Chapter 17
(Veronica's POV)
"HMN..." I moaned as I pull the thick sheets unto my body and hugged the soft pillow beside me.
I feel so cold and damn tired. Para akong tumakbo ng maghapon sa oval, I want to sleep and sleep and more. Is it because of the aircon? Mukhang hindi naman naka-maximized yung level ng lamig ng aircon yet the cold air soothes in my body. I feel like I'm naked under the sheets.
Wait---Naked?
I immediately opened my eyes and roamed my vision around, only to see a different room.
Agad akong napa-upo sa gulat. What the f**k? This is not my room!
"Ouch... My head..." Hinimas ko yung ulo ko dala ng kirot na nagmumula doon. s**t, did I drank too much alcohol? I can't remember anything!
Nakagat ko yung labi ko nang makita yung kumpol ng susi na syang master key sa mga kwarto ng hotel, nakalapag iyon sa katabing sidetable netong kama. Oh my gosh, Did I slept on a stranger's room? Nagkamali ba ako ng pasok ng kwarto?
"Think, Veronica. Think!" I closed my eyes and tried to think of everything that might happened to me last night but I can't remember anything! "Ahhh!!! Useless!" I said as I slap my own cheeks.
Wala talaga akong maalala! Siguradong pinagtatawanan na ako nina JR, or rather looking for me! They must be laughing right now or worst, maybe they recorded me while doing some crazy stuffs last night. s**t. No way. No! Ipang-ba-black mail nila sa akin yon! Kyaaaah!
I tried to remove the sheets from my body but I was stunned when I realized that I'm wearing nothing! I'M BARE NAKED.
"W-what the?" I exclaimed before wrapping myself back on the sheets.
Bigla akong kinabahan. Pinakiramdaman ko yung sarili ko, I feel very tired. I feel weirdly satisfied, like, I've done something good last night. Napalunok ako. Ang nasa utak ko lang ay ang pagsasayaw ko sa bar kagabi, after that wala na.
No fuckin way. Did I got f****d by someone? Sheesh! No fuckin way!
Sinubukan kong umalis sa kama but I gasp when I felt a small pain from my private part, oh my gosh! Did I really got f****d?! Nooo!
Naiimagine ko na yung mga sasabihin ng pamilya ko if they knew that I just had a one night stand with someone that I didn't know!
"I'm so... so... dead.", I said as I saw the images of my father and older brother, strangling some stranger out of anger. Oh my gosh, just oh my gosh talaga! They're willing to kill someone just to get what they want! Kyaaaah!
Kahit medyo nanginginig yung tuhod ko ay tumayo pa din ako. Napalunok ako ulit nang makakita ng nakatuping itim na oversized shirt at isang boxer. Kinuha ko iyon para dalhin, nakabalot sa buong katawan ko yung kumot habang dahan-dahan akong naglalakad papasok ng banyo.
The room is clean, there are no signs of f*****g that happened last night. s**t, what did really happened?
I turned on the switch of the lights inside the bathroom. Binitawan ko na yung kumot at hinayaan mahulog sa sahig. I immediately turned on the shower and wet myself inside the tub. Oh gosh, ano bang nangyare? This is so frustrating.
Kinuha ko yung sabon na nasa gilid in order to wash myself pero natigilan ako nang makita yung katawan ko. It's full of bruises!
"Fuck." Madali akong humarap sa sink na may salamin at bahagyang umatras para makita yung kalahating katawan ko, My jaw literally dropped because of the appearance of my upper torso.
Pinkish and violet bruises, there are lots of them from my neck down to my breast, I even checked my shoulders and there's a lot of them too! I hugged myself while denying the fact that someone ransacked my body! s**t! How am I supposed to wear my crop top tube later?!
"Veronica?" Tawag ng baritonong boses mula sa labas ng banyo na nagpagitla sa akin.
"S-seph?" I asked, still shock on everything.
"Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo? Papasok na ako." What?!
"W-wait! N-no---" But too late, he already opened the door, revealing my naked body to him.
My face started to burn red like a ripe tomato. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng kahihiyan, I've been wearing a lots of revealing clothes and two piece bikinis before and I'm proud to show off my bare skin but now? I feel ashamed! Nahihiya ako!
I bit my lip as I stare at him, walking and looking at me casually, wearing a simple white printed shirt and shorts. Inosente syang ngumiti nang makalapit sa pwesto ko, hinawi nya yung basa kong buhok na dumidikit sa mukha ko. Oh gosh, something is off about him. Something is definitely going on!
"Halika, tutulungan kitang maligo." Anya tsaka ako inalalayang bumalik sa bath tub.
He turned off the shower before sitting on the small chair beside on me. Kinuha nya yung sabon at sinimulang sabunin yung mga braso at balikat ko na naging dahilan ng pamumula ng mukha ko, just what the hell is happening?! Wait---D-did we...? D-did I just have s-s*x with S-seph?
Shit. Natutop ko yung bibig ko, forgetting that I'm naked and my gorgeous body full of kiss marks are exposed kaya tinakpan ko ulit yung katawan ko. Hindi ba ako nananaginip? Baka mamaya kasi nananaginip nanaman ako ng gising.
Napapikit ako at umawang yung labi ko nang dumako sa leeg ko yung mga kamay nya, maya-maya ay bumababa. Biglang nag-play sa utak ko yung iilang eksenang siguradong hindi-hindi ko na makakalimutan.
His kisses. His touch. His fingers. His mouth, savouring every inch of me. Licking, sucking and biting every bit of skin that I have as I moan in pleasure that he's giving me. I'm drunk. I know, I'm dead fuckin drunk.
When he asked me if I'm ready, I thought he's going to f**k me. Yun pala ay tinatanong nya ako kung handa na ba akong matulog.
"Wait, We're not going to f**k each other?" I asked nonchalantly, he just shook his head.
"Hindi."
My jaw dropped, "You just f****d me with your fingers then---"
"Shhh." Pigil nya sa iba ko pang sasabihin gamit ang paglalagay ng hintuturo nya sa labi ko, "Yan ka nanaman. Grabe talaga yang bibig mo." Nangingiti nyang saad.
I pouted, "But we can't just stop right here, we just finished our foreplay, I'm ready, Seph. Take me."
Ngunit imbes na gawin yung sinasabi ko ay umiling lang sya at hindi ko inasahan yung sunod nyang ginawa.
He cupped my face and planted a soft kiss on my forehead before he started staring on straight right to my eyes, "Hindi natin gagawin ang bagay na yon. Nagkamali ako, hindi dapat nangyari ito. Mas lalong hindi dapat mangyari yung gusto mo." Anya.
"B-but why?" I'm confused, usually guys would devour me, they would definitely do what they should be doing right now!
"Dahil hindi naman ako karapat-dapat para sayo." He simply answered, "Hindi mo naman ako nobyo, wala tayong relasyon bukod sa pagiging mag-amo kaya hindi dapat natin gawin yon." Sinuklay nya yung buhok ko, "Darating din yung lalaking nararapat na umangkin sayo, huwag ka sanang magmadali." Sabay halik muli sa noo ko.
After that wild foreplay, he lay beside me and pulled the sheets to cover our bodies. Seph actually hugged me so tight under the thick blanket, his face is resting on my neck, giving me small kisses, sometimes biting it. His huge hands are holding mine, intertwined with my small fingers. Feeling satisfied to his cuddle, I fell to a deep sleep after that.
"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong nya na pumutol sa pag-alala ko nung nangyari kagabi, sinilip nya yung mukha ko kaya iniwas ko iyon. I just can't believe that we did that and mas lalong hindi ako makapaniwalang hindi iyon natuloy, damn it.
"D-don't look at me, please." Baka makagat kita bigla sa sobrang panggigigil.
"P-pero---"
"Please... A-ako na ang magpapaligo s-sa sarili ko. L-lumabas ka muna." Pakiusap ko sa kanya, kung hindi pa sya lalabas tutuluyan ko na sya dito sa loob ng banyo.
Tahimik naman syang sumunod at lumabas agad. After that I slide myself down to the bathtub before screaming under the water that caused the water to produce a lot of bubbles. It's not a fuckin dream! It's not just my fuckin imagination! It's fuckin real!!!
He didn't f**k me, yet we foreplayed! f**k! SAYANG! Akala ko naka-home run na ako!
(JR's POV)
"May napapansin ka ba sa kanila?" She asked making me frown in confusion.
Nakatingin sya sa direksyon ni Veronica na busy sa pagmamando sa mga tauhan nyang tumutulong sa pag-aayos ng venue, katabi neto si Vasselisa na syang nakikipag-usap sa iba pang kumpanya na pinagmumulan ng dekorasyon. Nasa isang gilid naman si Seph na tumutulong sa pagbubuhat ng ibang mga gamit.
Nilingon ko sya nang nakasimangot, "Ang alin?"
"Yung dalawa." Anya sabay nguso, "Mula nang mag-almusal tayo hanggang ngayong tanghali hindi sila nagpapansinan."
"Paanong hindi nagpapansinan?" Dagdag ko pang tanong bago tinungga yung bote ng tequila na kinuha ko mula sa bar ng hotel. Hmn, ang sarap talaga.
"What the f**k jhayrein? Bulag ka ba? Hindi mo ba napapansin na hindi sila magkadikit ngayon? Dumidistansya si Vero samantalang si Seph naman eh ganon din." Paliwanag ni Charlotte tsaka tumungga din sa bote ng alak na hawak nya.
Chryseis nodded before leaning on us, "Take note the fact that our very own intellegent fashionista CEO friend is wearing a sparkling black sequenced turtle neck longsleeve with a pair of white long square pants in the middle of the hot afternoon." Sabat nya.
Umangat lang yung kilay ko sa mga pinagsasabi nila. Gusto kong magkwento pero hindi pwede, nangako ako sa isang tao dyan eh.
Saktong lumingon si Veronica at nagtama ang tingin namin sa isa't isa, ngumiti sya at kumaway kaya tumango lang ako bago wala sa sariling napatungga ulit sa bote ko. s**t. Nangangati yung dila kong magkwento.
"What's that wave for?" They asked, I just shrugged. Kunwari di ko alam.
Malamang hindi sila nagpapansinan, si Seph ay pinipilit na umaktong normal habang si Veronica naman ay busy sa pagplaplano.
The truth is I know everything, Veronica told me earlier and I just can't believe that 'that' really happened. Ang kaso itong magaling kong kaibigan imbes na madala ay nagplano pa talaga.
'I need to know more about him. I need to! It's for the sake of our future s*x! We need to level up! Hindi ako papayag na hanggang foreplay lang kame!' She said, tumatak talaga yan sa kokote ko. Tanginang veronica toh, nung nagpaulan yata ng kagaguhan eh nalunod toh eh.
Balot na balot sya dahil makikita yung mga putanginang chikinini nya na gawa ng secretary nyang magaleng. Beri gud! Nanggigigil ako sa mga kalokohan ng dalawang toh. Kung hindi ba naman tanga itong si Veronica at nagpakalulong sa alak kahit alam namang mahina yung sistema nya sa alak. Tsk.
"Oy oy dahan-dahan naman sa pag-inom, yari ka sa asawa mo kapag nalaman nyang tumutungga ka nanaman." Sinamaan ko ng tingin si Charlotte pero nginisihan nya lang ako, tss. Pake ko don?! Magalit sya hangga't gusto nya! Dagdagan ko pa yang galit nya eh.
*Phone ringing*
"Oh ayan na, tumatawag na." Pang-aasar pa nya kaya pinakyu ko sya bago tinignan kung sino yung tumatawag, nanlaki yung mata ko nang makita yung pangalan na nasa screen.
"Puta!" Napa-ayos ako ng upo at dali-dali iyong sinagot, "K-kuya Vince! Ha-ha-ha! N-napatawag ka?"
Maski silang dalawa ay napa-ayos ng upo at nagpagpag ng damit para bahagyang mawala yung amoy ng alak. Syempre kung may isang tao kaming kinatatakutan eh si Kuya Vince na yon, Kuya ni Vero. Sya kasi ang nagbaby-sit sa aming lahat dati, marami kang matututunan sa kanya at isa na don ang matutong matakot sa kanya.
"I fuckin called because my dear sister is too damn busy to answer my fuckin calls." Nakakatakot talaga yung boses palang nya, pano pa naman kaya kapag magkaharap na kame?
"A-ah ganon ba? G-gusto mo bang s-sabihin ko sa kanyang tumatawag ka?"
"No need, just tell her that we're on our way there, we'll arrive there at exactly thirty minutes. I'm with our cousins."
"A-ano?!" Gulat kong saad pero hindi na nya iyon narinig dahil pinatay nya agad yung tawag.
"What?! What did he said?!" Taranta nilang tanong kaya namumutla ko silang nilingon, napalunok din ako.
"Padating na si kuya Vince," Lumunok-lunok din sila, "Kasama ang mga pinsan nila."
Ngayon hindi lang ako ang namumutla, kundi maging silang dalawa.
Taena, hindi pwedeng malaman ni kuya Vince yung kalokohang ginawa ni Veronica at ng secretary nya kundi hahandusay si Seph sa sahig!
(Seph's POV)
"SERYOSO?!"
"Shhh! Shhh! Wag kang maingay lulu!" Saway ko sa kanya habang lumilinga ako sa paligid, chine-check ko kung may ibang nakakarinig sa akin at mahirap na, "Baka may makarinig sayo!"
"HEH!" Sigaw nya kaya nailayo ko yung cellphone ko mula sa tenga ko, "Magtigil ka nga sa kakatawag ng lulu saken! Tsaka isa pa sinong makakadinig saken dyan? Eh bukod sa nag-uusap tayo sa cellphone eh mahina pa sa bulong yung tunog ng cellphone mong gawa yata sa bato eh!"
Naiinis kong kinamot yung ulo ko, hindi naman gawa sa bato yung cellphone ko eh! Nokia kaya tatak neto!
"Ewan ko sayo! Ang hirap mo talagang kausap, nagke-kwento ako ng maayos dito tas ganyan ka!" Saad ko sabay sinipa ko yung maliit na batong nasa harap ko.
"Aba oy, Seph Lazaro maayos naman akong nakikinig at nagkokomento sa kwento mo! Ikaw tong aburido na ewan dahil may hang-over ka!" Napanguso ako dahil tama yung sinabi nya, sumasakit yung ulo ko dala ng nainom ko kagabi, "Hanggang ngayon ba hindi mo pa din matukoy kung alak o hindi yang naiinom mo? Malapit ka ng mag-trenta oy! Hanggang ngayon ba hindi ka pa din sanay uminom ng alak?"
Umiling ako kahit hindi nya nakikita, "Hindi eh."
"Ay aguy! Paano tayo mag-iinuman pag-uwi natin ng probinsya pre kung nawawala ka sa wisyo sa tuwing nakaka-inom ka?"
Alam kong lalong tumulis yung nguso ko dahil sa sinabi nya. Pinakinggan ko pa yung iilang samut'sari nyang sermon dahil sa nagawa ko. Matapos ko kasing tumulong sa pag-aayos ng mga dekorasyon ay tsaka ako nagkaroon ng pagkakataon na makatawag kay Louie, sya lang kasi ang pwede kong pagkwentuhan ng tungkol sa nangyari kagabi. Hindi pwedeng hindi ko toh ikwento sa iba, kailangan ko ng magandang payo na makakatulong saken. Nasa labas ako ngayon ng mismong resort, nakatambay ako sa gilid ng entrance malapit sa mga nag-va-valet tsaka mga bellboy na nagbubuhat ng mga bagahe ng mga customers.
Oo, naaalala ko lahat ng nagawa ko kagabi at hindi ko na alam kung ano pa yung mukhang ihaharap ko kay Veronica. Ugh! Ano bang gagawin ko? Nakakahiya talaga! Grabe hindi ko alam kung paano sya kakausapin, mukhang galit din sya dahil sa nagawa ko nako naman! Grabe medyo nasaktan ako nung pinalabas nya ako kanina mula sa banyo pero ayoko din namang magtagal dahil nakikita ko yung hubad baro nyang katawan. Inaamin kong maganda sya at ang hubog ng katawan nya pero yung mga pasang ginawa ko sa katawan nya---AHHHH! Nakakahiya!
Paniguradong kinamumuhian na nya ako, Kung sino ba namang hindi diba? Pananamantala yung ginawa ko! Ang kaso malay ko bang alak yung isang boteng inubos ko kagabi? Waaaaah! Ayokong sisihin yung taong naglagay ng alak sa hapunan ko kagabi pero grabe talaga, huhuhu. Nakakahiya. Hindi kaya ireklamo nya ako? *GULP* H-hindi kaya... k-kasuhan nya ako n-ng rape? *GULP* K-kung ganon nga ang balak nya, s-susuko na ako agad sa presinto, t-tutal kasalanan ko naman eh. K-kaso a-ano nalang s-sasabihin ni Inay sa akin? Iisipin nyang kahihiyan ako sa pamilya namin. Naiiyak na ako ng literal.
Kaso sa tuwing naaalala ko yung ginawa namen kagabi eh kung ano-ano na yung pumapasok sa isip ko. AHHHH! Kailangan kong alisin lahat ng kamalisyahang tumatakbo sa isip ko, hindi ako pwedeng magkaroon ng pagnanasa sa amo ko! Hindi pwede!
Hinilamos ko yung kamay ko sa mukha ko dala ng kunsumisyon, "Ambot, Louie." Saad ko nalang, kumikirot-kirot yung ulo ko.
"Anong ambot-ambot ka dyan?! Yawa ka! Paktay ka diha sa imong mama kapag nalaman nya yang kalokohan mo!"
"Oo na oo na, wag ka na ngang masyadong maingay dyan. Tulungan mo nalang akong pawalain tong sakit ng ulo ko, tsaka bakit ba ganyan ka magsalita? Hindi ka naman marunong mag-bisaya ah?" Hindi naman kasi talaga sya marunong magsalita ng tunog bisaya kahit na kababata ko sya.
"Hehehe wala lang, nakausap ko kasi kanina si Kokoy sa cellphone kaya medyo nahawa-hawa ako." Tukoy nya sa isa pa naming kaibigan na syang nasa probinsya ngayon, "Ayon basta, uminom ka na ba ng kape? Magkape ka para mabawasan sakit ng ulo mo."
Bumuntong hininga ako, "Hindi eh."
"Oh eh bakit naman? Sinwelduhan ka na diba? Edi dapat nakabili ka kahit isang sachet man lang."
"Presyong ginto yung mga paninda nila dito," Inilibot ko yung paningin ko, "Walang sari-sari store sa labas ng resort."
"Ay oo nga pala, tsk tsk. Nako magtiis ka! Wala ka pa man ding baong gamot na pampawala ng sakit ng ulo, kung magtatanghalian kayo uminom ka ng may mainit na sabaw..."
Tumatango-tango ako habang isa-isang nililista yung mga bilin nya, pinayuhan nya din ako na mag-sorry kay Veronica para daw sa nagawa kong kalokohan. Dapat daw usap lang, usap lang talaga walang kahit anong malisya. Yun naman talaga ang balak ko eh, ang kausapin sya kaso wala akong mukhang maihaharap sa kanya dahil nahihiya talaga ako!
"Nga pala..." Bigla nyang saad, "May ike-kwento ako sayo PERO! Wag kang magagalit?"
Napukaw naman yung kuryusidad ko sa sinabi nya, "Sige. Ano ba yon?"
"Tungkol toh kay Phoebe at Conrad."
Agad akong nanahimik dahil doon. Pumikit muna ako ng ilang segundo para kalmahin yung utak ko at tsaka ako muling dumilat bago bumuntong hininga. Kumakabog ng malakas yung puso ko nang dahil doon. Walang pinagbago, kahit pangalan palang nya yung naririnig ko may epekto pa din sakin. Hindi maganda toh.
"Sige." Anya ko.
Tumikhim muna sya na parang bume-bwelo-bwelo pa, "Naikwento kasi ni Kokoy na pinuntahan sya ni Conrad noong isang araw, kinukulit sya neto na ibigay yung lugar kung nasan ka nakatira ngayon."
Kumunot yung noo ko, "Bakit daw?"
"Ewan ko. Sabi pa nga ni Kokoy eh hindi lang sya yung pinuntahan ni Conrad, maski na yung iba pa nating kabarkada pinuntahan nya para lang itanong kung saan ka nakatira dito sa Maynila. Eh wala naman silang maisagot kasi wala naman talagang may alam kung saan ka nakatira."
Naguguluhan ako, bakit naman nya ako hahanapin? Dapat nga ay asikasuhin nya yung relasyon nila ni Phoebe, imbes na hanapin ako ay dapat gumagawa na sya ng paraan para magkaayos sila.
"Ano pang sabi ni Kokoy?"
"Ayon nga, kahapon naman nung naghatid sya ng bagong huling isda sa bahay nyo eh nagulat sya dahil nandoon si Phoebe."
Napanganga ako. Hindi ko din napigilang hindi mapahawak sa dibdib ko sa sobrang lakas ng kabog non, ang lakas pa rin ng epekto nya sakin. Akala ko wala na, akala ko hindi na ako apektado pero bakit ganito? Ang layo ko na nga sa kanya pero yung nararamdaman ko ganon pa rin.
Lumunok muna ako bago muling nagsalita, "A-anong ginagawa ni Phoebe doon?" Kinakabahan ako sa mga susunod nyang sasabihin.
"Humihingi daw ng tawad sa mama mo. Umiiyak sya at nagmamakaawa na sabihin kung saan ka mahahanap. Inaako nya na sya daw ang may kasalanan kung bakit nagkaganoon yung..." Bahagya syang huminto pero agad ding nagpatuloy, "...pamilya nyo."
Nakaramdam ako ng pamilyar na sakit nang marinig ko yung sinabi nyang yon. Kinagat ko yung ibabang labi ko para pigilan yung emosyong nangingibabaw sa akin ngayon. Halong sakit ang lungkot habang pilit kong inaalis sa isip ko lahat ng nangyare. Umiling-iling ako.
"Salamat, Louie. Ibababa ko na." Paalam ko at agad na binaba ang tawag kahit na hindi pa sya sumasagot.
Sinimulan ko nang maglakad papasok. Hindi ko na kayang pakinggan yung iba pa nyang sasabihin, bumabalik nanaman lahat ng sakit na ilang buwan ko ding sinikap na alisin sa sistema ko.
Naputol yung malalim kong pag-iisip nang bigla kong mabitawan yung cellphone ko dala ng pagkakabunggo sa kung sino. Napanganga ako nang maghiwalay sa tatlong piraso iyon pero mas nalaglag yung panga ko nang makitang hindi lang cellphone ko ang nasa sahig at nagkanda-pira-piraso, may manipis na mamahaling cellphone din ang nakakalat sa sahig, nako naman talaga. Sa dami ng araw na mamalasin ngayon pa, naiiyak na talaga ako!
"P-pasensya na po! H-hindi ko sinasadya!" Hingi ko ng paumanhin bago pinulot yung cellphone kong gawa sa 'bato' ika nga nila pati na din yung mamahaling isa, "Pasensya na, kasalanan ko po kasi hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko. Sorry. Sorry po. Papalitan ko nalang po. Sorry po." Yumuko-yuko ako, grabe, magbabayad pa tuloy ako. Naman!!!
"You'll pay for it?"
Napa-angat yung ulo ko para tignan yung may-ari ng cellphone. Magkasing-tangkad lang kami pero base sa itsura nya ay mayaman sya. Nakakatakot yung tingin nya, maputi sya, matangos ang ilong, may itim na itim na mga mata. Nakasuot ito ng amerikana kaya nasabi kong mayaman sya, mukhang kagagaling nya lang sa trabaho.
Nanginginig yung kamay ko nang iabot ko sa kanya yung cellphone nya. Madilim yung mukha nya kaya napalunok ako. Mukhang galit sya ng dahil sa nangyari.
"O-opo. Babayaran ko po." Wala naman akong ibang magagawa, kasalanan ko din naman kasi.
Umangat yung isang kilay nya, "Are you sure?"
"S-sigurado po." Bigla akong nakaramdam ng pagsisisi ng sabihin ko iyon nang dahil sa di malamang dahilan.
Sunod-sunod na paglunok yung ginawa ko nang pinagkrus nya yung mga braso nya.
"Do you want to pay it cash or just send it to my bank account?"
"Sige po cash nalang." Nilabas ko yung wallet ko, may natira pa naman akong five thousand dito galing sa sweldong ibinayad ni Veronica, yung natira ipinadala ko na lahat sa probinsya, "M-magkano po ba?"
"It's just forty three thousand dollars and ninety six cents."
Pakiramdam ko ay natuyuan ako ng dugo sa sobrang putla. F-forty three thousand d-dollars and ninety six c-cents? D-dollars? T-thousand?
"Kuya! Tignan mo yung ginawa mo! He's as pale as a snow!" Saad ng sumulpot na lalaking mukhang ka-edaran ko lang, Tinapik nito yung balikat ko nang may nag-aalalang ekspresyon, "Hey? Ayos ka lang ba?"
Bagsak ang buhok nya at naka-suot ng simpleng t-shirt at pantalon.
"H-hinde eh." Pag-amin ko. Pakiramdam ko hihimatayin ako anumang oras.
May sumulpot pang isa pero hindi ko alam kung namamalik mata ako pero magkamukha sila yun nga lang bulag yung kaliwang mata nya, naka-ayos naman ng tirintas yung buhok nya sa taas (top-knot yata?) at nakasuot ng polo shirt tsaka shorts.
Nakangisi ito sa akin, "Look at him, Lazarus. Para syang nakakita ng multo, I bet he doesn't have that much money based on his expression." Tumpak. Wala talaga.
"Isa ka pa, Laurentius! Tumigil ka nga!" Saway netong nakahawak sa balikat ko.
Nagitla ako nang makaramdam ng brasong umakbay sa akin kaya nilingon ko ito, kamukha nya din ito! Yun nga lang ay naka-brush up ang buhok nitong kulay grey, suot ang polo din pero nakabukas ang butones at shorts din. Meron pang isa na nakasunod sa kanya, Naka-puting t-shirt naman ito, brown na pantalon at nakasalamin. Panay ang spray nya ng alcohol sa paligid, naka-brush up din ng kaunti yung buhok pero patagilid ng kaunti.
"Wag kang kabahan, Nagbibiro lang yang pinsan namin. Diba kuya?" Saad nung grey ang buhok, Tinignan ko yung reaksyon nung may-ari ng phone pero nakangiwi lang ito. *GULP* Maya-maya'y namulsa ito at tumango tsaka kami tinalikuran para maglakad na palayo.
"Don't worry," Paniniguro nung may alcohol, "He's just joking, medyo bad mood kasi sya kaya halos lahat sinusungitan nya and besides, It's just a phone. He can just buy the whole cellphone company if he wants to." Ah. Okay. G-ganon sya kayaman.
H-hindi magandang biro iyon. Hinimas ko yung dibdib ko sa sobrang kaba, pakiramdam ko isinalang ako sa silya elektrika at anumang oras kukuryentehen na. Akala ko ako na ang sunod na aatakihin sa puso at mao-ospital.
"A-ah o-okay. S-salamat." Bahagya akong yumuko bago nanginginig yung kamay na ibinalik sa bulsa ko yung wallet kong may lamang budget ko para sa ngayong buwan bago ko pinagmasdan yung cellphone ko. Okay pa naman siguro toh, ibabalik ko lang sa dating itsura tas gagana na ulit.
"Wow, ngayon lang ako ulit nakakita ng ganyang phone." Saad nung naka-akbay sa akin, "Pwedeng pahawak?"
"A-ahm. S-sige?" Kahit na nawiwirduhan ako sa kanila ay iniabot ko ito sa kanya, nanlaki naman yung mata nya.
"f**k! Look bro's! Totoo ngang mabigat toh, akala ko hoax lang." Aya nya kaya naglapitan silang tatlo doon.
Napakamot nalang ako sa ulo ko ng pagkumpulan nilang apat iyon. Ang weird nila. Mukha naman silang matino pero ang weird. Quadruplets sila.
Nilingon ako nung tumatapik sa balikat ko kanina, "Your phone is too old na, I think you need to replace it with a new one."
"Ah hindi na. W-wala pa kasi akong pera, tsaka nalang siguro." Umiling-iling pa ko na kasama ang mga kamay ko. Budget nalang ang meron ako.
"No, palitan na natin toh." Humarap saken yung may alcohol at nag-spray sa kamay nya, "Wag kang mag-alala, kaming bahala sayo."
"H-hah? P-pero---" Hindi ko natuloy yung sasabihin ko ng akayin nila akong apat palabas muli ng resort.
Ngumisi yung naka-top knot na bulag ang isang mata, "Nakakatuwa ka naman talaga oh, bait-bait." Sabay gulo sa buhok ko, "Ngayon, ano bang brand ang magandang bilhin? Samsung? Apple? Huawei? Vivo? Oppo? Hmn..."
*GULP* A-ano nanaman ba toh?
(Veronica's POV)
"Where the hell is he?" Bulong ko habang patuloy na kinokontak sya. I was contacting my secretary for fifty damn times but he's not responding. Not available daw, like, nakapatay ba yung phone nya?
Vasselisa said that he's just going to talk to a friend? Grabe namang friend yon, lakas tsumismis.
"Ano? Nacontact mo na ba sya?" She asked, I shook my head before putting my phone back to my skirt.
"I'll go look for Seph, baka umakyat na sya sa kwarto nya." Paalam ko, I even saw my other friends trying to walk into my direction. They are trying to say something but I can't figure it out kaya tumalikod na ako. Ang aga-aga nag-iinuman sila sa malayo, Tsaka kaninang nag-uusap sila hindi nila ako nilalapitan then ngayong aalis ako tsaka sila lalapit? Are they dumb or what?
I immediately entered the hotel to find him. Napapa-palatak ako habang nasa loob gng elevator, what took him so long? Mahigit thirty minutes na mula nang magpaalam sya ah! Is he avoiding me? Ugh. Maybe he thinks that I'm mad at him like, girl, there's no way that I will be mad at him.
Medyo nangangati na akong magpalit ng sando ah? I'm not used to longsleeve kind of clothes, mas gusto kong nagsusuot ng mga crop tops or spaghetti strapped tops, madalas tube or backless but not longsleeves. Kung hindi lang kasi mae-expose yung maputi kong balat kung saan kitang-kita ang mga nagva-violet na marka ni Seph. Ugh, I didn't expect that he's that wild when it comes to bed. I'm expecting a virgin Seph but he gave me an unexpected performance na para bang sanay na sanay sya sa ganon. Ugh. I'm curious tuloy.
Nang huminto yung elevator sa mismong floor namin ay dire-diretso akong naglakad patungo sa pinto ng kwarto nya, I didn't bother to knock because I have my own duplicate key so I just enter immediately.
"Seph?" I called but no one answered that made me heaved a sigh, "He's also not here." Pumasok ako sa kwarto nya at nilibot ang paningin doon. No sign of him but the memories flashing back to my mind made me smiled. I know that it really happened, I'm not just dreaming like last time hahaha!
I removed my top, leaving my white sports bra. Ang init kasi sa katawan nong longsleeve na yon! Crop top nga turtle neck naman. Better been naked tutal nakita at nahawakan na nya ako, or should I say... He already devour my body? Lol. HAHAHA!
Suddenly my phone rang kaya sinagot ko iyon, only to hear JR's voice. Nadisappoint ako dahil hindi si Seph iyon. Gosh, this b***h, namiss ba nya ako kaagad? Tsk.
"Nasaan ka?" Bungad nya.
I take a sit on Seph's bed, "Seph's room." I said as I touch the thick blanket that I used earlier to cover my body. I can still smell his scent on this blanket, OMG. He's so fragrant! Bat ganon?
"Anong ginagawa mo dyan? Lumabas ka dyan dahil paakyat na kame ni---"
"Really? K. Bye." Anya ko tsaka pinatay yung tawag, paakyat naman na pala. I thought matagal pa sya.
Humiga ako sa malambot nyang kama. Hmn. So soft~
Kinuha ko yung isa sa mga unan at niyakap, Kyaaah!!! Smells so good! Yung usual na amoy ni Seph, ahh~ Ambango-bango, I wonder kung anong klaseng sabon ang ginagamit ni Seph.
"Where the hell did my secretary go? I miss him so much already." I said as I bury my face to the soft pillow, "I want to cuddle him!"
"Cuddle who?"
And I felt my body froze after hearing that familiar cold baritone voice. Tumihaya ako para tignan yung nagsalita, Only to see him standing while leaning in the side of the door, his arms are crossed on his chest while he's giving me his deadliest glare. s**t. I'm doomed.
"He-he-he. H-hello po kuya."