bc

THE CEO's HIDDEN WIFE

book_age18+
304
FOLLOW
1.2K
READ
drama
tragedy
like
intro-logo
Blurb

BLURB

THE CEO's Hidden Wife.

MATAGUMPAY sa negosyo si Lucas Monterde, ang kompanya ng pamilya niya siya ang namamahala. Sa murang edad matatawag ng nasa kaniya na ang lahat; magandang estado ng pamumuhay, magagarang materyal na kagamitan at pamilyang tinitingala sa bayan ng Las Esterdas sa Probinsya ng Quezon.

Ngunit, hindi lahat ng napapasakamay ni Lukas dahil sa matinding pinagbabawal ng kaniyang pamilya siya'y hindi lubos na masaya. Mahigpit siyang binilinan nitong hindi siya pweding mag-asawa hangga't hindi mismo galing sa kaniyang mga magulang.

Bilang mabait at masunuring anak, sinunod ito ni Lucas na walang pag-aalinlangan kahit pa siya'y may malaking sekretong tinatago sa lahat.

Si Martina De Jesus— isang malapit na kaibigan ni Lucas, mula pagkabata magkasama na ang dalawa. Bagamat magkalayo ang agwat ng pamumuhay hindi 'yon naging hadlang para sa damdaming lumukob sa kanilang dalawa. Ngunit dahil sa estado ng buhay na mayroon si Lucas, nanatiling lihim ang lahat ang ugnayan ni Martina sa buhay ng lalaking minahal niya.

Ngunit hanggang kailan magpapanggap si Martina kung may Brenda, Angela at Rufa ang umeksena sa buhay ng lalaking minahal niya. Hanggang kailan niya itatago sa lahat na siya'y pinakasalan ni Lucas Monterde at nanatiling— Ceo's Hidden Wife.

chap-preview
Free preview
ANG SIMULA
LAS ESTERDAS, QUEZON PROVINCE MAYO 9, 2022 "KAMUSTA kaya si Lucas? Hindi pa rin siya tumatawag sa akin. Kinakabahan na ako sa kalalabasan ng resulta ng eleksyon para sa lolo niya," may himig pag-aalala sa boses ni Martina. Gustuhin niya man na nasa tabi lang ng kaniyang nobyo, hindi niya magawa. Hanggang sa sandaling 'yon sekreto pa rin ang relasyon nila ng katipan niya, tatlong taon na halos ang nakaraan mula nang maging opisyal silang dalawa bilang magkasintahan. "Pakiramdam ko panalo naman si Don Lucas, Ynna," tugon sa kaniya ng kaibigan niyang si Cora. Isa ito sa matalik niyang kaibigan sa bayan ng probinsiya. Napalingon siya rito, kapwa sila sekretarya sa kompanyang pinamamahalaan ng pamilya Monterde at siya ay kanang kamay ng pinsan ni Lucas na si Lara. "Kinakabahan talaga ako, Cor. Hindi pa ri kasi nagpaparamdam sa akin si Lucas, kahit text man lang wala pa akong natatanggap mula rito." "Mag-turon ka muna." Sinundan niya ng tingin ang isang platong may tatlong piraso ng turon na bigay sa kaniya ni Cora. Sinadya niya 'to sa bahay nito para makibalita sa resulta ng eleksyon kung saan tumatakbong Mayor ang Lolo Lucas ni Lucas. "Kilala mo naman si Don Lucas gurang. Hindi 'yon magpapatalo, Yna. Kung kinakailangan bilhin n'on ang kaluluwa mo, gagawin n'on. Hindi ka pa nanibago sa pamilya ng nobyo mo." Napalunok si Martina sa naging tugon sa kaniya ni Cora. Alam niya naman ang tungkol sa bagay na 'yon. Wala naman siyang dapat ipangamba sana, ang inaalala niya lang si Lucas— ang kaniyang nobyo. Mas lalo lang kasi sila magiging alangan sa isa't isa, lalo na kung sa pagkakataong 'yon manalo na ang abwelo nito. "KAMUSTA? Tumawag na ba si Lucas?" untag na tanong ni Cora kay Martina nang ilang sandaling iniwan muna siya nito sa veranda ng bahay ng pamilya ng kaibigan. Muling nagbaba ng tingin si Martina sa hawak niyang cellphone habang nakaupo siya sa silyang nandoon. "Wala pa nga, Cora. Hinihintay ko pa rin ang tawag nito sa akin e. Mukhang wala na yata itong balak tumawag, para ipaalam sa akin ang nangyayari." "Ano ang balak mo? Puntahan mo na lang kaya, alam mo naman kung nasaan siya hindi ba," suhestyon sa kaniya ni Cora. Naisip niya na rin 'yon kanina pa, pero ano naman ang idadahilan niya? Wala naman siyang kailangan d'on at alam niyang pamilya lang ang dapat nandoon para maghintay ng resulta. "Pwedi mo ba akong samahan?" nag-aalangan niyang tanong kay Cora. Mabilis itong umiling-iling. "Alam mong magiging alanganin din ang pagpasok natin d'on, Martina. Kapag ganitong sandali sigurado akong marami ng nakabantay na gwardya civil sa bahay ng mga 'to." Tama naman ang sinabi sa kaniya ni Cora. Kung noong nangangampanya pa nga lang halos marami ng nakapalibot kay Lucas, ano na lang kaya kung sa araw mismo ng paglabas ng resulta. Napasinghap si Martina. Hindi alam kung ano ang gagawin, nag-aalangan din siyang tumawag kay Lucas at baka iba lang din ang makasagot sa tawag niya para dito. "Hindi ako pwedi maghintay na lamang ng sagot sa tanong ko rito, Cora. Kailangan ko gumawa ng rason para makausap ko si Lucas, kailangan ako ngayon ng nobyo ko sa kung ano man ang magiging resulta ng lahat ng 'to," sabi ni Martina kay Cora. Mabilis siyang tumayo at sinukbit ang dala-dala niyang bag na bigay sa kaniya ni Lucas sa unang anibersaryo nila bilang magkasintahan. "Pupuntahan ko si Lucas. Kailangan ako ngayon ng mahal ko, Cora," ani ko pa rito. Walang nagawa si Cora, hanggang sa pag-alis niya wala siyang narinig na kahit na ano mula rito. Hindi siya nag-aksaya ng panahon— gamit ang sarili niyang lumang motor pagkatapos niyang ilagay ng maayos ang helmet sa ulo niya, mabilis niyang pinatakbo ito. Pupunta siya ngayon sa Villa ng mga Monterde— pupuntahan niya si Lucas at sa lungkot o saya sa maaaring maging resulta ng eleksiyon kung panalo nga ba ang abwelo nito, dapat nandoon siya't kasama ni Lucas Monterde III, ang kaniyang nobyo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
150.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
198.9K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.8K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
52.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
88.8K
bc

His Obsession

read
96.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook