Ika-anim na Kabanata Nakita ko naman kung gaano nya kagustong matutong magbasa at magsulat,kaya tinuruan ko na rin si Ando. Pinakuha ko sya ng isang pirasong kahoy at pinakita kung paano magsulat. Nung una hindi nya pa ma-gets,kaya hinawakan ko yung kamay nya at tinruang magsulat. "Sige,pangalan mo muna yung isusulat natin."tapos inalalayan ko yung kamay nya para maisulat yung pangalan nya sa buhangin. "Ganyan yung pangalan ko? Ando?"-sya Tumango naman ako. Kinuha ko muna yung hawak nyang kahoy at tinapat sa mukha nya. "Sa lungsod,hindi kahoy ang ginagamit naming pagsulat,at hindi rin kami sa buhangin nagsusulat. Sa pagsusulat,ballpen o kaya lapis ang gamit namin,habang sa papel naman kami nagsusulat." Nakanganga lang sya sa hawak kong kahoy,tapos binaba nya yun at tumingin sakin.