Ika-limang Kabanata

706 Words
Ika-limang Kabanata Juiceme. Gusto ko syang tingnan pero alam kong hindi ako sa mata makakapagfocus. *gulp* "B-bakit ka nandito?"-ako "Nakita kasi kita na naglalakad,kaya sinundan kita. Mahirap na baka kung saan kapa mapunta."-Ando "Hindi naman na ako bata." "Oo nga,pero mabuti na yung sigurado. Teka nga,bakit ba nakatalikod ka sakin?"-Ando "Ha? E wala lang,masyado kasing mali-----"-ako "Binibini!!(⌒_⌒)"-Ando "Susmaryosep Ando!" Napaurong ako bigla dahil sa gulat. Bakit ba ang kulit nitong lalaking to? Tsaka Lyra,sa mata tumingin.( ・ิω・ิ) "Gusto mo bang maglakad lakad? Tara." sabay hitak sakin Nagtanong pa sya no? Hinitak nya naman ako agad kaya wala na akong karapatang magreklamo. Hayy mga lalaki talaga. "Ang ganda dito no?"-sya Habang hitak hitak nya ako,pinagmamasdan ko naman ang lugar. Tama sya,ang ganda talaga dito. Napakapayapa. Bigla naman syang huminto kaya napahinto na rin ako. Huminto kami sa tapat ng isang malaking puno. "Dito ako madalas tumatambay dati. Lalo na kapag naaalala ko ang mga magulang ko." Tumabi naman ako sa kanya at tiningnan din ang puno. "Oo nga pala,nasaan ang mga magulang mo?" Pero nakita ko sa peripheral vision ko na napayuko sya. "Wala na sila." ------- Umupo muna kami sa ilalim ng puno para magkwentuhan. "Kailan pa sila nawala?" "Pitong taong gulang palang ako nung may biglang pumasok dito sa isla. Mga matatangkad sila at mapuputi. Hindi ko nakita ang buong pangyayari dahil dito ako dinala ng mga magulang ko. Sa ilalim ng punong ito." 7 years old? Ilang taon na ba sya ngayon? "Puro sigawan at iyakan ang narinig ko. Takot na takot ako. Gusto kong umiyak pero dahil sa kaba,ayaw lumabas ng mga luha ko. Matagal din akong namalagi dito hanggang sa nawala na ang mga sigawan,napagpasyahan kong bumalik sa mga magulang ko. Pero pagbalik ko,mga bangkay nalang nila ang naabutan ko." Tiningnan ko sya,baka kasi umiiyak sya. Masakit nga namang mawalan ng magulang. Parang yung kalahati ng buhay mo mawawala. Pero nakatingin lang sya sa tubig,seryoso ang mukha. "Sinabi ni Inang na nasaksak daw sila nung mga pumasok sa isla. Kaya simula nun,kapag nakarinig ako ng mga bangkang pumupunta dito sa isla,kinakabahan na ako." "Teka,ang sabi mo kanina,matatangkad at mapuputi ang mga lumusob dito sa isla."tumango naman sya. "Tagalog yung salita nila?" Umiling sya."Hindi, hindi ko kasi sila naintindihan nun." Hmm. Baka naman mga Amerikano yun? "Matatangos ilong?"-ako Napatingin naman sya sakin at tumango."Paano mo nalaman?" "Baka mga Amerikano yun!" "Amerikano? Sino naman yun? Napakadami yatang tao sa lungsod."-sya "Hindi. Hindi sila nanggaling sa lungsod. Galing sila sa malayong lugar,at gamit ang mga barko,nakarating sila dito." "Pero paano nila nalaman ang lugar namin?"-sya "Yun lang. Baka may nagsabi sa kanila na may magandang isla dito sa Pilipinas." "Pilipinas? Hindi Pilipinas ang tawag sa islang ito."-sya Ngayon naman,napataas ako ng kilay. Habang sya,para syang bata na naguguluhan sa mga sinasabi ko. "Ganito,ang islang ito,bahagi ito ng Pilipinas. Hindi lang ito ang isla sa Pilipinas,sobrang dami pa. Pero siguro,ang islang ito ay may magagandang mga halaman o produkto na pwedeng gawing hanapbuhay ng mga taga lungsod." "Pero hindi nila pwedeng kunin basta basta ang islang ito mula sa amin. Dadanak muna ang dugo bago mangyari yun."-sya "Yes lalim!"-ako "Ha?" Natawa nalang ako bigla. Grabe naman ang tagalog nito.(= ̄▽ ̄=)V "Nga pala binibini,maaari mo ba akong kwentuhan tungkol sa buhay mo?" "Buhay ko?" Tumango naman sya." Gusto ko lang malaman kung paano ka naninirahan sa lungsod." Tumingin naman ako sa dagat at napangiti ng kaunti. Medyo nalulungkot din kasi ako. Oo komportable ako kela Inang,kela Ando,pero namimiss ko na rin ang pamilya ko,at ang mga kaibigan ko. "May bahay din kami sa lungsod,pero gawa naman yun sa semento. Tapos may dalawa akong kapatid,isang lalaki at isang babae,ako ang pinakabata. Araw araw,ay hindi pala araw araw,lunes hanggang byernes,pumapasok ako sa eskwelahan para matuto." "Ano ang itsura ng eskwelahan?" "Hmm. May malalaking buildings,tapos may court para sa mga basketball." "Basketball?" "Oo,gamit ang bola,kailangan mong mai-shoot yun sa isang ring." Tumango tango naman sya. "Mukhang napakaganda sa lungsod."-sya "Maganda naman talaga,kung marunong lang mag-alaga at magpahalaga ang lahat ng tao." Parehas nalang kaming natahimik pagkatapos nun. Kahit topless sya,hindi na ako naiilang. Nasanay? Siguro. Hahahaha. "Siguro palagi mong naaalala ang pamilya mo sa lungsod."-sya Kinuha ko yung isang piraso ng kahoy at nagsulat ng pangalan ko sa buhangin. "Oo,gabi gabi-----" Hindi pa ako tapos magsalita ng bigla nyang tinuro yung sinusulat ko. "Ano yan?"-sya "Ha?" Tapos tinuro nya yung pangalan ko sa buhangin. "Ano yang ginawa mo?"-sya "Sinulat ko yung pangalan ko." "Marunong kang magsulat?" Tumingin ulit ako sa kanya,tapos nakita ko kung gaano sya namangha. Oo namangha. "Oo,tinuruan kaming magsulat at magbasa sa eskwelahan." Tapos bigla nya naman akong hinawakan sa balikat. "Gusto kong.... Gusto kong matutong magsulat at magbasa. Maari mo ba akong turuan?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD