"M-Mom..." paanas na saad ni Janel habang dahan-dahan siyang tumayo sa harap ni Mr. Olvidares. Agad pa siyang nakadama ng kaba nang makita niya ang ekspresyon sa mukha ng kanyang tiyahin. "What the hell are you doing?" mabalasik nitong wika sa kanya. Tuluyan nang pumasok sa loob ng silid si Krystal habang ang mga mata nito ay mariin na nakatitig sa kanya. Anger was visible in her eyes. Hindi alam ni Janel kung gaano na ito katagal na nakatayo sa may entrada ng silid pero alam niya na narinig nito ang ginawa niyang pagtawag sa totoong pangalan ng ama ni Lucas. Kung narinig din nito ang nagawang pagsambit ni Mr. Olvidares sa pangalan ng asawa nito ay hindi niya sigurado. Hindi niya maiwasang mangamba nang makita ang galit sa mga mata ni Krystal. Ngunit sa halip na pansinin siya nito ay ma