Habol ni Jesilyn ang paghinga. “Are you okay?” nag-aalalang tanong ni Ryan. “I’m fine,” usal niya nang kumalma ang t***k ng kanyang puso. Nagsimulang umandar ang train kaya napakapit siya sa braso ng binata. Pagkatapos ay napatingin siya sa platform. Nakita niyang nakatayo roon ang dalawang security at kunot-noong nakasunod ang tingin sa kanila. Napalingon din sa mga iyon si Ryan na nakahawak na sa railing para hindi sila matumba. Sandaling inabot lang nila ng tanaw ang dalawang security hanggang makaalis sa istasyon ang train na sinasakyan nila. Pagkatapos ay nagkatinginan silang dalawa at sabay na natawa. Halos hysterical ang tawa ni Jesilyn na napapatingin na sa kanila ang mga tao sa train. Mabilis tuloy niyang inakay si Ryan paupo sa bakanteng espasyo na malapit sa kanila. “Hindi