tayo pinagtitinginan ng mga tao rito." Nanatili itong nakatayo sa puwesto niya at nakapasok lang ang isang kamay sa bulsa. Kahit kailan ay wala siyang kuwentang kausap. Pati ang mga kasama niyang tauhan na nakabuntot sa amin ay naka-formal attire. Naka-necktie pa ang mga tanga. "Maganda ang view doon. Take a photo of me." Hinila ko ang kamay niya malapit sa view ng dagat. Binigay ko sa kaniya ang cellphone ko and asked him to take a photo of me. I posed, smiled, raised my hands in the air pero iisa pa rin ang puwesto niya at reaksyon niya. "Nakuhanan mo ba?" "I think so." "I think so?" iritang tanong ko. "Gosh, you have to tap the screen and please, count." Muli akong gumawa ng pose. I was still irritated, but hearing him literally count made me smile. Para siyang robot na nagbibilang, but he was adorable. Tiningnan ko ang mga kuha niya at bumalik din ang inis ko. Kahit kailan sa kama lang talaga siya magaling. We were holding each other's hand habang nag-iikot kami sa paligid. Nararamdaman ko pa rin ang mga matang nakasunod ng tingin sa amin. "Hubby, I want that hat." Tinuro ko ang kulay puting sun hat. Inabot niya iyon at binigay sa akin. Nilagay ko agad iyon sa ulo ko at ngumiti sa kaniya. Umalis din kami agad sa stall. Sinigawan kami ng tindera na akala ay tatakbuhan namin pero tumigil rin ito, siguro ay nang malapitan na ng tauhan na siyang may hawak ng briefcase. Marami akong tinuro na nagustuhan ko at binili niya lahat para sa akin. Napadaan din kami sa isang malaking tindahan doon. Tumingin ako ng mga dress at kinuha ko lahat ng gusto ko. Inabot ko iyon sa tauhan na nakabuntot sa akin. Dinaanan ko ang mga shorts at buttons. I playfully smirked bago ako tumingin sa direksyon ni Zacarias. Nasa labas ito at may kausap sa cellphone niya. Pumili ako ng kulay puting buttons at bulaklakang shorts. I chose the black one para hindi niya masyadong tanggihan. Inabot ko iyon sa kaniya nang matapos siya sa kausap. "Wear them." Tiningnan nito ang inabot ko. "I'm fine." "No, wear them," I said with authority. Humugot ito ng malalim na hininga at tiningnan pa ang isang nakataas na kilay ko bago pumasok sa fitting room. Nagtingin pa ako ng ibang damit roon habang hinihintay siyang matapos. Tumigil ako sa paghaplos sa tela nang makita ko ito sa gilid ng mata ko. I shifted my full attention to him. Fit sa kaniya ang buttons na nakabukas ang ilang butones sa gawing dibdib at saktong-sakto ang floral na shorts. I chuckled nang bumaba ang tingin ko sa leather shoes niya. "Well, you need slippers to match that beach outfit." Bago ko siya hanapan ng tsinelas sa loob, lumapit ako sa kaniya at inabot ang ulunan niya. "You're so handsome... hubby. You're Belinda's property, naiintindihan mo?" "I don't like these shorts." Umangat ang sulok ng labi ko. "But you love the person who makes you wear it. Bear." I gave his lips a peck. Ako rin ang pumili ng tsinelas na kasya sa paa niya. His feet looked so clean too. "Bumalik ka sa fitting room," I ordered. "I'll get you new shorts." Kinuha ng tauhan ang nahubad niyang sapatos. Wala akong bitbit na bagong shorts nang sundan ko siya sa fitting room. I locked the door. "Where is it?" he asked. I playfully looked at him. "Gusto ko sanang isukat mo... kung kasya ka sa akin." With that, he made me kiss the wall. Kasya nga siya... kasyang-kasya. Nakatingin sa amin ang bantay ng tindahan nang makalabas kami. Well, we could just pay extra. Maghapon kaming magkasama sa labas. Tila pagod na pagod na rin ang mga tauhan niya na nakasunod sa amin. Masama na rin ang mukha ni Zacarias dahil ayaw na ayaw niya nang kinukuhanan siya ng litrato, but I kept asking him to smile at tumingin sa camera ko. Nag-inarte akong masakit ang paa ko bago kami bumalik sa yacht. Gusto ko lang talagang magpabuhat pero pagdating sa yate ay bumaba pa ito sa paanan ko at hinilot nag mga paa ko. That was not a mafia boss' work, but a hubby's duty. Sa tuwing ganoon siya, kahit papaano ay nababawasan ang inis ko sa mga pangbababae niya. He never treated them the way he treated him. Still, not totally gone. He was still an asshole. I leaned down to him. Pinulupot ko ang braso ko sa batok niya. "Come here, you have a free kiss." Inangat niya ang ulo para i-claim ang freebie niya. "Ganiyan dapat, hmm? Para hindi masyadong umiinit ang ulo ko sa'yo." Lumubog na ang araw nang makabalik kami sa rest house. He had dinner with me before he prepared for his transaction. Nakita ko na naman ang naghahabaang mga baril ng tauhan niya. Inayos ko ang suot niyang coat. "Hindi mo ba talaga ako isasama? Iiwan mo na namana kong mag-isa?" "Mabilis lang 'yon. You're with your bodyguards here." "I don't like them." Humugot ito ng malalim na hininga at hindi na ako nakausap pa dahil may tumawag na naman sa cellphone niya. He just kissed me when he left. Hindi ako papayag na maiwan ako roon kaya humanap ako ng paraan para makasunod sa kaniya. Pinapasok ko ang mga tauhan niya sa loob ng bahay at panainom ko nang pinainom ang mga ito hanggang sa hindi na sila nakakabangon. Nakipaghilahan sa akin ng susi ang bantay sa mga sasakyang dagat, but eventually, wala rin siyang nagawa. Sinundan ko ang tracker na matagal ko nang nailagay sa cellphone ni Zacarias. Dinala ako niyon sa seashore kung saan malayo pa lang pero natanawan ko na ang naglalakihang containers. Alam kong maraming bantay roon kaya sinadya kong huminto sa pinaka-madilim na parte. Alam ko ring nandoon sila dahil nakita ko ang yate. Sumilip muna ako para tingnan ang puwesto ng mga bantay. I really didn't have to be there. I was just bored. Nakaakyat na ako at nakatago sa likod ng container pero napahinto rin ako agad nang makarinig ako ng pagkasa ng baril sa likuran ko. "Anong ginagawa mo rito, miss?" Marahan kong inangat ang magkabilang kamay ko sa ere at dahan-dahan ding bumaling sa kaniya. "I... I was... lost." I showed him my most nakakaawang face before I snatched the gun from him at tumama agad ang siko ko sa leeg niya. Mahimbing siyang nakatulog. Iniwasan kong dumaan sa mga bantay. Hinanap ko agad si Zacarias. Sumilip ako habang nakakubli sa gilid ng isang container. Nakita kong nagbibilang na ng pera ang mga tauhan niya pero naabala ang mga ito nang tila may bagong grupo na dumating. Nawala agad sa paningin ko si Zacarias dahil natabingan siya ng mga tauhan na mabilis humugot ng mga baril. Hindi ko alam kung anong nangyayari kaya naghanap ako ng paraan para makalapit pa. "Calm down... parehas ko kayong inimbitahan at parehas ko kayong babayaran nang ayon sa napag-usapan. I just wanted to try two different services." "You should have informed us ahead, Don Felipe," narinig kong tinig ni Adan, the underboss. "Hindi ko inaasahang magtatagpo kayo. Besides, you're late. I don't think it's my fault." Sinusubukan ko pang silipin kung anong nangyayari pero halos mapatalon ako nang may taong humablot sa braso ko. "Sabi ko na nga ba, may nakapasok." Tatlo ang mga itong humawak sa akin. Nagpumiglas ako para bitiwan nila pero hindi na ako nanlaban pa. Literal na hinila nila ako papunta sa direksyon ng mga ito. "Boss, may nakapasok na spy." Nagpupumiglas pa rin ako nang makasalubong ko ang mga mata ni Zacarias. Wala akong nakitang kahit anong emosyon sa mga mata nito ngunit nakita kong bumaba ang tingin niya sa braso kong hawak ng mga tauhan ni Don Felipe– perhaps, the old man there na tinatawag nilang boss. "Let go of her. She's not a spy, she's my wife." Mabilis din akong binitiwan ng mga ito. "P-peseneya na ho... Atlas... akala namin ay spy. Inatake niya ang tauhan namin." "Because he pointed me a gun!" I immediately defended. Lumapit agad ako kay Zacarias at yumakap sa baywang nito at nag-inarte. "They hurt me, hubby." I wanted to see those ugly men get punished pero natigilan ako nang makita ko ang pamilyar na tao sa harapan ko. Halos manigas ako at lumuwa ang nga mata ko nang makita ko ito. Fuck... it was Fox. Nanuyot agad ang lalamunan ko habang nakatingin ito sa akin nang walang emosyon sa mga mata. Nakatutok pa rin sa kaniya ang baril ng mga tauhan ni Zacarias at ganoon din ang mga kasamahan niya sa direksyon namin. "Y-you're a Mafia too?" Hindi ito sumagot pero inangat niya ang kamay sa ere na tila signal sa mga tauhan niya na magbaba ng baril. Muli akong napalunok nang tutukan naman ng baril ni Adan si Don Felipe. Nagtutok din ang mga tauhan niya pero sumenyas din siya kaya nagbaba rin ang mga ito. "Listen, we are here to personally meet you as a respect for our first transaction, and that should be something special pero bastos kang matanda ka." "Accept my apologies, Atlas." "Unang transaction pa lang 'to, traydor ka na," muling nagngangalit na saad ni Adan. "Sa susunod, pagkakuha ng pera at nagdala ka ng isa pang traydor, walang matitira sa mga tauhan mo at lulutang na sa ilog ang bangkay mo. Luhod." Hindi ito kumilos at walang nagsalita sa ilang sandali kaya halos mapatalon ako sa gulat nang malakas na sumigaw si Adan. "LUHOD!" Nagtangis ang bagang ng matanda ngunit lumuhod din sa harap ni Zacarias. Muli akong napalunok. Mukhang bigating tao rin naman ito, but it started to sink in my head that my husband was a mafia lord. Kaya pala halos mataranta ang mga tauhan niya noong unang beses na umupo siya sa harapan ko para itali ang lace ng sandals ko. Muli akong napalunok. Tapos... sinasampal-sampal ko lang siya at sinusukahan kapag lasing ako. He didn't say anything. Tinalikutan niya ito. Kumapit agad ako sa braso niya. Bumaling pa ako sa direksyon ni Fox. Nakatingin pa rin ito sa akin. Gosh... he was a mafia too. I should have known. Alam niya bang nagsinungaling ako? Ako naman ang pinagbuntunan ng galit ni Adan nang nakasakay kami sa yacht. "Panggulo ka talaga eh, 'no?" "Epal ka talaga eh, 'no?" ganti ko. "As far as I can remember, wala akong nagulong transaction." "You are not permitted to come. Anong hindi mo naiintindihan do'n? Palibha puro ka bunganga, wala kang utak." I chuckled in disbelief. "Anong sinabi mo?" Hinablot ko ang baril ng tauhan at tinutok ko sa kaniya. Umismid siya. "Sige, iputok mo para pulutin ka sa kangkungan." "Ipuputok ko talaga!" Naikasa ko na ang baril at totoong hindi ako magdadalawang isip dahil pikon na pikon ako sa pagmumukha niya. "Stop it," malamig na utos ni Zacarias. "He insulted me!" "I didn't. I'm just telling the tru–" "I said stop it," muling malamig na sambit ni Zacarias na totoong nagpatigil na sa aming dalawa dahil lumalabas na ang ugat niya sa leeg. Tumahimik kaming lahat hanggang sa makabalik kami ng rest house. Sumunod sa amin si Adan pero tinaas ni Zacarias ang kamay niya sa ere. Tumingin pa ito nang matalim sa akin bago tuluyang lumabas. Zacarias gave me his full attention. Hindi ko alam kung bakit parang may mabigat na bagay sa dibdib ko habang matalim itong nakatingin sa akin. "Nag-usap na tayo, hindi ba?" "I just–" "Bakit ang tigas ng ulo mo?" I knew he was mad– the higher level of mad. Kabisado ko na ang level ng galit niya at alam ko if I needed to take him seriously. Alam ko rin kung kailan ko siya dapat daanin sa iyak kaya pinatulo ko na lang ang luha ko. He hated seeing me cry, so it was the best way to manipulate him. "Wala namang nangyaring masama, bakit ka nagagalit sa akin?" "Stop that," muling malamig na utos nito at nakita ko pang gumalaw ang bagang niya. "You wanted an alone time with me para lang pagalitan ako? Bakit hindi 'yung lalaking 'yon ang kausapin mo? He's always insulting me." "Hindi tayo uuwi ngayong gabi." "I will only accept that punishment if you will also punish him." "You don't have a choice, accept it or not." "Gano'n?" I glared at him at hinawi ang luha ko. "Puwes, hindi na ako uuwi sa mansion mo at dito na lang ako titira! Isama mo pauwi 'yung lalaking 'yon at kayo na ang magsama habang-buhay, in sickness and in health. Lagi mo naman siyang kinakampihan, hindi ba? Magsama kayong dalawa!" Akmang lalagpasan ko siya pero kinuha niya ang braso ko. Binawi ko rin iyon agad at muli siyang tinapunan ng matalim na tingin. "Huwag mo akong kakausapin!" Ni-lock ang pinto pati na rin ang glass door sa gilid. Pabagsak akong dumapa sa kama and found myself growling while hitting the pillow in so much frustration. "I hate you, Zacarias!" malakas na sigaw ko, making sure he'd hear me. "I will divorce you tomorrow!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD