KABANATA II

991 Words
UNA KANG NAGING AKIN | LAUREN, ANGELIE AND TRISTAN CHAPTER TWO __ PEREZ RESIDENCE, TARLAC. ISANG malaking suntok sa buwan ang iniisip kong magtataksil sa akin si Tristan. Halos ginugol na namin sa isa't isa ang lahat; hanggang sa dumating sa buhay namin si Laurice. Pero sino ang batang iyon? Hindi pa din mawala sa isip ko ang katanungan na iyon. Walang kahit na ano'ng nababanggit sa akin si Tristan tungkol sa batang iyon, ang kuha ni Tristan dito ay nasa sala ito natutulog. Kahit kaninong bahay iyon? Bakit naroon si Tristan? Imposibleng nakuha niya lang ito sa kung saan. Napailing-iling ako sa mga naisip ko. Dapat ko bang itanong kay Tristan ang tungkol d'on o itatago ko na lang kahit na nagbibigay ito ng kaguluhan sa isip ko. Ano ang dapat kong gawin? 'Mag-isip ka, Lauren! Isipin mo iyong dapat mong gawin! Hindi pweding hanggang katanungan ka na lang sa isip mo. Wala kang makukuhang sagot kung hindi mo aalamin ang nagpapagulo sa iyo! Kausap ko sa sarili ko. May bahagi ng isip ko na magtanong kay Tristan para mabawasan ang lahat ng tumatakbo sa isip kong hindi tama. 'Magtataksil sa akin si Tristan?' Muli kong bulong sa sarili ko. 'Hindi magagawa sa akin ng asawa ko iyon! Alam ko kung gaano niya kami kamahal ni Laurice, kung gaano namin ginustong mabuo ang pangarap naming dalawa. Ang isang masayang pamilya!' Naiiyak ako nang maalala kung gaano kabigat ang pinagdaanan naming dalawa para lang mangyari lang ang lahat ng iyon; kaya alam ko at naniniwala akong hindi basta-basta sisirain ni Tristan ang lahat ng iyon. Na hindi mauuwi sa wala ang pinaghirapan namin. 'Pero paano kung nagkakamali ka, Lauren? Paano kung natutong maglaro sa apoy si Tristan sa likuran mo? Paano kung may kaugnayan siya sa batang nakita mo?' kastigo ng sarili ko. 'Makakapatay ako! Isa lang sa kanila ang matitira kung sakaling gawin sa akin ni Tristan ang lahat ng iyon! Hindi ko sila mapapatawad!' galit kong turan. Napatingin ako sa anak namin ni Tristan na mahimbing ang pagkakatulog sa nursery room nito. Tuluyan tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan dahil sa bigat na nararamdaman ko para sa anak namin. 'Ilalaban ko ang mag-ama ko hanggang sa sarili kong hukay! Ako ang nauna sa buhay ni Tristan! Kami lang ni Laurice!' galit kong kausap sa sarili ko nang muli kong naramdaman ang pagtulo ng mga luha ko. ___ BLANCO RESIDENCE, ESPERANZA, PAMPANGA. "Naynay, kailangan po ulit dadalaw si Ninong Tristan dito sa atin?" Napigilan ako sa ginagawa ko nang marinig ang tanong ni Angel mula sa likuran ko. Hindi ko namalayan na naroon na pala ito. Ang pagkakatanda ko ay iniwan ko siya sa maliit naming sala habang nanunuod ng paborito nitong Mr. Bean at ako'y nagpasyang magluto ng tanghalian namin. "Hindi ko man lang siya nakita nang umalis siya kagabi," dugtong pa nito. Umupo ito sa bangketo paharap sa akin. Pinili kong tumalikod mula sa kaniya at kunwang naging abala sa niluluto kong paborito nitong adobong sitaw; ang paborito din ni Tristan. "Malapit na ang birthday ko, Naynay.. Pupunta ba si ninong? Sabi niya 'di ba? Nag-promise siya..." Sa pagkakataong iyon nilingon ko muli si Angel. Ito ang kinatatakutan ko ang pangakuan siya ng mga bagay na hindi kayang tuparin sa kaniya. Hahanapin nito ang pangakong iyon at hindi titigil hangga't di matupad iyon. "Naynay, tutupad si ninong 'di ba? Good naman si ninong eh," aniya pa sa akin. Pilit akong ngumiti kay Angel at tumango-tango sa kaniya kahit na alam ko ang totoong tugon na kahit alam ko ang desisyon ni Tristan base sa napag-usapan namin nagdaang gabi bago siya umuwi't bumalik kay Lauren at sa anak nito. "Sana bumalik ulit mamaya si ninong para maglaro kami ng paborito ko, Naynay.." masayang sambit nito sa akin. Sinundan ko ng tingin si Angel hanggang sa makababa ito at masayang nagpaalam sa akin na babalik sa sala at ipagpapatuloy ang panunuod. Wala sa sariling napaupo ako sa bangketo kung nasaan naroon kanina si Angel. Naisip ko ang mga tanong nito at ang gusto niyang mangyaring bumalik si Tristan. Walang sinabi si Tristan kung kailan ito babalik kaya hindi ko alam kung ano ang isasagot sa anak— namin. Ang alam ko lang sinabi nito sa akin na hindi siya makakadalo sa birthday ni Angel dahil iyon iyong first birthday ni Laurice. Napapikit ako sa mga naisip ko isang taon na halos ang nakaraan. Ako ang nagdala kay Laurice sa sinapupunan dahil sa pakiusap sa akin ni Lauren n'on kasama si Tristan. Mahigpit akong tumanggi dahil magkakaroon ng pagkakataon na baka maungkat ang nakaraan na pinipili namin itago ni Tristan sa lahat— lalong-lalo na ang tungkol kay Angel. Pero naging mapilit si Tristan ganoon na rin si Lauren nang mga sandaling iyon, kaya kahit mahirap para sa akin ang magdesisyon ginawa ko pa rin ang hindi pwedi. Dinala ko sa sinapupunan ko si Laurice, habang iniwan ko si Angel sa mga magulang ko n'on. Muli akong napapikit. Nangako ako sa sarili ko na hindi ko na hahayaang mangyaring isipin pa ulit iyon. Hindi ko inisip kailanman sa sarili na isang pagkakamali iyon, dahil hindi. Hindi ko pinagsisisihan na dinala ko ang anak nila kahit na alam ko na iyon ang mas magbubuklod sa kanila bilang isang pamilya. Tuluyang nagbagsakan ang butil ng mga luha mula sa mga mata ko; nilipat ko ang tingin ko sa gawi kung saan lumabas so Angel. 'Si Angel ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko!' masaya kong bigkas sa sarili ko. Isang malaking ngiti ang sumilay sa labi ko nang maalala ko ang nakaraan namin ni Tristan limang taon na ang nakalipas. 'Alam kong mahal kami ni Tristan! Na minahal ako ni Tristan, na mahal niya ang anak namin— dahil, kami ang nauna! Na ako ang nauna sa buhay ni Tristan!' mapait kong sambit sa sarili ko. Isang katotohanan na alam kong mahirap nang panindigan; ang nakaraan na kailanman hindi na maibabalik pa. ____
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD