Nang sumunod na araw ay mas inuna ni Lucas ang pagpasok sa OMC kaysa sa pagtungo sa mga awtoridad upang makibalita sa kaso ng kanyang ama. Sa bawat araw na dumaan ay hindi pwedeng hindi niya alamin kung may development na sa paghahanap kay Jake. Bago pa man mag-alas otso ng umaga ay nasa loob na siya ng kanilang kompanya. Lahat ng empleyadong madaanan at masalubong niya ay magalang na bumabati sa kanya. Nang makarating siya sa palapag kung saan naroon ang kanilang opisina ay agad na nagdikit ang kanyang mga kilay. Hindi niya maiwasang magtaka sapagkat bakante ang mesa ni Janel. Simula nang pumalit ito sa posisyon ni Regina ay laging maaga kung pumasok ang dalaga. Sa lahat ng pagkakataon pa nga ay lagi itong nauuna sa pagpasok kaysa sa kanya. Agad na iniikot ni Lucas ang kanyang paningin