ILANG minuto ng nag-aantay si Cassie sa Café Viaje del Cielo. Sabi ng kasuap niyang agent sa phone ay magkikita sila doon ng alas onse ng umaga.
Napa-aga siya ng dating kung kaya siya nakaupo roon sa isang mesa na tila ay may malalim na iniisip.
***PLAYING RINGTONE***
Tumunog ang cellphone niya. Nung makita ang pangalan sa screen ay iniwan niya itong nag-riring.
“Cassandra?” A baritone voice spoke her name like it was a delicate glass in need of special care.
“May I know who is asking?” lumingon siya sa likuran niya pero wala namang tao roon. Noong bumalik na siya ng tingin sa harap niya ay nakita niya ang isang lalaki na nakatayo sa harapan niya. Natatakpan nito ang kaniyang tanawin sa sobrang tangkad.
Unti-unting inangat niya ang kanyang paningin sa lalaki ngunit masyadong mataas ito at bukod tanging pisngi at labi lang ang nakita niya. Mukhang magkaka-stiff neck pa ata siya.
“Hi, ako po iyong pinadala ng agent na kausap ninyo. Pedro Batumbakal at your service po, Ms. Cassandra.” Makabasag tenga na pananalita ang narinig niya. Ibang-iba sa pagkakasambit nito sa pangalan niya.
“Hi, I am Cassandra Lopez. You may call me, Cassie. I am pleased to meet you. Have a seat, Mr. Batumbakal.” tugon niya sa lalaki sa harap niya. Tiningnan niyang mabuti ito, kinilatis mula paa hanggang buhok. Ngumiti siya ng kaunti sa binata.
So far, pasado naman sa taste niya ang pinadala ng RnJ services. Hindi lang basta pasado, ang yummy pa niya. Hindi niya masabi pero parang may kung ano na humuhugot sa kanya palapit sa lalaki naupo sa harapan niya.
Noong una ay nagdadalawang isip pa siya na mabibigay ng RnJ ang ideal man na gusto niya. Ngunit heto siya at ina-admire ang lalaki na pinadala nila. In all fairness, tumugon ang RnJ sa tagline nila.
“Good morning, Cassandra. May get you a drink?” there it was again that smooth baritone voice. Quite different from the previous statement.
“Good morning, Pedro. No need, I already ordered a cappuccino. Please, call me Cassie. I like how you speak in English. Are you a DJ or a radio host?” she asked again.
“Naku maraming salamat, Ms. Cassie.” Pilit niyang inihambing ang boses at tono ng pagsasalita nang mga nasa middle class na pamilya. “Isa po akong fishball vendor. Natuto lang po ako magsalita ng maganda sa English dahil dati akong call center agent.” pagpapaliwanag ni Pedro na may halong aliw at pagkamangha sa dalaga.
“Really, hindi ko akalain na isa kang fishball vendor. You have such class that I could usually see from professionals. No offense but did RnJ train you to be like this?” mukhang mapapadali ang trabaho niya at marunong itong mag-English. She was glad dahil napaka decente at napaka propesyonal gumalaw nito. Tila ay magugustuhan ito ng mga magulang niya.
Pinagmasdan naman ni Pedro siya at pilit niyang inaalala kung saan ito unang nakita. Masyadong familiar ang kanyang mukha sa binata.
“Thank you, Ms. Cassie. Have you decided already about the proposed contract of RnJ?” dinerecho na ni Pedro at kailangan na kailangan niya ng bagong client. Inaantay na ang pera ng kanyang kompanya.
She even saw the slight change in his aura, like he was in a hurry to get her approval. It was something she never liked. She wanted to do everything at her own pace.
“Where is the agent I have talked to? Why are you confirming on the contract? I thought he will discuss it with me.” sinagot niya ang binata ng tanong. Halos nagmamaldita ito sapagsagot.
Napangumbaba na lang si Pedro habang umupo sa bakanteng upuan sa table na iyon.
“Ms. Cassie, calm down. He will be calling you any minute to discuss the contract. I am here in behalf of RnJ as a facilitator/husbando.” Pedro clarified with her.
She then sighed. Wala naman siyang magagawa kung hindi ang mag-antay.
A waiter came by to check on the new customer for an order. Pedro knew it was another employee of RnJ spying on them.
“Hi, good day. May I take your order, sir?” He had that mixed voice of a person who was still in puberty. Natatawa si Pedro sa boses nito.
“I will have whatever the lady here ordered. Thank you.” Pedro pointed her out. Masyadong casual ito magsalita at alam na alam papaano kunin ang kanyang attention.
She raised her eyebrows at him.
“Are you copying my taste?” Naka-iritang tanong niya kay Pedro.
“Ms. Cassie, am I just warming up to you. Diba nga ikakasal na tayo?” He sweetly smiled at her. Tila may gayuma ang ngiti nito. Napakagwapo niya kahit saang angulo ka tumingin.
Natunaw naman ang mala iceberg na damdamin niya.
“Fine.” Ngumisi na lang siya ky Pedro ng pa-sweet.
“Would you like anything else, sir?” Tampad ng waiter na nasa tabi nilang dalawa. “Yan lang. Salamat.” Ngumiti ulit si Pedro sa waiter habang nakapako ang tingin sa kanya. Binigay nito ang buong attensyon sa kanya.
Bagay na nagustuhan naman niya.
Umalis na ito at binigay ang papel na may sulat ng order ni Pedro sa barista na nasa likod ng counter. Pagkatapos noon ay tumawag na siya sa cellphone.
***PLAYING RINGTONE***
RnJ Agent
Iyon ang nakalagay na caller ID. Bagay na inaasahan naman ni Cassie.
“Good day, Ms. Cassandra Lopez. I am Patrick Ting. I spoke to you earlier. Just a quick question before we continue. Are you satisfied with the husbando we have sent over?” Nanatiling nakikinig si Cassie at ng ‘di na ulit nagsalita si Patrick sumagot na sya.
“Yes, he fits the description I gave. So how do we proceed with the contract? I thought today will be the contract signing.” Iritadong boses ang sumampad kay Patrick. Metikolosa siya pagdating sa mga kontrata at timelines kahit na never pa siyang nagtrabaho sa isang company. Isa ito sa mga pinangaral sa kanya ng ama.
“Thank you for that response. Moving on, you may call me Pat. To answer your concern, I am currently sending to your email a copy of the contract. Kindly check and send me a message if you are ready to sign.” Tumigil sa pag-explain si Patrick at trinabaho agad ang contract niya at ni Pedro.
Habang si Pedro naman ang pangiti-ngiti na umi-inom ng cappuccino sa tapat niya.
Napa-iling naman siya sa sinabi ng agent Pat Ting parang ibon pakinggan. Napaismid siya sa tuwa sa na-iisip sa kausap.
“Thank you. I will check it right away. Nice to hear from you, Pat Ting.” wika niya sa kausap sa cellphone. Noong wala ng sumagot sa kabilang linya, pinatay niya ang tawag.