HABANG naliligo si Blaze ay lumabas muna si Ezra ng kwarto dala ang kanyang cellphone. He was not strong enough to stay there while she was naked inside his bathroom. Pakiramdam niya, kapag hindi siya lumabas ay baka magpapalakad-lakad lang siya sa labas ng banyo. Isinasara na niya ang pintuan ng silid nang makita niya si Enzo na nanggaling naman ng guest room kung nasaan si Maine. Nang makita siya ng kapatid ay nagtanong ito. "O, saan ka pupunta?" "Mauupo sa sala tapos mag-cellphone." Ang salang tinutukoy ni Ezra ay ang second floor living room nila na nagdurogtong sa kabilang wing ng ikalawang palapag. May ilang metro din ang layo nito mula sa hallway kung nasaan sila. Sa kabilang wing naroon ang silid ng mga magulang nila. Sumabay ng paglalakad si Enzo sa kanya. "Mag-browse ka lang