SA isang malaking beige na tent sila tumuloy na anim matapos ang talent show at mini concert nila sa bonfire. Namangha si Ezra na kumpleto ang tent ng mosquito net para hindi makapasok sa loob ang mga lamok at iba pang insekto. Mayroon pang aircoolers sa loob noon. Dahil nga Glamping o glamorous camping ang kanilang gagawin sa gabing iyon, imbis na sleeping bags ay malalaking air beds ang gagamitin nila sa pagtulog. Dalawang malaking air bed iyon. Isa marahil para sa tatlong babae at ang isa ay sa kanilang tatlong lalaki. Isinaalang-alang pa rin ni Ezra na nasa probinsiya nga sila at maaring conservative din ang pamilya Servano sa mga ganoong sleeping arrangements. May mga dim lights sa paligid ng loob ng tent. "May kukunin ba kayo sa Lodge? If wala push na nating matulog kasi almost midn