Mahigit isang linggo na simula ng lumipat siya sa condo ng asawa, but after the dinner she shared with her husband Silver never came home again. Maski ang tawag niya ay hindi nito sinasagot, bored na siya at mababaliw na yata siya dahil maski ibon ay wala siyang makausap. Hindi naman niya malinis ang bahay nito dahil sa wala naman talaga siyang lilinisin. Makintab at walang bahid ng dumi ang paligid, sa mag hapon niyang pag higa sa kanyang kama ay katawan na lang niya ang sumasakit.
"Bahala na! Basta lalabas ako ng condo na 'to." Wika niya bago nag bihis. Jeans at T-shirt lang kanyang sinuot na tinernuhan niya ng luma niyang sneaker. Binigyan siya ni Silver ng susi sa Condo nito pero ayaw naman niyang lumabas ng walang paalam. Tinext niya ang asawa pero hindi talaga eto nag reply. Matapos mag bihis ay sinukbit niya ang bag, pinatay ang mga ilaw at tinanggal lahat ng switch bago lumabas ng condo.
Balak niya ang mag hanap ng trabaho dahil mamatay siya sa boredom kung hindi. Sanay siyang mag trabaho, batak ang katawan niya sa hanap buhay kaya't naninibago siya sa buhay na mayroon siya sa condo. Silver clearly can provide for her pero hindi niya kayang umasa lang dito.
"Mukhang ma suwerte ako ngayong araw." She said and look at the sign on the wall. Isa itong law firm , hiring daw nang Janitor/Janitress mag iinarte pa ba siya? Basta may trabaho ay ayos lang sa kanya.
"Magandang umaga po." Bati niya sa guard na nakaupo doon. "Nakita ko po kasi yung sign sa labas, hiring po kayo ng Janitress?"
"Ikaw ba ang mag a-apply?" Tanong nito. "Nakow di ka bagay na Janitress, sa ganda mong iyan."
Awkward naman siyang natawa sa sinabi nito. Tinuro din naman ni manong guard di kalaunan ang kailangan niyang puntahan para sa interview. Bitbit ang mga papeles ay nag lakad siya palapit sa pinto at mahinang kumatok.
"Come in." Rinig niyang tinig ng babae kaya't dahan dahan niyang binuksan ang pinto at pumasok.
"Good morning po." She said and smile. "Mag a-apply po sana akong Janitress?"
"Sorry pero may na kuha na kaming Janitor." Wika nito, nalungkot naman siya sa balitang iyon pero ayos lang mag hahanap na lang siya ulit ng puwedeng pasukan.
"Ganoon po ba? Sige po salamat po." Wika niya at tumayo, lalabas na sana siya ng pinto ng muli itong mag salita.
"But you can apply as secretary." She said.
"Nako wala po akong experience dyan." She said and smile.
"We don't really someone you have an experience, puwede ka namang ma train dito."
"Ganoon po ba?" She said and smile. Mag iinarte pa ba siya? "Sige po."
"Then you are hired congratulations." Wika ng babae.
"Hired po agad?" Aniya. "Di niyo po titignan itong resume ko?"
The woman chuckled before taking her resume.
"Start ka bukas Ms. Portez, for now mag comply ka muna sa mga kailangan mong requirements for the job. Specially the dress code the come back here tommorow."
Tumango naman siya at masayang kinamayang ang babae. Malawak ang ngiti niya ng makalabas sa law firm na iyon, isang sakay lang ito patungo sa Condo kaya't ayos lang hindi Hussle sa byahe at gastos sa pamasahe. Tinignan niya ang relong pambisig na huling regalo sa kanya ng kanyang ama bago ito pumanaw, alas onse pa lang. Ayaw pa niyang umuwi kaya't nag desisyon siya na tumungo sa mall upang bumili ng uniporme para sa trabaho niya bukas.
May sapat naman siyang per upang makabili ng kakailanganin para sa sarili niya. Nang makarating sa mall ay agad niyang tinungo ang ladies wear, her eyes were mesmerized by the beautiful dress and clothes inside. Mabibilang lang siguro niya sa daliri kung ilang beses lang siya nakapasok sa mall dahil sa hirap ng buhay pero wala naman sa kanya iyon dahil sanay siya sa hirap ng buhay.
"Yes Hello ma'am do you need anything?" A woman said and smile sweetly to her.
"A-ah Oo, Blazer sana at saka while long sleeve polo, and skirt." Nakangiwi niyang wika. Skirt daw kasi ang dapat na isuot sa trabaho.
"We have all of that this way please." She said and lead the way. Agad naman na sumunod si Ice sa babae kung saan dinala siya nito sa woman's formal attire section. Madami at magaganda ang lahat ng naroon pero may iisang set lang ang pumukaw sa atensyon niya.
"Puwede ko bang makita yan?" Wika niya sa babae. Agad naman itong tumango at tinanggal ang kulay Gray na coat at skirt sa mannequin.
"Puwede mo rin pong isukat kung gusto mo." Dagdag pa nito.
It looks sophisticated and elegant. Maganda talaga itong tignan pero hindi niya alam kung babagay sa kanya dahil first time niyang mag susuot nito.
"Mag kano nga pala to?"
"25,000 in total po. Set na po siya at–––"
"25,000?!" Gulantang niyang wika habang nakatingin sa damit na hawak niya. "Kaya naman pala ang ganda, ang ganda din ng presyo." She said and shook her head.
"Kukunin niyo po ba ma'am?"
"Nako hindi." Nahihiya niyang sagot bago binalik dito ang hawak na damit. "Salamat ah."
Magiliw naman itong ngumiti at kinuha ang inaabot niyang damit. She take a one last glance before leaving that area. Kaya ang ending sa malapit na palengke ang bagsak niya kung saan may bagong mga bagsak galing UK. Sayang naman yung twenty five thousand na iyon sa isang 3 in 1 na office attire.
"Ate mag kano dito?" Wika niya sa babaeng tindera na nakasimangot na ang mukha ng makapasok siya.
"Singkuwenta wala ng tawad." Masungit na wika nito.
"Nako ate. Huwag kang sumimangot, mawawala yang ganda mo." Pambobola niya sa babae na sana tumalab upang makatawad pa siya rito.
"Ganoon ba iyon?" Wika nito na matamis ng ngumiti.
"Oo! Pero may kamukha ka talagang artista eh." She said na tila nag iisip pa. "Ah si Kathryn Bernardo!"
"Hala grabe ka hindi naman." Maarteng wika nito ma tinatago pa ang mukha. "Ano bibilhin mo ba yan?"
Napakamot naman siya sa ulo.
"Oo sana kaso tawaran mo naman ako." She said and smile.
"Osige na nga thirty pesos na lang." Wika nito.
Agad naman na nag bunyi ang kanyang damdamin sa sinabi ng babae. Kinuha na niya ang lahat kailangan, bago mag bayad. Matapos ma mili ay umuwi na siya dahil alas kuwatro at mag luluto pa siya ng hapunan kahit na siya lang din naman mag isa ang kumakain.
Nang makabalik sa Condo ay nilagay muna niya sa washing ang mga pinamili bago tinungo ang kusina at nag halungkat sa ref mg puwedeng lutuin. Matapos makipag argumento sa sarili kung Tinola o adobo ba ang lulutuin ay pritong hotdog at itlog ang nag wagi. Mabilis lang siyang kumain at agad na tinungo ang banyo upang balikan ang mga nilabhan na damit. Hindi na niya kailangan itong patuyuin dahil tuyo na ito ng kinuha niya.
Nang makalabas sa banyo na katabi lang nang kusina ay sakto naman na bumukas ang pinto at pumasok duon si Silver sukbit ang coat nito. Natigilan naman ito ng makita siya.
"Hi! Kumain kana?" She said and smile. Kahit naman masama ang ugali nito ay ayaw naman niyang maging bastos dahil bahay parin ito ng asawa niya.
Silver shook his head. Sa dami ng trabaho sa opisina ay nakalimutan na niya ang kumain.
"Anong oras na ahh." Wika ni Ice at tumingin sa wall clock. "Nine na hindi ka pa nakain? Teka mag luluto lang ako." She said and walk Silver.
Tatanggi pa sana ito ngunit nakapasok na si Ice sa kwarto niya. Nang makalabas ito ay nakatali na ang kaninang nakalugay na buhok.
"Mag palit ka muna ng damit. Mag luluto lang ako." She said walk towards the kitchen. Adobong manok na lang ang niluto niya dahil ayun lang naman ang mabilis lutuin thirty minutes lang ang ginugol niya sa pag luluto, inayos na rin niya ang plato na gagamitin ni Silver.
Sakto naman na dumating ito na naka pambahay na na damit.
"Kain na." Magiliw na wika ni Ice, Silver cleared his throat and nodded bago naupo. Siya naman ay aalis na sana sa kusina ng hawakan nito ang pulsuhan niya.
"Have you eaten?" He said not looking at her.
"T-tapos na ako."
Slowly Silver let go of her hands.
"Oo nga pala." Wika ni Ice. " Nakahanap ako ng trabaho at start na ako bukas."
Natigilan naman ito sa pag kain at masama ang tingin na bumaling sa kanya.
"Bakit di mo sinabi sakin?!" Inis na wika nito. "You should have atleast told me!"
"Teka lang ah." Inis na ding wika ni Ice. "Nag text ako sayo pero si ka nag reply, i even called you but you didn't answer tapos hindi ka pa umuuwi paano ko sasabihin!"
Tila nahimasmasan naman ito at hindi na muling umimik. Kaya't umalis na lang siya kaysa ma bwiset siya sa lalaking kaharap. Minsan na nga lang umuwi pero gulo pa talaga yata ang dala. Hindi na lang niya binigyang pansin ang pag a-alburuto ni Silver, matutulog na lang siya kaysa makipag talo sa asawa.
Sa sobrang pag ka excited ay alas cinco pa lang gising na siya kahit alas otso pa ang pasok niya. Wala naman talaga siyang gagawin sa ilang oras na iyon, trip niya lang talaga ang magising ng maaga. A chuckled escape her lips when she read Macy's text to her.
"Good morning Mrs. Montefalco paki jugjog ang Mister pronto. Pag dimo jinugjog ako na ang jujugjog!"
She rolled her eyes and put down her phone bago lumabas upang mag luto ng almusal. Itlog, fried rice, bacon at nag toast lang siya mg almusal para sa umagahan. Sigurado siyang nariyan pa si Silver dahil ng madaanan niya ang kuwarto nito ay rinig niya pa ang nakabulas na air-condition sa loob. Matapos kumain ay mabilis siyang naligo, excited siyang isuot ang unipormeng na bili. Na tinernuhan niya ng stilleto na nakuha niya pa nuong nag meet the parents siya.
"Are you ready?"
"Ay palakang may pakpak!" Gulat niyang wika ng may mag salita sa likod niya. "K-kanina ka pa dyan?"
Silver tsk. And rolled his eyes, kanina pa siya nakaupo sa salas naka kain na din siya mg almusal pero hindi parin tapos si Ice na mag ayos.
"Let's go when you're ready." He said.
"H-huh? Kaya ko naman mag isa."
"Ihahatid na kita." Bored na wika nito at lalabas na sana ng pinto nang pigilan siya ni Ice. Agad na tumakbo ang asawa sa kusina upang kunin ang lunch box na inayos niya pa para sa baon nilang mag asawa.
"Baon mo." She said.
"I'm not a kid, why would I bring that?" Nakasimangot na wika ni Silver pero tinanggap din naman di kalaunan.
Nang makasakay sa sasakyan ay tahimik lang ang kanilang byahe hanggang sa basagin ito ni Ice.
"Bakit ang bait mo ngayon?"
Silver glance on her before focusing on the road.
"What do you mean?"
"Kasi hinatid mo ako." She said. "Tapos di ka nag tataray, wala kang regla."
"What?!"
"Wala sabi ko ang gwapo mo." Pag bawi mi Ice dahil nakikita na niya ang sungay na umuusbong sa ulo nito.
"Pupunta tayo sa bahay this Sunday." Wika ni Silver,"sinabi ko na sayo para handa ka."
"Okay." Wika ni Ice at pinag kasya na lang ang pag tingin sa labas hanggang sa maiparada ni Silver ang sasakyan sa tapat ng papasukan niya. "Salamat sa pag hatid." Wika ni Ice at tinaggal ang seat belt.
"Take care." Silver said. "I'll fetch you later."
Pinigil naman ni Ice ang ngiting nais kumawala sa kanya so she cleared her throat before stepping out of the car pero bago niya pa masara ang pinto ay nag salita pa ang binata.
"You look beautiful."
-----
"This is your table Ice. First thing you need to do is sort Mr. Castillo's schedule for today. And yung mga kailangan niyang gawin ay ipaalala mo sa kanya, if he wants coffee give him a coffee."
"Okay po."
Matapos ma orient sa mga dapat gawin ay pinag simula na siya nito sa trabaho, ang dalawang bagong co workers na nakilala niya ay mababait din at madaldal kaya hindi siya na bo-bored hanggang sa dumating na ang boss niya.
"Who are you?" Masungit na wika nito habang nakatingin sa kanya.
"Ice Portez po." She said. "Bago niyo pong secretary Sir."
"It's Atty. Jasper Castillo Ms. Portez, remember that." Gusto niya sana itong sagutin pero naalala niyang first day niya sa trabaho at ataw niyang ma unemployed muli kaya't pinigil niya ang sarili. Talagang idiin pa ang Atty. Sa mukha niya.
"Okay po ATTY."wika niya na pinag diinan pa talaga ang salitang Atty sa lalaking kaharap dahil baka makulangan ito.
"Is that sarcasm Ms. Portez?"
"Hala hindi po ah. Dipende sa inyo kung ano iisipin niyo." Rinig niya ang mahinang hagikgikan sa paligid pero ng tumingin si Jasper ay natigil ito.
"Bring me a cup of coffee!"
"Ayaw niyo pong bucket of coffee?" Inosente niyang tanong.
"What?!"
"Wala po sabi ko po nasan yung pantry."
Hindi na ito umimik bago siya inismiran at pumasok sa opisna nito. Kaya pala walang nag tatagal na secretary dahil magaspang din ang ugali.
"Mag kapatid kaya sila ni Silver?"she said and look back at the close door where Atty. Jasper Castillo went in. Gwapo naman ito, wala siyang masasabi doon pero mukhang pinag lihi din sa saka ng loob.
"Mas gwapo parin naman asawa ko." Nakasimangot niyang bulong pero ng ma-realize ang sinabi ay pinamulahan siya ng mukha. Mukhang hindi magiging happy ang work place niya kung kapatid ni Silver sa ugali ang boss niya.