Chapter 42 Rosalie POV PAGPASOK ko sa loob ng bahay, diretso na akong umakyat sa kwarto. Mas pinili kong magkulong doon kaysa harapin ang masakit na nakikita ko sa garden. Hindi ko alam, kung nakita ba ako ni Rune pero sa tingin ko nakita niya ako. Naupo ako sa gilid ng kama, ang bigat ng dibdib ko. Tumayo ako at sumilip ako sa bintana. Nakikita ko silang masayang nagtatanghalian at nagkukwentuhan. Nakikita ko ang mga ngiti ni Rune sa kanyang mga labi. Ang pinakamasakit na tanawin ang makitang nakangiti si Rune habang kinakausap siya ni Anne. Pakiramdam ko, wala man lang kahit isa sa kanila ang naka–alaala sa akin. Umalis ako sa bintana bago pa sumabog ang dibdib ko sa sama ng loob at sakit pero wala naman akong dapat ikasama ng loob. Dahil hindi ako parte ng pamilyang ito. Hindi ko si