19th Blood: The Enemy NAALIMPUNGATAN si Cattleya dahil sa sunod-sunod na pagkatok sa pintuan ng silid ni Seige. Kinapa niya ang paligid ng kama upang kumuha ng unan saka iyon idinagan sa kanyang mukha, hoping that will drown out the sounds of the insistent knocking. It didn’t. At tuluyan na nga siyang nagising nang mapagtantong hindi niya nakapa sa gilid niya si Seige nang kinukuha niya ang unan kanina. “Alphiya? Nand’yan ka ba, Alphiya?” Natigilan siya. Kilala niya ang tinig na iyon. “Alphiya?” sabay katok ng tatlong beses. “Cattleya, nand’yan ka ba?” Jesse? Si Jesse nga! Dali-dali siyang tumayo mula sa kama at agad na pinagbuksan ng pintuan si Jesse. May bakas ng pag-aalala sa mukha nito na naglaho l