PAGDATING ni Ezra sa tapat ng bahay nila ay agad na binuksan ng gwardiya nila ang gate. Pagpasok niya ay ibinaba niya ang bintana. "Pakibukas naman ang pinto. May kasama kasi ako." "Sige po, Sir." "Dumating na ba si Enzo?" tanong niya habang marahang pinapaandar ang kotse sa driveway. Naglalakad naman kasabay ng kotse niya ang gwardiya para buksan ang pintuan ng bahay nila. "Kadarating lang po. Kasama si Doctora Sharmaine. Nasiraan daw ang kotse ni Sir Enzo sa ospital." "Sige. Salamat. Ikaw na rin magparada nito." Pagpark niya sa tapat ng main door ay nasilip niya sa garahe nila ang kotse ng girlfriend ng kapatid niya sa parking slot ni Enzo. "Kung susuwertehin ka nga naman, Blaze." He sighed as he pulled the hand break and turned off the ignition. Iniabot niya ang susi ng kotse