HALOS magkasunod lang silang nagising ni Blaze. "Baka pabalik na sila." Dahil walang maisip sabihin si Ezra habang magkatitigan silang dalawa ay iyon na lang ang binanggit niya. "Oo nga pabalik na siguro. Anong gusto mong gawin?" tanong ni Blaze sa kanya. "Chill lang and kwentuhan." "Okay." Kung anu-anong topic ang napagusapan nilang dalawa habang hinihintay ang mga kasama. Nang sa wakas ay nagdatingan na ang apat na nangabayo ay nag-aya ang mga ito na mag-swimming. Hindi na sana papayag si Ezra ngunit pinandilatan siya ni Blaze. "Sige kahit nagswimming na kami kanina," sagot niya. Napangisi si Blaze at tumayo. "Tara sa kwarto para sa swimsuits ninyo." Magkakasunod na lumabas ng pool area ang tatlong dalaga. Nilapitan siya ng dalawang kaibigan at saka sabay na tinapik ang balikat ni