Ikalawang Kabanata

1201 Words
IKALAWANG KABANATA Ngayon naman,ako ang kumunot ang noo at tumingin sa mga mata nya. "No english?"-ako Tumango sya. "Tagalog?" Bigla namang nawala yung pagkunot ng noo nya at inalis yung mga kamay nya sa mukha ko. "Tagalog lang."-sya Kahit matangkad sya,pinipilit ko paring sa mga mata nya lang ako mapapatingin. Nakakailang kaya!! Kahit na mangawit pa yung ulo ko,basta sa mata lang talaga ako titingin!! "Anong ginagawa mo dito? Kasama ka ba ng mga bata dun sa pampang?"-sya "Maka-bata ka naman! College na kaya kami! Tsaka naghahanap kasi ako ng banyo." "College? Ano yun?"-sya "Hindi mo alam ang college?"-ako Nakakapagtaka naman. Bakit hindi nya alam yun.? Umiling naman sya at naglakad papasok ng..... Ano nga ba yan? "Tara,may banyo dito."-sya Nakatingin lang ako sa lupa. Tumalikod na sya guys. Nakahubad sya,so alam nyo na? Kailangan ko pa bang ipaliwanag?()_() Sumunod naman ako sa kanya. Kahit na ipinagbawal, nakakaintriga kasi kaya tiningnan ko na rin. Pagpasok ko... Napahinto ako dahil lahat sila nakatingin sakin. Hindi ko maexplain yung mga tingin nila. Nagulat? So sila pa talaga ang nagulat sakin? Hindi ba pwedeng ako yung magulat? Dahil lahat sila....walang damit?? Ibig sabihin totoo nga. Tumalikod na ako at akmang aalis,pero nung matanaw ko ang isang malaking baboy ramo,na papalapit sakin,napaurong ulit ako. "Ahhhhhh!!" May humitak sakin kaya napalakad ako kung saan,at may narinig nalang ako na ungol ng hayop. "Ayos ka lang ba?" Napatingin naman ako sa matandang babae na humitak sakin. Medyo maliit lang sya,mahaba ang buhok at dala siguro sa katandaan,puro puti na ang kulay nito. Napatingin din ako sa mga batang nakatingin sakin,at sa mga lalaking papasok na sa.. tribo at papalapit samin. Kay lola ka nalang tumingin Lyra. "Okay lang po." "Ang sabi ko,ayos ka lang ba?"-lola "Okay nga lang po." Kumunot naman yung noo nya. Ano ba to? Malalalim na tagalog ang kailangan? "Ayos lang po." "Mabuti naman. Bakit ka nandito?"-lola Naku,nalimutan ko na. "Makikibanyo po sana. San po ba yung banyo dito?" -------- Medyo natagalan ako sa loob ng banyo dahil nung una,nagtaka ako. Ang nasa loob lang ay isang lata na maliit,kahoy na hugis timba,tapos yung pinakabowl nila,hindi ko alam kung saan gawa,pero nasa lapag lang sya. Ang gulo no? Pero dahil nga ihing ihi na ako,bahala na. Paglabas ko naman,naabutan ko ang mga batang naghahabulan,mga lalaking nagsisibak ng kahoy,at mga babaeng nanahi. May mga bahay din sila,at may mga bakod. Pare-pareho lang ng design pero kumpara dun sa bahay na pagtutuluyan namin,mas maganda ang mga bahay dito. Medyo naiilang pa akong lumapit sa kanila dahil may damit ako,sila wala. Pero dahil kailangan ko ng bumalik sa pampang,nilakasan ko na yung loob ko. Bahala na. Kung hindi sa mata,sa lupa nalang ako titingin. Pangit namang tingnan kung sa langit no? Atleast kapag sa lupa kunwari mahiyain. Yes! Hahahaha Bigla namang may humawak sa damit ko,kaya tiningnan ko sya. Akala ko nung una bata,dahil sa may laylayan ng damit ko humawak,pero paglingon ko.... PAKINGTAPE!!!!Σ( ° △ °|||)︴ Tinakpan ko agad ang mga mata ko. Naman oh! Daming titingnan dun pa. Huhu "P-patawad. Hindi ko sinasadya."-ako "Bakit ka humihingi ng tawad? Wala ka namang ginawang mali binibini." "Anong wala? Basta! Pasensya na!!" Feeling ko pulang pula na ako.≧﹏≦ Naramdaman ko naman yung paghawak nya sa mga kamay ko,at pilit na tinatanggal,pero hindi ko pinapatanggal. Nakakahiya. "Binibini." "P-patawad." Binitawan nya na yung mga kamay ko na nakaharang sa mga mata ko. Akala ko okay na,pero mas napanganga ako sa ginawa nya. Natanggal ko bigla yung mga kamay ko sa mga mata ko,at tiningnan ko sya. Ang gwapo.(⊙o⊙) "Ayan,mabuti naman at tinanggal mo, napakaganda mo binibini." (⊙o⊙)? "Ha? Sang banda?" Bigla naman syang tumawa. Kahit hanggang balikat ang buhok nya,ang gwapo nya parin. Mas matangkad sya ng konti sakin. "Ako nga pala si Ando,tsaka wag kang mabibigla kapag hinalikan ka ng lalaki sa noo, pinapahiwatig lang nun na malaki ang respeto nya sayo,at hindi ka nya gagawan ng masama." Teka,nasan yung kaluluwa ko?? Nilayasan ako! Wahhhh! Napakaganda ko raw. Enebe.(^O^) "Ngayon lang ako nakakita ng katulad mo. Saang tribo ka nanggaling? Tsaka saan mo nakuha yang mga telang nasa katawan mo?"-Ando Magsalita ka Lyra!!! "Ahh,dun sa bahay namin,sa cabinet. Ay sa palengke pala. Hehe." Kumunot din ang noo nya. Oo nga pala,walang ganun dito. "Galing ako sa lungsod,nandito kami para----" Pero hindi pa ako tapos magsalita ng bigla syang umurong. Nag-iba na rin ang expression ng mukha nya. "ANG BINIBINING ITO! ISA SYANG TAGA-LUNGSOD!!!" Nabigla naman ako ng bigla silang nagkagulo at pinapasok sa mga bahay ang mga babae at ang mga bata. Pinalibutan ako bigla ng mga lalaki at may hawak silang matatalim na bagay. Hindi ko alam yung tawag pero nakakatakot yung mga mukha nila. "T-teka lang." Nagulat naman ako ng biglang ilapit nung lalaking may kahoy sa dibdib na may nakalagay na "No English" ang hawak nyang patalim. Hinawakan nya rin yung dalawang kamay ko at nilagay sa likuran ko. "Isa ka ba sa mga gustong umangkin ng isla?" Hindi ako makalunok dahil feeling ko,konting galaw ko lang babaon sakin yung hawak nya. Gusto kong humingi ng tulong,pero hindi ko magawa. "Sumagot ka!" "Sandali lang." Napatingin naman silang lahat sa matandang babae na papalapit na ngayon samin. Nanginginig na ako. "Bitawan mo sya Gardo ." "Pero Inang...." Lumapit pa sya samin at hinawakan ang patalim na nakatutok sakin,inalis nya ito at hinawakan nya ako sa braso. "Totoo bang galing ka sa lungsod?" Tumango naman ako. Hanggang ngayon kasi nanginginig parin ako sa takot. "Bakit ka nandito sa isla?" "K-kailangan po naming pumunta dito p-para po.... makumpleto namin yung sa...yung sa pag-aaral po namin." "Hindi ka kasama sa mga bumibili ng isla?" "H-hindi po. Isa lang po akong estudyante. W-wala pa po akong pera pambili ng isla. K-kaya wag nyo na po akong tutukan. Uuwi nalang po ako." "Hindi pwede! Kung talagang hindi sya kasabwat ng mga bumibili sa isla,ikulong nyo muna sya."-Gardo Ikulong? Nagsigawan na rin yung iba at sumasang-ayon sa sinabi ni kuyang no english. "Wala na akong magagawa. Kailangan mo munang makulong ng isang araw para masigurado na hindi ka kasabwat ng mga taong bumubili ng isla." "Pero hindi po talaga-----" Kaso tumalikod na sya kaya hinawakan ulit ako ni kuyang no english. "Bitawan mo ako!!" Nagpupumiglas ako. Kailangan ko ng makabalik kela Ammy. Hindi pwedeng nandito ako dahil maiiwanan ako dito. "Bitawan mo ko sabi!! Ano ba-----Ahhhh!" "Ako nang bahala sa kanya." Binuhat ako ni Ando na parang pang-kasal. "Ibaba mo ako!! Isa!!" Habang kinukurot ko yung pisngi nya. Tandaan: kapag binuhat ka sa ganitong paraan,wag mo syang susuntukin o sasabunutan. Baka kasi ilaglag ka nalang nya bigla,delikado kapag likod ang mapuruhan. "Ano ba---+ aray masakit."-sya "Ibaba mo na kasi ako.." at lalo ko pang diniinan yung pagkurot sa kanya. Pero huli na dahil nakapasok na kami sa isang maliit na kubo. Akala ko nga nung una ibabagsak nya nalang ako bigla,buti na lang binaba nya ako ng dahan dahan. Ang init naman dito.::>_ "Mananatili ka dito ng isang araw.." "Hindi nga pwede,uuwi na kami mamaya,tapos ikukulong nyo ako dito? Ayokong maiwan dito." Hindi tulad kanina,ang seryoso ng mga mata nya. Bakit ba nagagalit sila sa mga taga-lungsod? "Hindi ka namin pwedeng palayain. Baka mamaya isa kang espiya." "Grabe ah! Estudyante lang ako. Malay ko ba sa mga isyu nyo. Tsaka ang daming tao sa lungsod. Hindi naman porke taga lungsod ako kasabwat o espiya na ako. Teka nga,bakit ba kayo nagagalit sa mga taga lungsod?" Ang kaso,tumalikod naman sya sakin. Omg! Tingin sa lupa Lyra! "Hindi ko pwedeng sabihin." Hanggang sa,iniwanan nya na akong mag-isa dito. Tiningnan kong mabuti ang kubo. Madilim,mainit. Paano ba ako makakalabas dito? Mataas ang mga butas,walang bangko para matungtungan. Waaaah! Maiiwanan ako dito e.T_T "PAKIUSAP!PAKAWALAN NYO NA AKO DITO!!" Nagpapa-ikot ikot na ako dito sa loob. Ano ba yung gagawin ko? Siguro naman gagawa ng paraan sila Ammy para mahanap ako diba? Tama. Maghihintay nalang ako. Alam kong ilalabas nila ako dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD