Napatingin ako sa salamin kung saan nakikita ko ang isang babaeng malayong -malayo sa aking tunay na anyo. Gaya ng lagi kong sinasabi itong mukhang ginagamit ko ay napakaestranghero sa akin ngunit ito rin ang tanging mukha na siyang pinagdadasal ko na makakapagtapos ng misyon na nais ko sa loob ng palasyo.
Itong babaeng nakatitig ngayon sa salamin ay napakainosentent tingnan. Isang simpleng babae na ngayon ay tinatanong ko ang sarili ko. Ganito ba ang gusto ni Kaizen? Ganitong klaseng babae kung kaya't labis na lang ang pandidiri niya nang makita ako sa loob ng club?
Bakit gaano ka linis ba ang haring tinitingala ng lahat? Gaano kalinis siya para maghangad ng inosente at malinis ring babae?
Kumuyom ang palad ko at napahawak ako ng mahigpit sa lamesang nasa harap ko.
I look at the vanity mirror looking at my appearance with my gold ball gown that has a little shimmering dust and my back is bare while dark raven long hair falls like waves in my back. Sa totoo lang hapit na hapit sa aking katawan ang gown. I look like an innocent vixen.
Nakakamangha lang dahil ngayon lang ako nakapagsuot ng ganitong damit. Sa katunayan hindi ko inaasahan na mabibigyan ako ng pagkakataon na pumunta sa isang pagdiriwang na may ganitong ayos.
Kaya lang ang mukhang ginagamit ko ngayon ang siyang pumapalpak dahil napakapangit ko. Kung wala nga lang akong suot na maskara ay baka mauwi sa wala ang lahat ng pag-aayos ko at pati na rin itong gown na suot ko.
Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan ni Kaizen sa akin at patuloy niya akong ginugulo. Kung titingnan ay bagsak ako sa itsura. Ni wala ako sa kalingkingan ng mga babaeng umaaligid dito.
Ang lubos ko rin ikinakataka ay kapag tumititig ito sa akin na para bang ako ang pinakamagandang babae na nakita nito. Ni walang pandidiri itong nararamdaman oras na inilalapit nito ang sarili nito sa akin o kaya ay hahalikan niya ako.
Bagkus ramdam ko ang matindi nitong paghangad na maangkin ako at maramdaman lalo ang init ng katawan ko.
Nakakabaliw ang kaalaman na iyon at ako na mismo ang nandidiri.
Hindi ko akalain na kahit ako ay naapektuhan sa mga pinanggagawa nito.
Gusto kong isipin na baka dahil lamang sa lobo ko kaya nagkakaganito ako pero alam ko sa sarili ko na nalunod rin ako.
Kahit ayaw ko ay may kung anong bagay na nag-udyok sa akin na tumugon sa halik nito.
Kung kaya't ngayon mas matapang na ang binata humarap sa akin. Iniisip nitong pareho kami nababaliw ngunit mali siya!
Mali siya para isipin na pareho kaming apektado dahil para sa akin. Napilitan lang ako! Hindi ko ginusto ang mga halik nito! At mas lalong nandidiri ako kapag naiisip ko iyon.
Lumunok ako saka napahawak sa aking sintido. Hindi ko pa rin makalimutan ang lahat ng mga nangyayari sa pagitan namin. Patuloy pa rin ako no'n ginugulo pero pinipilit ko isawalang bahala iyon dahil kailangan kong magfocus.
Kailangan kong ituon ang sariling atensyon ko sa mga bagay na dapat kong pagtuunan ng atensyon. Hindi pwedeng magpapatianod lang ako sa mga nagaganap.
I smirk looking at my reflection. Nakaramdam ako ng ligaya sa kaalaman na mamaya habang abala sila sa kasiyahan ay may pagkakataon akong hanapin ang dapat kong hanapin.
Oras na mahanap ko ang kinalalagyan ng lalaking may pilat sa may mata ay sisiguraduhin kong mapapaslang ko na ito at mabigyan ko na ng hustisya ang pagkawala ng aking ama.
Dapat dahan-dahan ay kailangan ko nang gumawa ng kilos.
Sa ngayon kailangan ko munang makihalubilo sa mga taong nasa kasiyahan.
Hindi pwedeng mahalata nilang wala ako roon dahil malaking problema kung nagkataon pumalpak ako.
I smiled to myself, feeling satisfied while plotting something on my mind. Kailangan ko atang makipaglaro sa sarili kong mate.
Mukhang kating-kati na itong makahanap ng babaeng paglalabasan nito ng kalibugan nito.
Hindi naman pwedeng siya lang ang magiging masaya habang alam ko sa sarili ko na may dapat pa itong pagbayaran.
Isa pa hindi ko alam kung ano talaga ang balak nitong gawin. Gusto nitong mahanap ang mate nito pero nakikipaglaro ito ng apoy sa isa sa mga tagapaglingkod nito.
Mukhang hindi talaga nalalayo ang anak sa ama nito.
They are both monster.
Mga walang pakiramdam at walang ibang iniisip kundi ang sariling kaligayan at kasakiman.
If he thinks he can trap me in this plan na ginawa niya pwes nagkakamali siya. Hindi magiging madali para sa kaniya na mahuli ako.
Sisiguraduhin ko na babagsak ang pag-asa nito oras na mauwi sa wala ang lahat ng plano nito ngayong gabi.
I am more than happy to play with him.
Isang laro na siyang nakakawala sa tamang katinuan. Kailanman hindi niya makukuha ang gusto niya hindi niya makukuha ang matagal na niyang hangarin. If he thinks I'll bow down and submit to his demands then he should think again.
Hindi ako tanga para maging sunud sunuran sa kaniya. Kung nababaliw siya sa katauhan ko ngayon pwes mas lalo pa siyang mabaliw. Dahil itong katauhan na ito ang gagamitin ko upang patayin siya.
Ito ang katauhan na siyang kukuha ng lahat ng meron ito.
Pinapangako ko na hindi ako papayag na siya ang maging panalo sa laban na ito.
He made me like this and I'll make him pay for it. I raise a dagger with black diamond on it's handle. Kung sweswertihin ako ngayong gabi makakatikim ng dugo ang punyal na ito.
I plastered a cruel smile curving on my red lips with seductive glint in my eyes before picking up the red mask.
Sinuot ko iyon at sinugurado ko na maayos iyon na nakalagay sa aking mukha. Kinalma ko rin ang aking sarili at sinigurado kong hindi makikita sa mata ko ang mga maitim na balak na meron ako ngayon sa isip ko.
I made sure that I look innocent. Dahil aatake ako sa oras na hindi nila inaasahan.
Nilagay ko ang dagger sa may binti ko. Gagamitin ko lang ito kung kakailanganin na talaga. Isa pa gagawa pa ako ng paraan mamaya kung paano pupuslit at gagawin ang planong meron ako.
Sa ngayon kailangan ko nang magpakita sa kasiyahan. Mas maaga mas maganda at para mamaya ay mas maaga rin akong makakapuslit paalis ng hindi nila napapansin.
Just wait Kaizen... sisiguraduhin ko na sa huli ay pagsisihan mo ang lahat ng ginawa mo.
Gagawin ko ang lahat mapagbayaran mo lang ang mga ginawa mong kasalanan sa pamilya ko.
Kung kailangan sirain ang pagkatao ko gamit ang pagsalungat sa nararamdaman kong ugnayan sa pagitan natin ay gagawin ako.
I don't care about the mate bond.
Wala na akong pake kung iyon ang bagay na napakaimportante sa isang lobo. Dahil mas gugustuhin ko pang mamuhay o mamatay ng mag-isa kaysa ang makasama ang isang mamamatay tao na katulad ng lalaking itinakda para sa akin.