Sa isang public place ang destinasyon nila. Sa mismong malaking fountain sa national landmark. Sinalubong kagad sila ng staff na sa tingin niya ay bakla. Nagkalat sa paligid ang mangilan-ngilang mga kagamitan at ang production staff. Namamangha siya sa dami ng involved gayong pag na-print na naman o naipalabas sa TV ang isang commercial ay iisang tao lang ang nakikita. Iginiya sila sa isang tent na siyang nagsisilbing dressing room na rin ni Erica. “Stay near me.” Thumbs-up sign ang itinugon niya sa kapatid. Parang giyera sa loob. Ang lahat ng tao ay kani-kaniyang toka ng ginagawa. Iba ang nag-ayos ng kasuotan ni Erica, iba rin ang nakatalaga sa buhok at make up. Ang ginawa lang naman niya ay hawakan ang phone nito at abutan ito ng tubig kapag kinakailangan. O ‘di naman kaya ay takbuh