“I will never marry that woman!” Halos duruin na si Alina ng nanggagalaiting si Noah. Palakad-lakad ito sa loob ng library. Magkatapat na nakaupo sila ni Lola Constancia sa leather sofa habang nakatayo lang si Noah. Ang dalawang braso nito ay nakapatong sa batok habang nakatingala sa kisame. Naroroong sinasabunutan nito ang sariling buhok. Ang mukha at tainga nito ay nagkulay pula dala ng matinding galit. Galit na galit ito. Nahihirapan at natatakot siyang sukatin ang poot na nararamdaman nito para sa kanya. “No one can force me. Nobody can.” Umiigting ang mga panga nito sa bawat nitong pagbanggit ng mga kataga. Wala na. Sa isang iglap lang, sa minsang pagpitik ng mga daliri, parang daluyong na tinangay din ng hangin ang kabaitan na minsang ipinamalas ni Noah sa kanya. She was doomed.