UMABOT din sila ng isang oras sa presinto dahil sa mga detalyeng kailangan ng mga Pulis para sa imbestigasyon. Pinakitaan din si Blaze ng mga litrato ng mga kilalang con artists, magnanakaw at manggagantso sa records nila. Ang ilan sa mga babaeng ipinakita ay mga mas bata pa sa kanila. Hindi man nila alam ang istorya sa likod ng mga mukhang iyon, alam ni Ezra na may dahilan kung bakit kailangang bumaling ang mga kabataan sa maling pamamaraan para kumita ng pera at mamuhay. "Dito na lang po kayo sa number ko tumawag kapag may balita na kayo tungkol sa imbestigasyon at sa kotse." Nag-abot ng calling card si Ezra sa Pulis. Kahit pa sabihing Pulisya naman ang tatawag kay Blaze, mas gusto niyang sa kanya na lang makipagugnayan para hindi na ma-stress pa ang dalaga. Hindi na niy