Kabanata Nine

265 Words
Stacey's POV “Kanina pa kayo rito?” nag-aalalang tanong ni Mang Tonyo noong lumapit siya sa amin. “Opo, Mang Tonyo. Na-flat po kasi yung gulong ng sasakyan ko,” sagot naman ni Zach. Saglit akong nilingon ni Zach pero umiwas ako ng tingin. Ayokong magtama ang mga mata namin, I simply don't want it. “Naku! Ayos lang ba kayo rito? Ang taas na ng araw,” ani Mang Tonyo. Kanina pa ako naiinitan at nauuhaw na rin ako. “Ayos lang po kami, Mang Tonyo. Mabuti na lang po at napadaan kayo,” giit pa ni Zach. Iniisip ko kung ano na kaya ang nangyari kapag hindi kami nakita ni Mang Tonyo. I know what Zach was doing, he was obviously teasing me. Alam kong may double meaning yung mga sinasabi niya kanina. Akala ko mabait lang talaga itong si Zach, may iba't ibang sides din pala siya. Well, hindi ko naman siya pwedeng i-judge kasi gano'n din ako. “Hinihintay ka namin pero matagal ka kaya naisipan naming puntahan ka. Nasiraan ka lang pala ng sasakyan at kasama mo pa si Snow. Ayos ka lang ba, hija? Masyadong mainit dito,” alalang giit ni Mang Tonyo. Nginitian ko siya at nilapitan. “Ayos lang po ako, Mang Tonyo.” Nakita kong nag lakad si Mang Tonyo pala put sa tricycle at pinaandar ito. “Oh siya, sumakay na lang kayo sa tricycle at nang makaalis na tayo rito,” aniya. Hindi na ako nag-inarte pa at mabilis na sumakay sa loob ng tricycle. Tahimik namang sumunod naman si Zach sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD