Chapter 4

3099 Words
RAVEN BLAISE ROSS __ Sumilip ako sa glass wall ng silid kung saan may ka-meeting na naman itong mga lalaking naka-tuxedo. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila pero may kandong na mga babae ang mga kasama niya at may isang nakaupo sa tabi niya. Humahaplos ito sa dibdib niya at kulang na lang magkapalit sila ng katawan sa pagkakasiksik nito. Mabilis akong kumubli mula sa pagkakasilip nang mapansin kong patingin na siya sa direksyon ko. Mabigat ang mga hakbang na bumalik ako sa living room at pabagsak na naupo sa couch. Of course, he would let any woman touch him. He was a womanizer. Kahit kailan hindi siya nakuntento sa isa. Even after we got married, hindi niya binitiwan ang mga babae niya. Ginawa niya lang akong leader ng mga ito, which I hated. That was so cheap. Gusto kong magmaktol, but after all, there were some advantages in it. Katulad na lang nang malaya akong nakakakilos at hindi ko siya kailangang makita sa maya't-maya. Ayoko nang hintayin pang matapos ang meeting nito. Lumabas ako ng rest house. Nandoon pa rin kami sa private resort niya na walang ibang tao kung hindi kami at ang mga guwardiya niya. I looked at one of his securities. Mabilis itong yumuko na tila gustong iiwas ang tingin sa akin. Maybe he was ashamed about what happened last night. Hindi ko na iyon gustong ulitin. He was stupid. Sumunod sa akin ang mga ito palapit sa dagat. Nilahad ko ang kamay ko. "Give me the speedboat's key." Tumingin lang sa akin ang bantay ng mga iyon. Tila nagdalawang isip pa. Tinaasan ko siya ng isang kilay at at ginalaw ang kamay kong nakalahad. "Don't make me wait." Lumunok ito at mabilis na kinapa ang bulsa niya. Hindi niya na naiabot dahil hinablot ko na iyon sa kaniya at tiningnan ang number sa susi na binigay niya. "Walang susunod," utos ko sa mga security na nakabuntot pa rin sa akin bago ako sumakay sa speedboat. Binaling ko ang tingin sa kanila. "Ang sumunod, lulunurin ko." Nakalayo na ako at mukhang wala ni isa sa mga ito ang nagtangka. They knew I was serious. Zacarias wouldn't even bother to save their asses. Nilipad ang buhok ko ng hangin. Nakatayo kong pinatakbo ang speedboat habang pinagmamasdan ang paligid. Mabuti na lang at maganda roon. Malinis ang kulay asul na dagat. May malalagong puno sa paligid at may nagtataasang rock formations sa 'di kalayuan. Hindi ko alam kung ilang araw niya planong manatili roon. Mas mabuti pa kung makipagpatayan na lang siya sa mga kalaban niya sa negosyo para wala na akong problema. Palubog pa lang ang araw. Ginusto kong lumayo pa habang maganda pa ang sinag. Nakatanaw ako ng isang maliit na isla. Hininto ko na muna room ang speedboat. I just wanted to take a photo of myself. Gusto kong balikan iyon kapag natapos ko na ang misyon. Isa pa, sayang naman ang ganda ng pulubog na araw at ang ganda ko kung hindi makukuhanan. I was enjoying my quiet and alone time with myself nang mapansin ko ang jet ski sa kalayuan. Tila ba wala naman talaga itong direksyon at gusto lang magpatakbo. Habang mas lumalapit sa direksyon ko, mas lalo kong napapansing... mukhang anak ito ng diyos. Hindi ko puwedeng pakawalan. Inangat ko ang kamay ko sa ere para kawayan siya. Tila nakita niya naman agad ako at mas lalong lumapit. Nagtatalon na sa tuwa ang dibdib ko nang mapansin ko ang magandang katawan nito. He was wearing a white t-shirt and a black shorts. His shirt was fitted on him. Nakikita ko ang malaking hubog ng katawan niya. Nanuyot agad ang lalamunan ko habang humahakbang siya palapit sa akin. Pakiramdam ko ay nangingislap ang mga mata ko dahil hindi lang ito guwapo... napaka was the right superlative. "Are you lost? May sira ba ang speedboat?" Pinigilan kong kagatin ang ibabang labi ko sa laki ng boses nito. Gosh, I guess eveything about him was so damn hot. "Ah... no. I just actually wanted to ask if... I could ride you– I mean your speedboat." "Oh, use it." Hindi ko magawang tanggalin ang tingin ko sa kulay tsokolateng mga mata nito. "Can you drive it, then... I'll ride behind you?" "May gusto ka bang puntahan?" "I'm new here. I wanna see some of the beautiful scenery around here." "No worries." Napangiti ako agad sa simpleng sagot nito at mabilis akong sumunod sa kaniya sa jet ski niya. Napahawak ako damit niya nang paandarin niya na iyon. Of course, hindi ako papayag na hindi ako ako makayakap at hindi ko siya maamoy. He smelled... like heaven. Tumitirik na agad ang mga mata ko. Lalong humigpit ang pagkakayapos ko sa kaniya nang mas bilisan niya rin ang pagpapatakbo. I giggled. "You're a good driver. I like you– I mean, I like it." And he was so hard. Ramdam ko ang ilang pakete ng pandesal sa tiyan niya. Kung noong isang araw ko pa siya nakita, baka hindi na ako nagreklamong dinala ako ni Zacarias sa isla niya. "Can I drive it?" "If you can." Tila hindi niya inaasahan na plano kong lumipat sa harapan niya nang hindi niya kinakailangang huminto. "I'm flexible," I whispered nang makaupo ako sa harapan niya. His chuckles gave me goosebumps. Why did he have to be so perfect? He was tickling every inch of me. He let me drive it. I could feel him maintaining his space at my back. "Mas magaling kang magpatakbo," he said. "This isn't the best yet. Call me if you want to see more," mapanuksong sambit ko. I drove it for a couple of minutes. "Do you want to drive it again?" He leaned closer to me para abutin ang handlebar. Naramdaman kong dumikit ang palad niya sa kamay ko at dumikit din ang katawan niya sa likuran ko. Kusang umangat ang sulok ng labi ko. I liked it. We were almost cheek to cheek habang mas lalong bumababa ang araw. We were hearing the waves and each other's chuckles. Malayo pa ang naikot naming dalawa bago siya huminto sa isang isla kung saan my nakikita akong isang modern rest house. Halos gawa iyon sa salamin at kitang-kita ko ang mga gamit sa loob. I was getting more excited that he invited me to come in. Akala ko ay aayain niya na ako sa silid niya pero pinaupo niya ako sa counter stool sa kusina. Bumalik siya na may bitbit na tuwalya. "Basa ka." Kanina pa... I answered in my head. Inabot ko iyon at sinampay ko sa kandungan ko. Nabasa lang naman ang laylayan ng suot kong maxi dress na bulaklakan. "What do you like for dinner?" "Ikaw." Napatitig ito sa mga mata ko. I absent-mindedly gulped because I thought he didn't get it. "Ihaw... maybe you have something to grill there." "I have salmon and tuna to grill here. Do you eat shrimp? I can make soup." "Don't worry... hindi ako mapili sa pagkain basta malinis." Kumuha siya ng baso at tumayo sa harapan ko sa counter. Pinagsalin niya ako ng wine. "While you're waiting." I was a little bit disappointed. Did he invite me to his rest house para lang mag-dinner? Gosh, I wanted a different kind of dinner. Ibang salmon ang gusto ko. Sinundan ko siya ng tingin habang gumagalaw siya sa kusina. Kulang na lang ay tumulo ang laway ko habang nanunuod kung paano siya maghiwa ng mga kailangan niya sa pagluluto. Hindi ko mapigilang tingnan ang ugat sa mga kamay niya paangat sa malapad niyang dibdib. Bakit ba parati na lang akong binibigyan ng sungay at buntot ng tukso? Umangat pa ang tingin ko sa seryosong mukha nito. Tuluyan na akong napakagat sa ibabang labi ko. Ang kakapal ng mga kilay niya, ang haba ng ilong... at kasing pula ng mga kamatis na hinihiwa niya ang mga labi niya. God... nag-iinit nag buong katawan ko. Nataranta akong tumingin sa ibang direksyon nang bumaling ito sa akin. "Where are you staying?" Muli akong bumaling sa kaniya, acting like it was the first time I ever looked at him. "Diyan lang, I forgot the island's name." "Do you know Atlas Zacarias?" Napahinto ako sa ilang sandali, bukod sa hindi ko inaasahang kilala niya ito, nag-iinit pa rin ang ulo sa tuwing maririnig ang pangalan ng lalaking iyon. "No," I lied with a cold tone. "Wala akong kilalang Zacarias. Why are you asking?" "Nothing. He owns most of the other islands here." Hindi ko na kilala ang buwisit na lalaking 'yon. I got it kung bakit kilala siya nito. "Dito ka ba nakatira?" pag-iiba ko sa usapan. Nagpatuloy ito sa paghihiwa. "No. This is just my rest house. I only visit this place whenever I need to unwind." "What do you do?" Lumipat ito sa grills na tila walang planong sagutin ang tanong ko. I didn't mind. I just thought maybe he was a private type of person. "Anyway... ano nga palang pangalan mo?" "Fox," he answered while putting the salmon and tuna on the grills. "f**k?" Bumaling ito sa akin na bahagyang nakaarko ang dulo ng labi. "F-O-X. How about you? What's your name?" "Just call me Bel." "Beautiful. I like your hair." Pakiramdam ko ay namula ang mga pisngi ko. Parati ko nang nakukuha ang compliment na iyon pero ang galing sa mga hunk ang tatanggalin ko at hindi sa mga mukhang manyakis na nabigyan ng parole. "Thanks. I like you, too." Mas lalong umangat ang sulok ng labi nito bago muling bumaling sa grills. Halos maubos ko na ang wine habang pinapanuod siya. He was fun to watch, anyway. Mukhang seryoso siya kaya kahit marami akong tanong ay kinimkim ko na lang. I felt more attracted to him nang maamoy ko na ang mga niluluto niya. I absentmindedly asked kung may girlfriend siya and he said none. I secretly smiled. Kung may girlfriend man siya, I wouldn't mind. Lahat ng bahay sa mundo, naagaw. Hinain niya ang mga pagkaing niluto niya sa mesa. We had dinner together while asking not so personal things about each other. Sa tingin ko ay marami siyang hindi gustong sabihin sa akin, and I was just letting him. I didn't want to ruin that night. Pakiramdam ko ay totoong gustong tumirik ng mga mata ko sa sarap ng luto niya. Kanina ko pa siya tinitingnan at wala pa akong maipintas sa kaniya. Nilabas ko ang cellphone mula sa dibdib ko nang tumunog iyon. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag. It was the head of my bodyguards. Pinatay ko ang tawag at binagsak ang cellphone sa ibabaw ng mesa. Kumuha pa ako ng grilled salmon sa gitna. Hindi ko pa naisusubo pero tumunog na naman ang cellphone ko. Pinatay ko ulit ang tawag ang turned my phone to silent mode. But after a while, nag-vibrate naman iyon. Nang silipin ko, si Zacarias na ang tumatawag. "Hindi mo ba sasagutin?" I again ended the call para manginig na naman siya sa sama ng loob. "It's not important. Puwede mo ba akong ihatid mamaya sa isla kung saan ako sumakay sa jet ski mo?" "Madilim na, gusto mong ihatid kita kung saan ka tumutuloy?" Mabilis akong umiling. Siguradong naghihintay si Zacarias sa sa pangpang at magwawala siya kapag nakitang may kasama akong ibang lalaki na mas guwapo sa kaniya. "It's okay. Sanay ako sa madilim," I said playfully. Gusto ko pa sanang magtanong ng maraming bagay pero nagmadali na rin ako nang hindi masyadong halata. Alam kong ipapahanap ako ni Zacarias. Yumakap ako nang mahigpit sa kaniya dahil may kalakasan na ang alon at mas malamig na ang simoy ng hangin. Nanginginig na ang katawan ko. Inalalayan niya akong sumakay sa speedboat. Mabilis kong binigkas ang cellphone number ko, just in case he wanted to call me. "Thank you. I enjoyed the ride and the dinner. Until next time." Inulit ko pa ulit ang numero ko bago ako tuluyang makalayo. I gasped. I expected too much. 'Di bale, malakas ang pakiramdam ko na magkikita ulit kaming dalawa. Malayo pa ako pero ang dami nang flashlight na nakatutok sa akin na para bang takas ako sa preso na kanina pa nila hinahanap. They escorted me hanggang sa makarating kami sa isla. As I expected, Zacarias was waiting for me at hindi maganda ang tabas ng mukha nito. "Saan ka naman galing?" malamig na tanong niya. Nagpanggap akong hindi siya naririnig. Akmang lalagpasan ko siya pero kinuha niya ang braso ko. Marahas ko rin iyong binawi sa kaniya at matalim siyang tinapunan ng tingin. "Bakit ba? I just wanted to unwind. What? You're looking for me now? Tapos ka na sa meeting mo at sa babae mo?" Muli niya akong hinawakan pero muli ko ring tinabig ang kamay niya. "Didn't I tell you not to touch me kapag humawak ka sa ibang babae?" Nagtangis ang bagang niya at wala siyang nagawa nang humakbang ako papasok sa loob. I had to change dahil nabasa ang damit ko. Hindi pa ako tapos mag-shower nang maramdaman ko siya sa likuran ko. I could feel his skin. He just turned the cold water, hot. Hindi pa ako nakakapagsalita, nasunggaban niya na ang leeg ko at niyapos ako mula sa likuran. As a chairperson of SMKHKHUFU – Samahan ng Marurupok Kaunting Halik Kaunting Haplos United Federation of the Universe, I gave him the VVIP pass to invade my headquarters. And I hated to admit it... wala pa ring pumapantay sa kaniya. He was so damn good that I could call all Saints at kulang na lang mag-collapse ako. He could literally make my whole damn body tremble in pleasure. Nakalimutan kong masama pa ang loob ko sa kaniya at talagang sumama pa ako sa kaniya sa labas at nakipag-holding hands. Bumaba kami ng sasakyan. He led me inside the club. I suddenly felt excited dahil ramdam kong iba ang vibe doon dahil malapit sa dagat. Patuloy sa pag-ikot ang disco lights. Halos hindi ko makita ang mga tao sa paligid, but they seemed to be having fun. Amoy ko ang alak at ang iba't-ibang flavor ng vape. Inabot ko agad ang isang na nakalagay sa tray na bitbit ng waiter. Diretso kong ininom ang alak doon at hinila si Zacarias papunta sa mga taong nagsasayawan sa gitna. Hindi pa ako lasing pero nagsimula na akong sumayaw sa harap nito. As usual, he was like a statue just holding my waist. Kinawayan ko ang waiter. He gave us drinks and I asked for more before he left. "Dance with me!" "I don't know." Nagturo ako ng lalaki roon na gumigiling para alam niya kung anong gagawin niya. I looked at his reaction and he was still so serious. Ininom ko lahat ng alak na dinala ng waiter. I got more wilder... bolder. Pinalupot ko ang mga braso ko sa leeg niya and started swaying my hips. I brushed my body against his and teased him more. "Zacarias," I called. Lumalabo na ang mga mata ko pero nagawa ko pang titigan ang mga mata nitong kulay tsokolate rin pero mas matingkad... mas madilim. "Do you love me?" Hindi ko rin alam kung para saan ang tanong na iyon. I waited for his answer while caressing his jaw. "Gusto mong malaman?" Marahan kong tinampal ang pisngi niya. "Just answer me with a yes or no." Sandali niya akong tinitigan sa mga mata bago niya iangat ang kamay sa ere. He snapped his thumb and forefinger. Huminto ang tugtog, ang paggalaw ng ilaw, pati ang... paggalaw ng mga tao sa paligid. They were literally not moving. I was in a state of profound confusion for a while. Halos umawang ang mga labi ko habang tinitingnan ang mga ito bago ako bumaling kay Zacarias. "H-how did you do that?" "I can do anything for you." "Do you own this place?" Marahan niyang hinigit ang pisngi ko at diretso lang tingin sa mga mata ko. "I own this." Nag-init agad ang mga pisngi ko. Nagpabola na naman ako sa walanghiya. "I brought you here because I wanted all of them to know you." He again snapped his finger in the air. Mabilis bumalik ang tugtog at gumalaw na ulit ang mga tao sa loob. Nagsigawan ang mga ito at binigay sa amin ang buong atensyon nila. Naiwan kami ni Zacarias sa gitna. Muling namatay ang tugtog at tumahimik din ang mga ito. "Everyone, this is my wife, Belinda Linder-Zacarias." Malapad na ngumiti sa akin ang mga ito. I then finally concluded na tauhan nga niya ang mga ito at sa kaniya ang club na iyon. "She's the most important woman in my life. Remember her." Para akong kiniliti sa sinabi nito. Sinenyasan niya rin ang DJ na muling magpatugtog. Bumalik din ang mga ito sa sayawan. Agad akong muling pumalupot sa leeg niya. Naramdaman ko naman ang malalaki at maiinit na palad niya sa nakabukas kong likuran. "No other woman can ever take your place." "Alam ko na 'yan... ganiyan mo ako paikut-ikutin pagkatapos mong painitin ang ulo ko." Pakiramdam ko ay may kuryenteng dumaloy sa likuran ko nang haplusin niya iyon ng hinlalaki niya. "Paano kung hindi kita mahal?" I asked. "You have to." "Paano kung may iba ako?" "Papatayin ko." "That's violence..." Pinagapang ko ang mga daliri ko sa malambot na hibla ng buhok niya. I pouted. "Mahal mo ako kahit pasaway ako? Mahal mo ba ako kahit lasinggera ako at susukahan ko ulit ang damit mo mamaya? Mahal mo pa rin ba ako kahit masama ugali ko?" "Even if you get harder to love." I felt like those weren't words, but touch. They touched me within. Nagpatuloy ako sa paghaplos sa buhok niya habang bahagyang nakatingala para salubungin ang mga mata niya. Before I could think of how perfect those eyes were, naramdaman ko nang dumapo ang mga labi nito sa mga labi ko. That kiss was gentle... and it felt so pure. Marahan ko ring iyong ginantihan ng halik. I was trying not to ruin it by controlling the movement of my lips. I gasped as he slowly bit my lower lip. Muli akong tumingin sa mga mata niya. "Alam kong sinungaling ka. I have less expectations, but then... huwag mo akong iiwan. Gagawin kitang bopis." Sinubsob ko ang ilong ko sa mabangong balikat niya. "Hug me." I felt his arms wrapped around my waist. "Tighter," I requested. Hinigpitan pa nito ang yakap sa akin at may kasama pang halik sa ulunan ko. "Tighter, Zacarias." Hinigit niya pa ako na halos hindi na ako makahinga. I wanted it... with a little bit of force and aggressiveness. "There..." I whispered and closed my eyes. "Feels good."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD