THIRD PERSON'S POINT OF VIEW "Hoyyy?! Ano na Andeng ha? Wala ka pa lang natatamaan 'eh!" "Ay, nakakahiya naman sa'yo na wala ring matamaan o na-daplisan kahit isa man lang!" Ang malakas na boses ni Sasha ang umagaw sa atensyon ng iilang nga torista na gumagala 'rin sa Carnaval. Inabot na sila ng gabi, kaya naman napagdesisyonan nilang apat na mag-enjoy na lang din at mag-laro sa mag booths tutal mayroon silang extra na pera. Naka-crossed arm lang si Dallius habang pinapanuod si Sasha na masayang naglalaro ng baril-barilan sa isang booth. There's a faint smile on his face habang pinapanuod niya ang dalaga na wala man lang natatamaan kahit isa sa mga target. Katabi ni Dallius ay si Junior, ang asawa ni Andeng. Pinapanuod din nito ang dalawa at tahimik lang din na nakatayo. The tw