Kabanata I
UNA KANG NAGING AKIN
BLANCO RESIDENCE.
"TRISTAN, BIRTHDAY NG ANAK MO.. BAKA PWEDI NAMAN THIS TIME KAMI NAMAN— O, SIYA NAMAN.." Naiiyak kong pakiusap kay Tristan nang hapon na iyong nagpaalam siya na uuwi sa bahay nila ni Lauren.
"Angelie, alam mong birthday din ng anak ko kay Lauren. Hindi naman lihim sa iyo iyon 'di ba? Alam mo naman na hindi pweding wala ako sa birthday ni Laurice" halos hindi makatingin sa mga mata kong sagot nito sa akin.
Hindi ko inalis ang mga tingin ko sa kaniya; dahil gusto kong basahin kung ano ba talaga ang totoong nararamdaman niya kung hindi niya ba talaga gusto makasama si Angel; ang anak namin sa birthday nito.
"Naiintindihan ko, ano nga ba ang laban ko? Legal na anak at asawa mo pala iyon.. Kami? Sabit lang pala kami ni Angel—"
"Angelie— baka marinig ka ng bata."
Sabay kaming halos napatingin sa anak namin na mahimbing ng natutulog sa sofa. Tatlong taon na si Laurice, at ang anak nila ay isang taon na ngayon na halos sabay ang kaarawan sa anak nito kay Lauren.
Hindi ko pwedi makalimutan iyon at bakit ko kakalimutan kung ako mismo ang nagdala ng batang— napailing-iling ako.
"Sige na. Makakaalis ka na, salamat na lang sa pagdalaw mo. Alam kong masaya ngayon si Angel sa pagpunta mo rito."
"Angelie, I'm sorry. Alam kong nasasaktan ka para kay Angel. Pero sana maintindihan mo ako, ayaw kong mag-isip ng kahit na ano si Lauren dahil masasaktan din siya—"
Halos parang kinurot ang puso ko dahil sa mga narinig ko mula sa kaniya; sa ngayon iyong dating mas okay na ako iyong masaktan kaysa kay Lauren.
Bakit ba ang kitid din ng utak ko? Kasal si Tristan kay Lauren, dinadala ni Laurice ang apelyido nito samantalang sila ni Angel isang malaking sekreto sa buhay nito. Sikretong walang nakakaalam kahit na sino kahit na lahat ng tao na mayroon siya sa buhay niya, kahit na ang sarili nilang anak ay hindi alam na si Tristan ang totoong ama nito.
Pigil ang emosyong ko nang muling nagtaas ng tingin dito. Marami akong gustong sabihin kay Tristan, isumbat! Kung bakit lahat ng ito ay kaya niyang gawin sa amin, sa akin.
Pero sino ba ang may kasalanan? Ako din naman 'di ba? Pumasok ako sa buhay ni Tristan kahit na alam kong bahagi na ng buong pagkatao nito si Lauren.
"Kailangan ko nang umalis. Ayaw kong mag-isip ng kung ano si Lauren, at alam kong hindi matutulog iyong anak namin kung wala ako. I'm sorry, Angel—"
"Wala kang dapat ihingi ng tawad, Tristan! Gusto kong intindihin. Naiintindihan ko. Tulad ng sinabi ko sa iyo, wala akong laban sa atensyon na gusto ko sana hingin para kay Angel!"
"Angelie, babawi ako.. Hindi lang talaga pwedi ngayon. Pero babawi ako. Tumutupad naman ako sa pangako 'di ba? Alam mo naman iyon 'di ba? Nagkataon lang talaga na kailangan ko mamili…."
Nakangiti akong tumango-tango sa kaniya. Malinaw sa akin ang gusto niyang sabihin kahit na tila sampal ito hindi lang sa pandinig ko kun 'di sa buo kong pagkatao.
Sinundan ko ng tingin si Tristan, matapos kintalan ng isang mabilis na halik sa nuo si Angel.
"Babalik ako. Pakisabi sa kaniya na dadalaw ako ulit—"
"S-sige. Hindi ko kakalimutan. Mag-iingat ka."
"Salamat, Gel."
Napapikit ako nang maramdaman ang mabilis na pagdampi ng halik nito sa nuo ko. Sinundan ko ng tingin si Tristan, hanggang sa tumbukin niya ang gate namin palabas.
Isang mabilis na katanungan ang sumagi sa isip ko, kung kailan na muling babalik si Tristan sa piling namin ni Angel, hindi bilang ama— kun 'di bilang isang malapit na kaibigan at ninong ng sariling anak naming dalawa.
___
PEREZ RESIDENCE
"HI, BABE.. GLAD YOUR HOME.. Galing ako sa venue ng birthday ni Laurice kanina and guess what, everything is okay; seems to be perfect."
Isang matamis na halik ang sinalubong ko kay Tristan ng pumasok siya sa silid namin.
"Good. Sorry, if I'm not there, Baby. May importante lang akong inasikaso."
"Don't mention it, Babe. Alam ko naman. So. How's your proposal to Jake? Is it good ba?" tanong ko sa kaniya.
Pansin ko agad ang hindi magandang timpla ng mood nito; mukhang may hindi na naman magandang nangyari sa meeting na dinaluhan nito kasama ang step-brother niyang tumatayong CEO ng kompaniya ng mga ito bilang nakakatandang kapatid matapos mamatay ang mga magulang ng dalawa.
"Everything is under his control, Lauren. Hindi na yata magbabago iyon."
"What do you mean? He wont accept it? Gusto mo ba ako na mismo ang kumausap sa kaniya?" kalmado kong tanong kay Tristan. Tumingin lang ito sa akin at agad na binaling ang tingin sa harap niya.
"Babe.. You know that I'm always here right. Kung kailangan mo ng tulong ko pwedi mo naman sabihin sa akin kung ano ang maitutulong ko 'di ba?"
"I know, Lauren. Thankyou.."
Sinundan ko ng tingin si Tristan hanggang sa pumasok ito sa loob ng restroom namin sa loob ng silid na ito. Pansin ko ang paglaglag ng balikat nitong halata ang tensyon at stress at alam kong ang kapatid nito sa ama ang dahilan ng lahat ng iyon. Hindi ako pwedi mag-isip pa ng kahit na ano dahil kilala ko si Tristan.
Naalala ko si Laurice ang anak namin dalawa. Alam kong mahimbing na ang tulog nito; napangiti na lang ako sa naisip ko. Agad akong tumayo para puntahan ang anak namin sa sariling silid nito kasama ang tagapag-alaga. Naisip kong magbabago ang timpla ng mood ni Tristan kapag nakita niya ang bata, nang sa pagtayo ko’y napansin ko ang bag ng asawa ko dala ng kuryusidad tiningnan ko ang laman n'on agad kong napansin ang cellphone nito.
Binato ko ang tingin sa gawi ng banyo para tingnan ang cellphone nitong hindi ko naman ginagawa mula n'on. Tila may kung ano'ng pwersang nag-uutos sa aking sinipat ang gallery ng cellphone nito nang agad matuon ang pansin ko sa isang batang natutulog sa sofa; na kung hindi ako magkakamali parang naglalaro sa dalawa o tatlong taon ang edad ng batang babaeng pinagmamasdan ko.
Isang malakas na kabog sa dibdib ang naramdaman ko at muling nagawi ang tingin sa kung nasaan si Tristan; wala na akong nakita pa maliban sa larawan ng batang hindi ko kilala't minsan hindi ko nakilala.
"Sino 'to, Tristan—"