NAUNANG nag-iwas ng tingin at sumandal muli ng upuan si Ezra. Ganoon din ang ginawa ni Blaze. An awkward silence ensued as their car exited the village where Ezra lives. Noon naalala ni Ezra na kailangan niyang tawagan si Dash. He took his phone from his pocket and dialed his friend's number. Isang ring lang ay sumagot na ang kaibigan. "Dude, may update ka? Papunta kami ni Blaze sa police station na malapit dito." "Wala pa, Dude pero siguradong bibilis na ang usad ng kaso kapag nagfile na ng formal case si Blaze. I just hope she remembers the faces ng mga magnanakaw para mas mabilis ang progress." "We'll see later. Sige tawagan tayo kung sino unang may balita." pagpapaalam ni Ezra sa kaibigan. "Si Dash ba 'yon?" "Oo. Wala pang update. Nabanggit niya na mas mapapadali daw kung natatan