20th Blood: Love “OH COME on! Ang laki-laki ng palasyo n’yo ‘tapos itatapon n’yo lang ako sa isang silid na walang kama, walang kusina, walang pagkain at walang banyo! Sa’n ako iihi? Ni walang arinola rito! Oy!” “H’wag kang maingay d’yan! Tatahiin ko ‘yang bibig mo eh!” “Wushuuuu… sigi ngaaaa… ako gusto mo gantsilyuhin natin mukha mo? Artistic ako!” “Manahimik ka!” Edi manahimik! Pabuntong hiningang naupo si Cattleya sa sahig ng silid na pinaglagyan nila sa kanya. Kanina pa siya naroon. Ayaw na niyang mag-trance ulit para silipin kung kumusta si Seige at baka mauwi sa kung saan iyon. Sayang din sa energy. Iipunin na lamang niya iyon para may sapat siyang enerhiya kapag maaari na silang mag-teleport ni Seige pabalik sa pa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books