MATAPOS nilang maghapunan ay nagpaalam na si Ezra para matulog. Alas diez na ng gabi ay hindi pa rin siya nakakatulog. Simula nang pumasok siya ng kwarto, nakahiga lang siya sa kanyang kama at nakatitig sa kisame na lalong nagpapagulo ngayon ng kanyang isipan. Katulad ng imahe sa kisame niya, umiikot lang ang mga scenariong naiimagine niya. Tinatanong at kinokontra ang sarili kung anong magandang gawin para makausap at mapuntahan si Blaze. Hindi niya alam kung tama nga ba na magpakita pa siya muli sa dalaga matapos ang biglaang pag-block niya ng number nito at pagtalikod sa samahan na nabuo nilang dalawa noong dalawang araw na nasa Rancho Servano siya. Kahit ano pa ang dahilan ni Ezra, he knew he acted like a jerk and he deserved to be punished for being one. Nasa ganoong pagiisip siya na