SASHA ROSARIO'S POINT OF VIEW "Bilis! Ang bagal maglakad oh?!" As usual, ang malakas na boses ko na naman ang bumulabog sa buong lugar. Kulang na lang ay tumalon-talon na ako dahil sa excitement na nararamdaman ko ngayon. Kasi naman 'eh! Finally ay babalik kami sa Isla, makakapagpaalam ako ng maayos. Lalo na't alam ko na nagaalala na sa akin ang dalawa 'yon. 'Eh kaso, itong mga gunggong na kasama ko—ang bagal-bagal maglakad! Daig pa ang mga bagong tuli. Kunot na kunot ang noo ko nang huminto ako sa paglalakad pagkatapos ay agad na humarap sa kanila. "One, two three!" Binilang ko sila. Nakafull-black at maskara na naman sila. Nahinto rin sila sa paglalakad at nakatingin lang sa akin. Mas matangkad sila sa akin guys, hanggang dibdib lang nila ako. Yung isa maputi, yung isa more