SASHA ROSARIO'S POINT OF VIEW "Edi, wala ka pa rin talagang maalala ngayon?" "Yeah, wala pa rin. Alam ko lang na napadpad ako rito, maybe because I gained my consciousness when I am barely holding a floating wood?" Nakanguso ako habang tumatango-tango ngayon. May hawak pa akong isang tasa ng kape at nakasandal sa pader ng bagong gawa na bahay. Nagk-kwentuhan kami ngayon ni Angelo, dahil wala nga kaming magawa at malakas na ang hangin at ulan sa labas ngayon. Halos hindi nga kami magkarinigan at parang pa-sigaw na ang volume ng mga boses namin ngayon. Mabuti na lang din ay nakapagpainit na ako ng tubig kanina. Kaya heto kami ngayon, nagkakape. Perfect na perfect para sa malamig na panahon. "Paano 'yan? Bakit ang galing mong mag-ingles? Baka mayaman ka talaga." Nanlaki ang mga ma